Batang bata ka pa!

Posted: October 2, 2010 in experience, Working tag

Sa maniwal kayo’t sa hindi e 21 Years old ako simulang magtrabaho bilang OFW. Bagitong bagito pa talaga sa larangan na aking sinusubukang tahakin.

Gustuhin ko mang magpakasarap sa buhay sa pinas ay hindi pepwede dahil kailangan paring magbanat ng buto para sa kinabukasan at tumulong narin sa pamilya. Nakapagwork naman ako pandalian ngunit di ito sapat para sa pagaaral ng mga kapatid at pagtulong sa pamilya. Kaya naman minabuti kong subukang magtrabaho sa labas ng bansa. At yun nga hanggang ngayon nandito parin me.

“Ang bata mo pa ha! pero ayos yan” sabi ng isa sa mga kasamahan ko nung unang malaman na ganun palang ang edad ko.

Advantages ng pagiging pinakabata sa pinagtratrabahu-an.

  • Maagang mamumulat sa hirap ng buhay. Di ko alam kung advantage to o hindi para sa iba, pero para sa akin e advantage ito at maging inspirasyon pa. Dahil sa bata palang kame ang pinaka pangarap na namin ay maging maginhawa sa buhay.
  • Madaling matuto dahil nasa stage of learning parin ang utak.
  • Matututong tumayo magisa at harapin ang problema.
  • Dahil binata pa maaaring maraming maipon (at hindi ako yun)
  • at marami pang iba..

kung may advantage syempre merong disadvantage

  • Lagi kang inuutus utusan kahit di naman kasama sa departamento ay kung anong yabang kung mangUTOS!
  • Hindi masyado pinaniniwalaan ang  mga opinyon lalo pagdating sa trabaho, kaya ang nangyayari tahimik nalang.
  • Kung sakaling tutulong ka sa mga problema sa trabaho e hindi naappriciate ang ginawa mo at parang wala lang.. tsk

Hindi naman siguro sa lahat ng pagkakataon e ganyan.. Nangyari lang kasi e naexperience ko ang mga ganyang eksena kaya yun na ang naging perception ko.

Kayo anong sa tingin nyo? Ok bang maging bata sa pagtratrabaho sa ibang bansa?? o tama lang yung ganung edad??  (naks may tanungan interactive?!)

yun lang po! salamat

About these ads
Comments
  1. YanaH says:

    hmmm sa tingin ko naman eh wala sa edad yan.. nasa abilidad yan ng isang tao kung pano nya kayanin ang mga tungkuling iniatang sa kanya. maaring in some cases eh totoo ang mga disadvantages mo, hindi maaiwasan yan.. ganyan talaga ang ibang tao, lalo na ang kapwa pilipino. hehehe.. fuc…este fact na yan sa buhay antin na may mga majepaloids mongoloids, all we can eh ang gawin ang gma nararapat, ipakitang kaya natin at makipagsabayan sa knila.

    nakakabilib ung mga kabataang gaya mo(jusko feeling mashonda na tuloy ako.. alamat!) na sa murang isip eh nagiging prayoridad ang pagtulong sa pamilya. hindi lahat ng mga taong kaedad mo eh may ganyang layunin-mithiin sa buhay.. at dahil jan… hmmmmmm
    saka na lang… hahahaha

  2. greta says:

    ayos na maaga magtrabaho sa abroad para yumaman agad!

    kaso parang hindi makakapag jowa agad..diba?

    malanding pananaw lamang…..

  3. khanto says:

    it depens. as long as you have the skills o kaya mong panindigan ang work mo.

    Age doesnt matter. :p

  4. 2ngawzki says:

    tma ka sa lhat ng znb mo….pero wla sa edad yan.nza diskarte lang yan pano mo ihahandle….goodluck!

  5. Yow says:

    Tira na agad kahit bata pa. Ang main purpose mo naman talaga kung bakit ka nag-aral eh ang magtrabaho, hindi ibig sabihin na bata ka pa at nakatapos ka na eh hihintayin mo pa tumanda ka para magbanat ng buto. You’re blessed kasi kabod napunta ka ng ibang bansa, madami naghahangad niyan. Sana ako din. Haha. Serious mode ito. God bless Puldo. :)

  6. LordCM says:

    para lang sigurong pag aasawa yan.nag asawa ako sa edad na 21 at nagkaanak, di ko na naranasan ang buhay ng binata…pero ok lang, kasi kung ano ako ngayon, utang ko yun sa nangyari sa akin nung 21 yrs old ako :)

  7. it still depend on the person. para sa akin wala sa bata yan, nasa abilidad at diskarte yan ng worker.

    pero bilib ako sayo, dahil nung 22 years old ako ay natakot ako mangibang bayan kahit pa may oportunidad na nagaabang. mabuhay ka!

  8. fierceskate says:

    kawawa ka naman
    fierces kate’s here

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s