Ano meron NGAYON??..

Posted: June 30, 2010 in Friendly friends

Bago ang lahat…  Shit ngayon lang nagkainternet dito sa amin. Tae, Nagkaproblema daw yung Internet provider kaya halos isang araw pakiramdam ko may kulang… Gundam it, I hate it..

Anyway

NGAYON ang Inauguration ni President Elect Noynoy Aquino. Napanood ko ang replay via internet kung pano i-set up ang mga bagay na gagamitin, location kung saan gaganapin ang naturang event at kung pano ang magiging flow ng panunumpa ng bagong pangulo ng pinas. Ngayon Maguumpisa ang bagong Administrasyon. Ano kaya mang yayari sa pinas?? Abangan sa mga susunod na kabanata.

Napansin ko nagkalat sa facebook ang kung ano anong shoutout, tapos meron nakabuntot na edward cullen o ahmmm (sinu ba yung isang leading man yung werewolf???) sa hulihan. Yun pala showing NGAYON ang third sequel ng twilight. UU ung movie na tungkol sa vampire-human-werewolf affair. Ang vampire kumikinang pag naaarawan parang glitters, at yung werewolf na machong macho parang ako. Pucha! twilight fever nanaman pala!. Iko-continue ang  labidabi story ni bell a Swang at ni edwarD CulletN with matching adventure sa mundo na di ko alam kung saan. Napanood ko yung part one and two dahil boring na boring ako at no choice ako dahil may kopya ang kasamahan ko dito, masasabi kong ang korni OK naman ang movie at hindi sya kaabang abang. Ayoko nang Magcomment about sa movie kasi  madami akong friends na  hook na hook sa movie na yan, kaya gow! enjoy nalang habang mainit init pa!.Hihi

at ang pinaka-special sa araw na ito ay NGAYON ang kaarawan ng aking isang kaibigan. Si joy-tuwa-ligaya…

Ayan! yihiii.. happy birthday joy-tuwa-ligaya!!

Alam kong malungkot ka kasi, This is your first birthday na malayo ka sa family and friends mo. FYI Kakaumpisa pa lang nyang magwork abroad last month at ito ang unang kaarawan nyang wala sa pilipinas.

OOpppss bawal umiyak ok?? ok lang yan masasanay ka rin hehehehe.. Ok lang maging malungkot pero marami kang dahilan para maging masaya kaya cheers tayo dyan….Happy birthday my dear friend.. muah!

Comments
  1. NoBenta says:

    una sa lahat, ayoko ng twilight series. wala akong napanood kahit isa at wala rin akong balak silang panoorin. based sa mga reviews at kuwento ng kaibigan kong film buffs, ang twilight ang worst vampire novel / movie. sila rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng tax ang mga imported na libro papuntang pinas. badtrip.

    second, wala rin akong interest kay noynoy. mas interesting pag magbasa sa blog mo. pinanood ko din ang inauguraion niya kanina dahil petiks mode dito sa opisina – lahat ay nakatutog sa internet. sana nga lang ay ‘di siya matulad kay obama na bumaba ang popularity after ilang days. at sana ay maisakatuparan niya ang sinabi niyang wala nang mangingibang-bansa. paksyet, gusto ko yun.

    pangatlo, happy birthday sa kaibigan mo. tulad niya, first time ko ring magbi-birthday (next month) sa ibang bansa. malungkot talaga. kaya pahingi ng picture message ha. basahin mo nalang bukas ang entry ko sa B’log ang Mundo for the details (demanding!). hehehe. nagmamakaawa ako!

    rakenrol parekoy! \m/

    • Kailangan talagang detalyado ha…

      ayoko magkoment na SUPER PANGET at SUPER KORNI ng twilight.. kasi maraming masasaktan lalo na sa mga die hard pans nun… hihihi

      Tinatawanan ko na ngalang ung nangyayari sa pinas ngayon.. tae may street party pa! at ang nakaka gulantang kakanta sya… ano kayang title??

      aba sige sige sige.. isesend ko nalang sayo ang picture greetings.. waaaa that wil be my first time Pic greetings.. kaya kakaririn ko…

      bossing nabasa ko na at nakapagcomment na ako sa blog ng pinoy mo.. hihihi

      salamat bossing!

  2. Jepoy says:

    Una sa lahat nabasa ko ang ang twilight saga, although, maraming may ayaw sa kanila isa ako sa may gusto sa book. COrny na kung Corny eh gusto ko yung book eh.

    ‘YUng movie hindi ko gusto pero pinapanood ko parin dahil kay Dakota Fanning (child abuse?!)

    At ang babaeng iyan na sinasabi mong kaibigan GF mo yan noh?! Wushuuu! Mag tapat ka na kasi nag pag ibig mo sa kanya *intriga mode*

    • poldo says:

      hihihi YUng movie po ang pinagbasehan ko kung bakit ko po nasabing ganyan… Hindi ko pa nababasa yung buong twilight sa book.

      sabi ng kakilala ko maganda raw ang twilight saga kaso pagdating sa movie ang daming changes daming nadisappoint.

      parang matured na si dakota dun ilang taon na ba sya?? pwede na siguro sya!.. hihihi

      at lastly… she’s my friend bossing.. a very special friend hihihi.. crush ko sya nung HS pero friend lang talaga..

  3. glentot says:

    Malamang maraming hindi nanood ng Inauguration… mga Twi-hards.

  4. paps says:

    nabasa ko ang comment ni nobenta. ang dami niyang ayaw. haha..

    mainit ang ulo nya. anyhow inihaw

    pibertday na lang sa kaibigan mong maligaya

  5. goyo says:

    congrats kay Noy! kongrats sa twilight! at happy bday sa kanya.😛

    1st timer ako dito..🙂

  6. goyo says:

    usong uso ang tagging game sa blogosperyo ngayon ah. hahaha.

    parekoy, ok lang ba xlinks tayo?🙂
    message ka lang sa chatbox ko kung payag ka.😛

  7. Prince Fau says:

    ako rin nilagay kita blogroll ko papi. ehehehehe!
    napanood ko din twilight. kahit ano naman napapanood ko okay na ahahaha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s