Poldo is the name….

Posted: June 26, 2010 in Uncategorized

Since bago palang ako sa larangan ng pag-blo-blog, kung baga sa pagkain ay umuusok usok pa, Hayaan nyong akoy magpakilala.

Bakit poldo o polding?.

Ito  ay hinango sa pangalang “Paul” na kung saan ay binaboy at pinaglaruan ng mga pinsan ko ang aking pangalan at ganyan ang kinalabasan. Sa una nakakainis, pag ganun ang tinatawag sakin gusto kong magalit at maging incredible hulk,  sabihin sa kanila na “dont mess with mah name”. Parang Poldo-g at polding bed kasi.(usong uso kasi dati ung folding bed eh)

Tinatawag akong poldo ng papa, mama, lola, lolo, tito, tita(in short family and relatives) pag sila ay galit na sakin dahil sa kakulitan ko.

Tinatawag naman akong polding pag sila ay naglalambing. Hay, sa dinamidami ng pangalang pwedeng namang i bigay sakin,  yung dalawa pang yun ang ibinansag sakin.

Pwede namang..

“Paul!” kung sila’y galit sakin at “Paul cute!”pag sila namay naglalambing. DIba??

Anyway, Christian Paul ang Full name ko. Sa totoo lang dapat ay “Paul” lang at walang “Christian” ngunit dahil sa pagiging pakialamera ng nurse/doctor na naglabas sa kin sa sinapupunan ng mama ko, dinagdagan nya ng “Christian” sa kadahilanang sobrang cute ko daw nung bata ako Malapit na ang pasko kaya dinagdagan ng “Christian”. Dahil sa walang lakas si mamang tumutol at si papa namay gandang ganda sa nurse busy sa ibang bagay, hinayaan nalang nilang pahabain ang pangalan ko at idagdag ang “Christian”.

Hindi ko lubos akalain na gagamitin ko sa blog na ito ang pangalan na minsay sinumpa ko. LOL.

Mababa ang aking self steem, at self confidence. Feeling ko once makatanggap ako ng isang rejection ay katapusan na ng mundo. Minsan pa nga ay tumatatak pa sa aking isipan ang mga yun.

Maraming nagsasabing mayabang daw akong tingnan.  Sa porma, kilos at pananalita. Isa lang ang masasabi ko dyan. HINDI NYO PA AKO KILALA hehehe. Ayon sa aking mga kaibigan mabait naman daw ako, makulit, at lovable (o diba?). Inaamin ko suplado ako lalo na sa taong di ko kilala at tingin kong malaki ang hanging habagat sa katawan in short mahangin. Ayoko yung mga taong ipinagmamalaki pa nila yung mga kakayahan nila, Ok fine ayos naman yung ganun diba?? pero kung tipong sinasamba mo na ang sarili mo at tingin mo ay alam mo na ang lahat at hindi mo alam sa salitang “HUMILITY”  excuse me hindi talaga tayo magkakasundo at makikipagplastikan lang ako sayo.LOL.

Pala-kaibigan din naman ako. Lalo na sa mga taong nakikita ko ang sarili ko sa kanila, talagang ako pa mismo ang lalapit at makikipagkulitan para maging kaibigan nila. Wala naman akong sineset na standards para maging kaibigan ang isang tao basta kaya mong sabayan ang topak ko. why not chock nut?. tropa tau.

Yan lang muna.

salamat. ingat🙂

Comments
  1. Drake says:

    Sosyal ng name ah, tunog mayaman!

    Salamat nga pala sa laging pagbabasa ng aking blog. Nga pala sana marami din akong mabasang update mula sa iyo, At add na rin kita sa blogroll ko!

    Ingat palagi!

    • @ SIR DRAKE
      wow! nakaka-tats naman! isa sa mga prestigious at iniidolo kong blogger nagcomment!…

      Maraming salamat sir! its a honor to be part of your blogroll.

      about sa tunog mayaman, hanggang tunog lang yan bossing… isa parin akong dukha.. LOL

      grabe nanginginig pa akong magreply sa unang nagcomment sa blog ko.. whew!

      salamat po ule.. ingat!

  2. NoBenta says:

    wow, alam mo bang Christian Paul ang gusto kong ipangalan dati sa magiging anak ko? Kaso nang malaman kong kambal sila, naiba at naging LES PAUL para medyo partner sa LEI XANDER. Cute din ang mga anakis ko. hehehe.

    Buti nga ikaw at poldo ang tawag sa’yo. Eh ako, banas na banas ako noong tinatawag na nila akong “Jay-Jay” dahil Jayson ang first name ko!

    • W0w swerte mo bossing.. gusto ko rin magkakambal na anak.. pero isang lalaki at isang babae…

      At dahil hindi mo sinunod sa pangalan ko ang mga baby cuties mo… magiging mapalad at maswerte sila sa buong buhay nila.. LOL

      salamat sa pagbisita.. add kita sa blogroll ko sir!

  3. YanaH says:

    hindi bagay yung name dun sa gumamit.. banal ang dating nung pangalan. kabaliktaran nung may kanya. bwahahahahaha
    eto pala ung niwewento mo saken na pakelamerang nars!

  4. diamond R says:

    ngayon lang ako nag back read sa mag post mo. sandali makpag comment nga dito. Christian Pual. maganda ang buong pangalan na yan. I can relate kasi may mga nakialam din sa aming mga pangalan kaya dala -dalawa din ang name namin. ito yon. pangalan ko talaga ay Don rommel, yong younger bro ko naman Jerous Iluminado at yong sinundan kong sister Elsa soledad. kaya di ka nag iisa. at ang mga nagdagdag mga tita lang di naman nurse.pero ok na rin ang kinalabasan. Gusto ko yong blog mo nakakatuwa. may kakulitan pero may puso. ok.. napahaba na.

    ingat lang lagi.

  5. Prince Fau says:

    apir tau jan! ahaha!

    me kialal akong paul at ang tawag namin sa kanya ay pauleen. at least okay na ang poldo at polding kesa kalalaki mong tao eh gawin kang pauleen. ahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s