Welcome- me

Posted: June 26, 2010 in Kahit anong ka-poldo-han

At last, after a million years of waiting(OA naman) nakagawa rin ako ng sarili kong blog.  Dito ko pwedeng sabihin, i-express at maging way para ilabas ang aking saloobin, hinaing at kuro kuro sa buhay.

Hindi ako isang writer at wala akong ka-talent talent sa pagsusulat, kaya kung mataas ang expectation mo, at inaasahan mong makakapagbasa ka ng makapanindig balahibo at makapagpapadugo na lines sa blog na ito eehhhh sorry nalang, merong X button dyan sa top right corner ng window and then click it. Pero kung isa kang mababaw at mahilig sa chismis sa buhay ng may buhay ng ibang tao aba e welkam na welkam ka dito.

Lagi akong nagbabasa ng mga humorous blog na talaga namang kikiliti sa malilikot mong isip at magbibigay sayo ng inspirasyon na masarap talagang mabuhay. Halos araw araw tinitingnan ko kung may update sa blog nila. Nakakatuwa dahil minsan ay nakaka-relate ako sa mga post nila, kahit simpleng pangyayari sa buhay buhay nila ay nakakapagdulot parin ng saya pag naikwe-kwento nila sa kani-kanilang mga blog ay talaga namang hahagalpak ka sa kakatawa.

Siguro isa narin itong way para maibsan ang aking pangungulila sa aking mga mahal sa buhay, kaibigan at labidabi.

So markahan na sa inyong tala-arawan ang pagsibol ng walang kakwenta kwentang blog na ito.

Salamat sa pagbabasa! ingat!

Comments
  1. jepoy says:

    Welcome to the world of blogging. Sipagan lang ang pag susulat and enjoy writing. I’ll read more soon, ei?! Enjoy!

  2. jepoy says:

    Welcome to the world of blogging. Sipagan lang ang pag susulat and enjoy writing. I’ll read more soon, ei?! Enjoy!

    dito pala ako dapat mag post hindi dun sa kabila, Nakakalito ang wordpress I hate et! LOL

    • OMG!!! isa pa sa mga iniidolo ko sa pagblog ang nagcomment!! pwede na akong palibing sa disyerto ng buhay!!.. over na ata un.. LOL..

      salamat po at napabisita kayo sa payak kong blog. Matagal na akong reader ng blog nyo hindi lang talaga makapagcomment kasi nahihiya me….

      anyways… salamat po sa advise.. tama at gagawin ko po un..

      maraming salamat po! bow!

  3. NoBenta says:

    welcome sa mundo ng blogging. parehas lang tayong hindi writer pero umeepal na magsulat. sa halos magwa-one year na pagsusulat ko, medyo natututo na rin naman ako. lalo na kapag nalalaman mong may nagbabasa at nagko-comment na sa mga sinulat mo.

    add kita sa blog rolls ko. mukhang masarap tumambay dito. ganda ng layout. rakista ka ba?

    • Salamat ng madami sir! at tama ka masarap magsulat..

      Iniendorso ko na ngalang tong blog ko sa mga friendly friends ko kahit walang magcomment atleast may nagbabasa hehehehe..

      salamat isang karangalang mapabilang sa blogroll nyo..

      Rakista wanna be lang sir! yeah! hihihih..

  4. Unni says:

    welcome sa blogsphere~~magsulat pa ikaw para makapagbasa ako ng bonggang bongga hahaa,,
    wag emo posts dahil baka magaya ka sakin madaming readers na napapasad hehehe…ingats

  5. Unni says:

    hahaha uu nga mukhng di bagay,,
    pwede pwedeng makeso gusto ko nga mga makekeso ng topics eh haaa,,
    baliw lng ako kaya nakapag post ako ng mga ma eemo pero pagbalik ko sa pagsusulat eh sana di na ma emo topic ko hehe

    salamt din sa uulitin

  6. YanaH says:

    may lines ba ang nose na dumudugo?
    weh.. mahilig sa chismis?
    mababaw?

    hmmm hindi pala ako para dito.. mygawd!

  7. Prince Fau says:

    welcome. ahahaha

    mas bago pa nga ako seyo eh no.

    o sya. galingan mo … wahehe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s