Blogging..

Posted: June 27, 2010 in Makapagblog lang :)

Blog. Una kong narinig yang word na yan nung nasa college pa ako, kasalukuyang nagpapakasarap sa buhay kolehiyo.

“Blogging?? excuse me, I’m not interested.. mas gusto ko pang magliwaliw sa mall kasama ng tropa.”

Nakapanood pa ako sa isang T.V. show at ang topic nila ay about blogging, kung pano ito pwedeng maging past time, maging enjoyable at pwede rin daw pagkakitaan ng pera..

Sa isip isip ko noon may mga requirement siguro para maging blogger. San ko nakuha yang pananaw na yan?? Dun sa napanood ko..

eto ang ilang requirements…

  1. Kailangang laftaf ang gamit mo (specifically apol laftaf yung white)- dahil kahit saang lugar ay nakakapagblog sila as long as may wi fi na available sa area at may built in na wi fi receiver ang laftaf. at bakit apol? at white ang kailangan? yun kasi ang napanood ko eh.
  2. Kailangang maganda/ pogi ang blogger – the more attactive the writers are the more readers will come to your blog. ang babaw pero yun kasi ang napanood ko.
  3. Isang mayaman na nilalang – Naisip ko dati pangmayaman lang ang pagbla-blog. Biruin mo sino ang makakapag-afford bumili ng laftaf, nagkakape sa starbucks habang nagbla-blog buong maghapon. Yun kasi ang napanood ko.
  4. Multi-talented – Dati kala ko kailangang magaling kang sumayaw, kumanta, magsulat, magpasaya ng tao at matalino.

Kung titingnan natin parang walang ka-sense sense ang mga batayang aking binanggit. Well sabi ko nga diba base lang sa napanood ko.

Subalit mula nang makapagbasa ako ng ibat ibang blog, sa ibat ibang klaseng tao napakalaking MALI ang mga batayan na yan.

Sabi nga ni bossing drake

“Hindi mahalaga kung ano sya at kung sino sya bilang blogger. Mas mahalaga kung ano ang sinusulat nya at kung ano ang nakukuha mo sa pagsusulat nya.”

Tama! dahil wala sa antas ng pamumuhay, pisikal o intelektwal ang pagiging blogger. Lahat may karapatang magsulat.

Ngunit may mga pagkakataong inaabuso ang prebilehiyo sa pagsusulat. Minsan ay may nabasa pa akong entry about sa “pagiging mukhang pera raw ng mga nagtra-trabaho, abroad”. Nasaktan ako na may halong inis, parang hindi inisip ng manunulat na maaaring may mga masasagasaan syang ibang tao na nagtratrabaho ng marangal sa ibang bayan para sa panustos sa kani-kanilang pamilya at ganun na lamang kung sya ay magsulat.

Nagsimula akong magbasa ng blog noong nakaraang dalawang taon. Nung halos ubusin ko ang oras ko sa walang ka-kwenta kwentang bagay. Hindi naman ako makapagtrabaho dahil walang tra-trabahuhin. Kaya naisip kong magsearch kay pareng google tungkol sa mga kwentong kabolastugan at kwentong barbero. at Puff!(with sound effect required) napadpad ako sa blog ni master badoodles ng kwentong barbero.com, nagbasa at naaliw. Kasalukuyang blogger of the month naman nya si Pablong pabling na swabeng swabe sa kanyang mga wholesome post. Nabasa ang comment ng dalawang makukulit na manunulat na sina bossing jepoy at ang wickedmouth na si glentot.

Halos araw araw simula nun ay walang patid ang pagsubaybay ko (parang tv lang diba?)  kung may bagong post o comment ang bawat isa sakanila. Sadya namang tunay na nakakaaliw ang bawat kwento ng kanilang mga buhay.

Ngayon marami nang nagbago at naging mataas na ang pagtingin ko sa pag-blo-blog. Napakasaya ng pakiramdam at ang mga paborito kong mga blogger ay napapadaan narin dito.

Nahihiya me much kasi wala man lang kadesign design at wala akong alam kung pano pagandahin tong blog ko.

Pero kahit ganun maraming salamat mga IDOL.

Comments
  1. Drake says:

    Nice nasingit pa ako dyan!hhehe! Sana nga ito na ang simula ng pagboblog mo!

    Tama yan paganahin mo lang ang mga nasa utak mo, ang thoughts mo ay gawin mong words, then words gawing mong paragraph and presto may blog ka na!

    Masarap magblog kasi marami kang nakikilang tao, masarap din magblog kasi nailalabas mo ang saloobin mo. Kaya sulat lang ng sulat

    Ingat parekoy

    • Maraming salamat sa lahat ng payo bossing.

      hinding hindi maaalis sa aking isip ang mga yan.

      comes from the expert na yan..

      maraming salamat sa palaging pagbisita…

  2. NoBenta says:

    pareho tayo parekoy, ang mga kataas-taasan, kagalang-galangang katipunero ng blogsphere na sila drake, paps, glentot, at jepoy ang mga una kong sinundan.

    wala namang ibang requirement ang blogging kundi ang “drive at initiative” na magsulat. at hindi mo kailangang magsulat para magpa-impress.

    rakenrol \m/

    • wwwwwwwwooowwwwwwww.. salamat sa pagbisita bossing NB… madalas din po akong napapabisita sa inyong tahanan at relate na relate ako sa mga post ninyo dahil pinagmamalaki ko na batang 90s din ako! wooohoooo…

      Tama! kung sa himagsikan sila ang pinuno. sa kabulastugan at kalokohan hihihi…

      salamat ng marami… add rin po kita sa blog roll ko.. rakenrol

  3. YanaH says:

    andrama much! ahahahahaha

    ganun pala un kelangan may afol na kulay wyt na laftaf..

    uto-uto ka pala! hahahaha😛

  4. diamond R says:

    at least my idea ka pala about blogging. noong naguumpisa ka palang.ako as wala talaga. maganda ang blog mo nakakaentertain. may pupuntahan. ako nag blog lang wla lang. kung ano ano lang minsan nga naiisip ko parang minsan sinasayang ko ang time ng iba lalo na yong mga hinahangaan kong blog. pero kaya ako nag blog kasi gusto lang magkaroon ng mga kaibigan sa blog. ngayon dito na umiikot ang oras ko.parang dumadalaw sa mga buhay ng mga blogger.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s