Pamahiin on the go!

Posted: July 10, 2010 in experience, Kahit anong ka-poldo-han, Makapagblog lang :)

Katext ko ang labidabi ko kanina. Sabi ko sa kanya na bibilhan ko ng Shoes ang mama ko at since na may buy one take one in half price only dito ay bibilhan ko narin sya ng bigla nyang sabihin na..

Wag kasi magaaway tayo.

napa halakhak ako bigla in minimum sound  nung nabasa ko yung text nya na yan.. sabi ko nalang..

Lagi naman tayo nagaaway lalo na pagdi mo ko pinagbibigyang makaiskor pag di tayo nagkakaunawaan.

Anung connect nung pagaaway namin kung bibilhan ko sya ng shoes?? Kahit halughugin ko isa isa ang registry ng utak ko wala talagang matagpuang sagot.

Diyan pumapasok ang nakakatuwang Pinoy pamahiin, Siguro pwedeng ihalintulad ito sa Urban stories, pinalalang version nga lang.

Paniwalang paniwala ako nung bata ako about sa mga pamahiin na yan,  like wag daw maliligo pag may patay sa pamilya mo pwede after mailibing na, so kailangang maging tatlong layer ang libag mo at mangamoy lupa ka ng ilang araw.

Eto pa ang iilang pamahiin na pwedeng may katotohan o pawang kwentong kalokohan lang.

  • Titigan ang stray cat sa mata nia ng ilang segundo at pag indi ka kumurap mag wish ka kagad at magkakatotoo pero pagkumurap ka may malas na dadating sayo. WTF!
  • Wag mong sirain ang Nuno sa punso kundi lalaki o mamamaga ang isa sa mga parte ng iyong katawan. Panu kaya kung yung toootooot ko ipang hampas ko may pagasa pa kayang lumaki??
  • Kapag daw may kumakain pa wag muna ililigpit ang pinagkainan kasi daw di magkakaasawa yung natirang kumakain. isa lang ang alam kong nangyayari pag may naiiwang kumakain, sya ang maghuhugas ng kinainan
  • Kapag naman daw palipat lipat ka ng pwesto habang kumakain madami ka raw mapapangasawa. ganyan siguro gawain ng mga muslim. now i know
  • bawal daw isukat ang wedding gown dahil di daw matutuloy ang kasal. Kung ganun dapat pala lagi kong sinusukat ang school uniform ko baka sakaling walang pasok (Ok fine korny na)
  • Kapag kumakati ang iyong palad, ibig sabihin ay makakatanggap ka ng maraming pera… teka kumakati palad ko ngayon so it means may matatanggap ako?? ay nalimutan ko palang maghugas ng kamay after jumebs.

Yan at marami pang kakaibang pamahiin meron tayong mga pinoy. Nagtataka nga lang ako panu kaya nakapag isip ng ganyan ang mga kalahi natin nuong unang panahon.

Meron kaya silang mga Basis like charles darwin at ang kanyang kaunggoyan este evolution of man?

Sadya bang nangyayari yang mga yan??

O nagkataon lang?

totoo bang ‎8/10 people said they will never eat McDonalds again after seeing the truth about their food -> ? (masali lang )

ikaw anong tumatak na pamahiin sa utak mo? Sagoot!!! joke

salamat🙂

Comments
  1. hindi ko pa napapanuod yung sa McDo, para kasing spam.

    Ang tumatatak sa isip ko ay yung kakaunti ang makukuhang isada kapag bilog ang buwan. Totoo daw po yun, nalimutan ko lang ang scientific explanation.
    PASMA! hanggang ngaun pinagtatalunan pa ng mga tao at mga medical specialist na tao.

    Yung dun po sa pagliligpit kahit may kumakain pa, medyo parang kabastusan mo kasi siguro yun, kung may kumakain pa tapos nagliligpit ka na. Hindi pamahiin, kagandahang asal lang. hahaha

    • Poldo says:

      Napanood ko na sa youtube yun.. ineexplain lang kung gano katagal nadedeteriorate yung pagkain ng mcdo kumpara sa ibang pag kain.. dahil dun sa video na yun nagpaorder ako ng Quarter pounder, large fries at coke sabay dighay hehehe..

      About dun sa palipat lipat habang kumakain siguro nga walang kagandahan asal…

      about naman dun sa nahuhuling isda, dahil bilog ang bwan.. Scientifically explanation nyan dahil sa gravitational pull ng buwan nagIIba ang level ng tubig so it means pumapasok dyan ang high tide at low tide… (aha.. kuya kim ikaw ba yan hehehe)

  2. NoBenta says:

    dami talagang pamahiin ng pinoy.

    1. ginawa kong unan ang libro kaya ako tumalino.
    2. pumasok ako minsan na butas ang shorts noong elementary.’di nagtitinda ng karayom ‘yung kapitbahay namin dahil kakalawangin daw ang mga kasama nito.
    3. hindi ako tumangkad kahit na tumatalon ako kapag new year’s eve
    4. hindi naman ako nabulag kahit basa ang buhok ko kapag natutulog
    5. naligaw pa rin kami noong nag-hiking kami kahit na nagbaligtad na kami ng mga brief at suot na damit
    6. kapag nahulog ang kutsara o tinidor, may darating na bista. paano kaya pag sandok?
    7. suwerte kami ni misis noong nagbubuntis pa siya sa aming Wonder Twins
    8. kahit nandito na ako sa saudi ay nagsasabi pa rin ako ng “tabi tabi po” tuwing umiihi sa kung saan. naiintindihan kaya ako ng mga arabong nuno sa punso?
    9. siguro kaya kami nawalan ng suwerte dati ay dahil nagwalis kami ng gabi
    10. natuloy naman ang kasal namin kahit na nagsukat kami ng damit

    ayan ha, sampu na ‘yan parekoy.

    meron akong entry na parang ganito pero Urban Legends naman noong 90’s. Heto ang link: Mananaggal ng Lakas

    dito kaya sa saudi, ano ang mga pamahiin nila?

    • Poldo says:

      Hahahaha natuwa ako ng bonggang bongga sa mga pamahiin na iyong binanggit bossing!

      Yun nga rin iniisip ko, Meron kayang pamahiin ang mga arabo?.. siguro isa na yung pag gumamit ng deodorant magkakagalis sa kili-kili..

      Salamat bossing!

  3. Unni says:

    natwa ako kay mr nobenta hahaha,,adik much~~~

    ako naman naalala k lng pamahiin eh wag daw kumanta habang nagluluto baka daw maging matandang dalaga or lalake kamusta naman bakit ako dati ganun eh ang aga kong nag asawa yun nga lang d naging successful hahaha…

    btw salamat sa pagdaan saking tahanan,,aktwali new blog ko yung binisita mo at masyadong fiction ang mga stories dun hahaa,,,yung luma kong blog eh masyadong maingay nyahaha,,

    bisita ka ulit ha kaso di ako magsusulat pa now busy life ko ,,,nga pala lagay ko link mo dun sa list ko ha,,thanks~

    • Poldo says:

      Una sa lahat welcome sa aking lungga! sana nagpasabi ka ng inagiwan ko muna at naghanda ako ng pan de coco at isang litrong coke. LOL

      Maraming salamat at napabilang na ako sa link list mo at dahil dyan, Yung dalawang blog mo ang ilalagay ko sa blogroll ko…

      salamat ule madam!

  4. Unni says:

    apir like ko ang pan de coco haha,,choks lng kahit me agiw haha~~
    salamat din sa paglink saking wa kwentang blog haha,,,

    ^_^happy Sunday~

  5. Drake says:

    heto magdagdag din ako ng pamahiin

    wag daw maliligo ang babaeng may regla maluluka daw (yuckies)
    kapag nauntog, untugin din ang baba para di mabobo ( meganun)
    at higit sa lahat sabi daw nila gwapo ka daw kapag bitin k magcomment lalo na kung…….

    • poldo says:

      Meron daw pamahiin sa blogging, nababaog daw ang blogger Paghindi naguupdate ng 5 days…

      at mukhang tama ka bossing drake sa panghuli mong binanggit kasi..

  6. miyaka says:

    totoo ba kapag sinukat mo ang iyong wedding gown hindi n mtutuloy kasal mo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s