Hard to say Goodbye to yesterday

Posted: December 10, 2013 in Uncategorized

Sung ng Boyz II Men

Darating at darating talaga yung panahon kukunin na sayo yung mga bagay na binigay temporarily. Wala kang laban! wala kang pwedeng documentong ipang tapat para mapigilan to. Hiram lang kasi talaga.

Ang mas mahirap pa e yung parang biglaan! Tanggap na hindi magiging permanenteng sayo, pero yung tipong bibiglain ka. Sakit nun dre! Daig pang batang inagawan ng lollipop ng batang bully tapos kinonyatan ka pa! (Combined!)

Sa sobrang bigat at di makayanan. Nandyan narin yung time na magtatanong ka. Ku-Question-in si God. Why??, May nagawa ba akong malaking pagkakamali?. Nangurakot/Nagnakaw ba ako at kumuha ng bilyong bilyong pera? di nman ako malinis na tao pero alam ko naman na di rin ganun kahalang ang bituka ko. Slight lang (joke!)

Pero bakit ganun??

..

..

..

..

God planned it. God has the reason for everything. Masakit at mahirap man maintindihan ngayon. Pasasaan pa, makikita rin ang lahat ng reason behind all of things happened.

Yun nga lang. 

Dalawang Babae sa buhay namin ang nawala. 

Miss na kita nanay (Lola)

Miss na miss na kita Mama! 

😥

 

I miss you Mom :'(

Posted: November 3, 2013 in Family matters

Covering their asses!

Posted: July 9, 2012 in Uncategorized

Ayoko sanang lagyan ng Rant or kahit ano mang negative post dito sa blog na ito.. Pero di ko talaga mapigilan..

Kailangang ilabas,

Kailangang iputok!

Kailangang irelease……

Ang sama ng loob! (wag madumi ang isip!)

 

Rant starts here:

 

Image

Kahapon naglabas ng ganitong klasing memorandum shit ang company namin at PILIT kameng pinapapirma sa kung anong di maipaliwanag na kadahilanan.

Himayhimayin natin:

Item 1 & 2 – Wala nang Problema dito dahil, unang una natural lang naman na magtatrabaho kame ng lampas sa basic hours namin at natural na overtime kagad ang susunod na oras.

Example: Nagtatrabaho kame ng mahigit 10 at kalahating oras kada araw. Base sa aming pinirmahan na kontrata, kame ay kailangang magtrabaho ng 10 oras at kung lumampas man, ito ay maiikosiderang dagdag oras (overtime)

Item 3 & 4 – This will be the turning point of this memorandum. I as an employee will not allowed to complain verbal or written to the company or its officers on WHATEVER NATURE or KIND and this memorandum will be use against me. Kung pipirmahan ko itong memorandum shit na ito ay parang nawalan na kame ng lakas o boses bilang isang empleyado. 

Example: Kung “sakaling” idelay ng dalawang Buwan ang sahod namin, Wala kameng karapatang magreklamo, kahit mismo sa Ministry of Labours magreklamo e walang mangyayari dahil nga sa pinirmahan na memorandum shit.

Item 5- Sinasabing Pinirmahan ko itong memorandum shit na ito sa aking kagustuhan. e putang ina kulang nalang na ipangudngod sa akin tong documento na to at sapilitang pinapipirma. At di pa duon natatapos, sinasabing posibleng magkaroon ng changes against me(employee) kung sakaling di pumirma.

 

Siguro alam na ng mga OFW ang ganitong klaseng kalakaran, Meron paring napapadala sa takot na mapauwi sa pinas at mawalan ng trabaho kaya napapapirma ng alanganin.Di naman kasi maaalis yun dahil narin iniisip ang mga naiwang mahal sa buhay sa Pilipinas.

Pero sa sitwasyon ko, halos 4 na taon nang nagtatrabaho sa parehong kumpanyang ito ay ngayon ko lang naranasan ang ganitong klaseng pamamalakad.

Fuck them! hindi ako kukuha ng batong ipupukpok ko sa ulo ko!. Hindi ko pipirmahan yan! Magkauwian na kung magkakauwian. Tama na ang sobrang trabaho na binibigay ng kumpanyang to.

Kinausap ako ng masinsinan ni Jung-tot (One of my Korean-Colleague). Sya ang nagbigay sa akin (amin) ng document na pinapapirmahan galing sa Administration. If the company will go that way, you will not follow them??? sabi ko, “If that way will lead me to the cliff of uncertain, Then No! thanks!!” 

Ni hindi nila kayang iexplain ang pinakapurpose ng Memorandum na yun. Kesyo para sa RAMADAN season daw. Are they stupid or something? walang time frame! kung kailan maguumpisa at magtatapos ang nasabing MEmo. Meron din nagsabi na para sa whole contract na un… So mababalewala ang pinirmahan naming kontrata since day 1?. 

Hindi rin nakatiis si Jung-tot at sinabi rin ang pinaka purpose, FOR COVERING THE COMPANY ASSES. Kung wala naman silang maling ginagawa bakit kailangang pagtakpan? bakit kailangan pa ng ganun? ahh un pala, IWAS PUSOY!.

Sinabi ko nalang kay Jung-tot na ready akong umalis sa kumpanyang to! kaya lang naman ako nagiistay dito ay may sarili akong rason. Personal Reason na hindi na kailangan pang ipangalandakan sa kanila.

And speaking of Personal Reason. 

(RANT ends Here!)

 

10 bayaran nalang ang bahay na hinuhulugan ko!

shitttttttt!!! 10 tambling at 1 split nalang un!… Once na matapos yun, I’m Free like butterfly.

But for now? kissing their asses is the only option.

 

Cheers! 

“Diskarte mo bulok” tip 002

Posted: July 2, 2012 in Uncategorized
Sundin ang mga sumusunod sa pambobola/pangdidiskarte sa pinopormahan mong babae:
  • Mag send sa kanya ng mensahe o text galing sa isang linya ng kanta.
  • kailangan Mula verse 1 hanggang chorus… kung kaya pa ng space, isama na pati bridge (itodo mo na ang effort).
  • Iparamdam mo na kahit sa text man lang marunong kang kumanta! (dapat di JEJEnese)
  • Bawat kataga, bawat linya ng kanta ay dapat nagrereflect sa kung anong nararamdaman mo.!
  • at yun ang magiging song of the day nya! parang LSS ba!😀

 

example (Lets do dez)

 

Hey, I just met you,and this is crazy,but here’s my number,so call me, maybe?

 

 

kakakiligggggg!!!!!

 Nung accidentally napindot ang maximize button ng MEDIA PLAYER habang nasa trabaho ka…

Shittttttttt!

 

 

 

Wait… Nasabi ko bang Porn ung pinapanood??? -_-

“Diskarte mo bulok” tip 001

Posted: June 26, 2012 in Uncategorized
Comment sa FB photo ni girl kasama si mother….
 
ang ganda naman ni mama (referring to Girls’ mother)…. May pinagmanahan (referring to.. well, to girl)!
 
 
Reaction: SUPERULTRAELECTROMAGNETIC yuckkkkkkkkk! 
 

Surpriseeeee XD

Posted: March 4, 2012 in Uncategorized

As if namang surprise talaga diba?.

Hello friendssssssss! Am nakapagsulat din at Susubukan kong bumalik. I wanna to try one more time kung pupwede pa bang magsorry sa aking blog na iwan kong Umiiyak, naghihinagpis at nasaktan sa aking panandaliang pag-alis. Arteeee!

Pakiramdam ko andami nanamang nagbago sa akin dito sa pinagtatrabahu-an ko. Mula sa pisikal hanggang sa pagiging propesyonal. Mas nakilala ko ang sarili ko. Tumaas ang self-confidence. Pakiramdam ko’y kaya ko nang makipagsabayan sa mga batikan. OO its me olredi! pak!

Sa unang pagkakataon, Naramdaman ko rin na importante ako sa isang company. Binibigyan importansya at pantay na pakikitungo. Taena! dugo at pawis ang puhunan ko dito boy! Pawis dahil sa sobrang init at dugo dahil sa sobrang pageenglish! syet!

Gayun pa man, pinagiisipan ko nang umalis sa kompanyang ito. Siguro pagkatapos ng bakasyon, babalik at magaantay ng ilang buwan sabay resign. Kung baket? Personal reason. Pero di parin naman sigurado😀

At nasabi ko na bang magbabakasyon ako?? with less than a week, I will take my vacation for 30 days. As usual madaming plano, gastos pero all in all, I will make sure it will be memorable. Gusto ko rin magpa-general check up. Mukhang kailangan nang i-overhaul ang aking sexy bodehhhh!. sasakyan???😄

Naging Self-conscious narin ako. Trying to convince myself to go on a diet which I think may kinalalabasan naman.. oo ako na talaga to!!! hahaha

At madami pang iba… Madami as in di kaya ng word count dito sa wordpress, Maniwala ka!😄

so dyan muna mga kakwentuhan.

Susubukan kong bumalik promisee

promise..

promise..

ulit ulitin till fade.

God bless us all🙂