Gimikan, inuman atbp.

Posted: June 28, 2010 in experience, Friendly friends

Sa totoo lang natuto akong gumimik nung ako’y nasa huling taon ng pagaaral sa kolehiyo, Kinakailangang amuin ang mga professor at para pumasa sa mga subject makibonding sa kanila.

Mga cheap na bar o grill lang ang pinaka-venue ng kasiyahan.. Kung saang merong 4+1 na banner o may happy nights na promo dun kame. Cant afford kasi kung mala-embassy pa ang venue.

Nung una nakakailang kasi kasama mo ang ginagalang na guro sa school, pero pag naumpisahan na aba nariyan ang kulitan, kantahan at romansahan kung ano ano pang katripan na kaya nang gawin pagnakainom na ng alak.

Isa narin siguro ito sa mga sakripisyong isinuko ko nung nagtrabaho ako abroad. Lalo na dito sa kinalalagyan kong bawal ang Alcoholic bevrag.. bevera.. ALAK. Tanggap ko naman yun, hindi naman ako ganun kasugapa sa alak. Kung tutuusin ayaw ko ang lasa nun, ang nagpapasarap duon ay yung oras na magkabonding bonding ang mga magkakabarkada. Kwentuhan ng walang kabuluhan, kulitan na walang nagkakapikunan at tawanang parang walang kinabukasan.

Paminsan minsan ay nagiinuman din kame dito courtesy of… ahmmmI dont know… basta meron sige lang… Kaso iba parin ang kasama ang barkada, iba yung closeness at kulitan effect you know!.

Gumagala rin kameng magbabarkada, nagpapaalam kame sa mga magulang namin na may station visit kame o may project na kailangang kailangang tapusin.

May mga pagkakataong nag-a-out of town ang buong klase. Nagpupunta sa Baguio, Ilocos, Puerto galera at iba pa.  Educational tour yan! hindi lang halata.

Sa ngaun, nakakamiss talaga ang ganitong klaseng mga pangyayari. Nakakainggit lalo pag nakita mo ang kanilang mga pictures na nakapost sa facebook at may kanya kanyang comment sa mga ito. Meron pa ngang nang-iingit pa amputa, at nagnanakot pa!

Yan po muna.. salamat!

Comments
  1. NoBenta says:

    waahhhh……talagang nakaka-miss ang alak. lalo na ng napunta ako dito sa saudi. kahit na anong inom ko sa mga lintek na NAB ay di ko talaga ma-enjoy! iba pa rin talaga ang may ispiritu nila san miguel, ni granma, at ng pulang kabayo!

    • ayun!!! nakuha mo bossing… pasalamat parin ako dito dahil kahit papanu nababasa ang bahay alakan ko.. (tunog lashingero)

      di bale bossing konting tiis lang at malamang hinahanap karin ni pulang kabayo!

  2. paps says:

    alam niyo naman kaseng bawal diyan ang alak… bakita hindi kayo nag baon.

  3. Jepoy says:

    Pag nag bakasyon ka wag mong kalimutang ang pasalubong me bwahihihi

  4. khanto says:

    astig ng babala sa hindi umiinom.😀

  5. Drake says:

    Asan ka ba ngaon polding??

    Oo nga nakakamiss nga yung ganyan lalo dito sa saudi bawal yan kaya naman lalo akong naglalaway sa red horse heheh.

    Hayaan mo kung magkasabay tayo (o kung nasa pinas ka) aayain kitang mag-inuman! Sagot ko isang case!hehhe

    Ingat parekoy

    • nasa UAE po ako bossing!…

      medyo maluwag dito kea di ko maxadong namimiss si happy horse… ang nakakamiss e yung atmosphere at kasama ang tropa…

      sige sir! pag nagkasabay tayong umuwi ng pinas dagdagan ko pa nang isang case at pulutan…

      salamat bossing!

  6. taympers says:

    welkam sa blogging! painum ka naman! hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s