LDR

Posted: July 6, 2010 in Chees it-o

Warning: This post composed of chessy lines and moments. Understanding the author is Advice.

Every great love have/has a great stories.

nabasa kong quotes yan sa isang babasahin di ko lang tanda kung sa tiktik o remate tonight.

May mga pagkakataon na nagmahal tayo ng sobra sobra to the point na halos sa kanya na umiikot ang mundo mo. Alam mo nang mali yun,pero  hala sinigi mo parin at ipinagpatuloy.

Kahit anong pagsubok ang dumating sa inyo, alam nyo sa isat isa na kaya nyo o di kaya ay kakayanin!.

Napakadaming memories na kahit ulit ulitin ay hindi pwedeng masasabing nakakasawa o nakakasuya kung babalikbalikan.

Iyakan? tampuha?? Normal lang yan, minsan humahantong pa sa pandaliang hiwalayan.

Napakalaki ring pagsubok na ang maging malayo sa isat isa ng iyong minamahal. Dagdagan mo pa ng regular awayan habit, naku pow nagkaloko loko na.

90% sa isang bfGF relationship ay hindi umaabot sa isang taon ang pagsasama kung sila ay LDR (Long distance Relationship). Sa pulse asia ko kinuha yang statistics/survey na yan kaya maniwala ka. Isama mo na siguro yung akin dyan.

Nung una aakalain nyong kakayanin nyo ang ganung klaseng sitwasyon. Sasabihin pa.. “Kakayanin ko kahit anong mangyari!”. Ang sweet kung nanamnamin mo ngunit napakahirap kung gagawin.

Kinakailangan ang bawat isa para maipagpatuloy ang nasimulan..

“parang isang sayaw na kelangan nasa tyempo ang bawat galaw ayon sa himig ng musika … kung ang isa ay patuloy na sumasalungat na sa tamang galaw at saliw ng musika… natural lamang na MASISIRA ang sayaw … kaya nararapat lamang na ihinto na lang at humanap ng ibang kapareha na WILLING makiisa sa bawat kilos at galaw na ayon sa musikang inyong napili….”

Gawin lahat ng kayang gawin. MInsan maiisip mong halos lahat na ay iyong nagawa para lang maipagpatuloy ang inyong pagmamahalan.. Ngunit lahat ay may Hangganan.

Isinuko at hindi na nakayanan pa. Masakit ngunit kailangang tanggapin. Ituon nalamang sa ibang bagay ang inyong nararamdaman. At isiping merong magandang plano si papa God sa bawat isa sa inyo na maaaring hindi katanggap tanggap sa UNA pero matututunan din bandang huli.

Ngayon masasabi kong natutunan ko na rin yun. Idinaan ko nalang sa iyak at pagkain. Tama! Idinaan ko sa pagkain ang lahat kaya cute na chubby na ako ngayon hihihi..

Nung una napaka bitter ko. SInabi kong layuan at wag nang magpaparamdam kahit kailan!. Ngunit di naglaon natanggap ko narin maluwag sa dibdib na parang man-boob lang.

Sa ngayon normal na ang lahat. Actually SDEF(super duper especial Friend)na kame ngayon (sya ang nageffort gawin ang acronym na yan)

Kaya irerevise ko ang statement sa unang talata..

Every great love have/has a great stories, and have/has great ending that will lead to live happily ever after.

Parang fairytale lang!

ok tapos na ang chessy mode. Balik sa katarantaduhan mode..

salamat.

Comments
  1. NoBenta says:

    emo much. kraft eden cheese. uso ba talaga ang ang ganitong mode ngayong week? sige, abangan mo nalang ang entry ko mamaya sa B’log ang Mundo. mas creamy cheese ang ipapakain ko sa lahat! \m/

  2. Drake says:

    Mahirap talaga ang LDR, kasi kailangan mayroon kayong kasunduan! Kailangan marunong kayong magpuno sa kakulangan ng bawat isa, at kailangan maintindihan nyo ang sitwasyon ng isat-isa

    Mahirap ang LDR kasi love is depleting lalo na kung hindi ito mapupunuan kasi magkalayo kayo. Pero once napagtagumpayan nyo yun parang kahit anong problema ang dumaan kaya nyo ng lampasan.

    Always be open to possibilties, kasi nga hindi nyo naman kayo magkasama. Pero kung talagang gusto mo syang panghawakan, mabigay ka ng assurance at pangako. Para meron naman syang panghawakan sa iyo.Ganun lang yun parekoy

    Eh sana lang malampasan mo kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon parekoy!naks

    Ingat

  3. Jepoy says:

    Gusto ko lang mag bigay ng aking two cents dahil mas gusto kong mag comment dito kesa sa recent post mo.

    Para sa akin…

    Hindi nag work out ang LDR period. yun lang! LOL

    Honestly, kahit na ano pang gawin mong pag excuse hindi nag tatagumpay ang LDR at sobrang hirap din ng sitwasyon, ngayon baket ka mag titiis kung may option ka naman na wag mag LDR, edi dyan ka mag hanap bwahihihi walang sense ang sinsabi ko… Kasi inaatok na ko. Yun lang! kthanksbye

    • Salamat sa iyong two cents bossing jepoy. Yan ang gusto ko sayo napakatouching ng comments mo pagdating sa ganitong story.

      At ramdam na ramdam na may mapait kang karanasan sa ganitong klaseng pagmamahalan.

      Maraming salamat po sir jepoy!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s