Away, bate

Posted: July 7, 2010 in experience, Kahit anong ka-poldo-han, Makapagblog lang :)

“aaaaahhhh sige nga, Hawakan mo nga tenga!”

“sige ng kung matapang ka, pingutin mo nga yung ilong”

“Hawakan mo nga betlog kung papalag ka”

Ayan ang karaniwang kong naririnig sa mga tito ko pag may nakikita silang nagaaway na bata. Ang mga Loko di na nga inawat promotor pa!.Kung sa bagay ginagawa nalang nilang katuwaan yun, At kung matuloy man ang aksyon nandun parin sila para umawat.

Eto ang mas exciting sa lahat pag umextra na ang mga nanay! naku po lalo na pag nakita nilang umuwing luhaan ang anak nila at sinasabing “mama, inaway ako nung bata dun ng kabit bahay waaaaaaaa( with iyak hagulgol)”, Asahan na yan ang magiging umpisa ng tunay na gulo.

Yan ang pinaka iniiwasan kong mangyari nung bata ako, Dahil narin sa Duwag ako at iyakin ayoko ng palaging may kaaway.

Gusto ko lang lagi Yung bate tayo , Bate lang ng bate. Hirap kasi kung yung tipong di ka mapalagay at di panatag isip ko kasi may kaaway ka. Kaya mas masarap talaga Mag-bate kesa magaway.

Hindi ko rin naranasan makipagbasag ulo nung HS at college ako. Di ko alam kung bahag lang ang buntot ko sa harap o sadyang mabait lang talaga ako di katulad ni Father Drake na talaga namang nung bata e sobrang busilak ng puso at walang kabahid bahid ng kakulitan, Kulang nalang siguro ay ibitin sya ng magulang nya ng patiwarik WITH LOVE. Joke lang bossing drake,( UU nga pala di po ako si Donato Hihihihi)

Pero minsan pinangarap ko ring maging brawler o di kaya matuto ng MMA(Mixed-martial Art) mala Michael Jai White (Spawn, Blood and bones) or Sean Faris (Never Back Down) para astigin kung sakaling mambully sakin malamang uuwi ng luhaan.

Ni kahit magkaroon ng karibal sa nililigawang babae wala ata. Kung meron man hindi ko idadaan sa away, pwede naman sa mabuting usapan, o di kaya mag bateh nalang pero ok din kung magsiraan like them.

“Ahhh sige nga hawakan mo tenga edward”

“Pitikin mo nga ilong jacob”

“Hawakan mo nga betlog ng dalawang yan bella”

Comments
  1. maccalister says:

    ako di sanay makipag away,im such an angel LOL!

  2. khanto says:

    ang kulet pag may away bata tapos may mga gatong sa paligid, mas kapanapanabik ang basag-ulo! ayaw nila mag-bate nalang. hahahaha

  3. NoBenta says:

    ‘di ako palaaway noong highschool at college pero may mga nakaaway na ako noong elementary. uso pa ang “square tayo sa quadrangle mamayang uwian”. ang totoo, pormahan lang sa simula, naka-closed fist at mga thiry minutes na nagtititigan na hindi puwedeng kumurap. daming audience na classmates. kapag bato na sila sa arte, andyan na ‘yung mga sulsol na kalahi ng tito mo. at matutuloy ang suntukan kapag may napitik na sa itlog!

    rakenrol \m/

    • hahahaha.. talagang Detalyado bossing..

      Ganyan din nung elementary nung nakita ko minsan nagaway yung mga classmate ko. Sa labas ng iskul ang venue. Pagdating dun ayun asaran to the max lang hahahaha…

      salamat bossing \m/

  4. GLIP says:

    Napalabas na ‘to sa Face To Face hehe

  5. paps says:

    napakatalino ng pagkakasulat ng post na ito, , . .

    na opis na rin ako isang beses nung 1st yr highschool dahil sa yung katabi ko nag aasaran kami tapos sa inis ko e binuhusan ko siya ng tubig sa jag nung isa ko pang katabi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s