Tribya daw oh

Posted: July 12, 2010 in Kahit anong ka-poldo-han, Makapagblog lang :)

Aloha! Monito monita!

Dahil sa medyo petiks mode ako sa trabaho (lagi naman) e, Sinubukan kong muling buhayin ang aking mga alaala sa mga kakaiba mga fuck fact na tumatak sa aking isipan.  Hindi ko na nilagyan ng effort na isearch kay pareng gugel kung totoo man o hindi yan. Ang alam ko lamang ay mapapagkatiwalaan ang mga resources ko like yung mga tambay sa kanto at mga katomaan ko.

Excited ka na ba cge eto oh.

Science and Technology

  • Sa isang Integrated circuit (IC) merong ga-TINGANG piraso ng Nata de COCO. ITo ay nagsisilbing semiconductor sa loob ng circuit.
  • Kung ikaw ay umutot ng 6 na taon at 9 na buwan, Tamang tama na ang Gas na yun para makabuo ng tamang energy para sa atomic bomb.
  • Alam naman natin na ang  “Iloveyou virus” ay ginawa ng pinoy, Supposedly isa syang thesis proposal na ang pinaka-Purpose ay steal an account dahil sa di inapprove ang proposals nagamok ang mga developer nito ginawa nalang nilang virus at kumalat hanggang europe. Ngayon ang mga Developer nito ay nasa pentagon na ata or nasa microsoft. im not sure though.
  • Sa computer parin, Kung gagawa ka ng bagong folder kahit saang location ng computer hindi mo ito mapapangalanan ng “CON”.
  • Itry mo ring itype ito sa MS word. =rand (200, 99) then enter. see what happen?

Kahayupan

  • Ang polar bear ay karaniwang kaliwete.
  • Ang mga elepante ay takot sa daga at lahat sila ay walang kakayahang tumalon
  • Starfish ay walang utak. sample? patrick LOL
  • Ang ipis ay kayang mabuhay ng walang ulo ng siyam na araw. Mamamatay sila sa gutom.

Medical

  • 30 feet ang kayang abutin ng dugo kung ipa-pump ng puso at lalabas sa katawan ng tao.
  • Maaring mabaog ang isang lalaki kung sya ay maeexpose ng matagal sa X-Ray o sa photocopy machine. Kaya karaniwang mga operator ng photocopier sa copytrade o philcopy ay babae.
  • Kung on-diet ka iumpog mo sa pader ang ulo mo, kasi it consumes 150 cal. per hour.
  • Hindi nagbabago ang size ng mata ng tao kahit sya ay sanggol pa lang. At ang ilong at tenga naman ay hindi humihinto sa paglaki.

Mga tao

  • Ang boses ni Mariah Carey ay umaabot lampas sa pinakamataas na pitch ng piano.
  • Si Leonardo Da Vinci ang nakaimbento ng gunting
  • Kung magiging tao si Barbie eto ang description nya, Vital stat 39-23-33, 7feet 2 inches tall(basketball player ito), at may leeg na ang haba e doble sa leeg ng normal na tao. Ganda!

At kung anu ano pa!

  • Pansinin ang mga Continents, Kung anong letra ngsisimula dun din nagtatapos.(in english at hindi include ang word na south at north)
  • Ang salitang Stewardesses ay ang pinakamahabang salitang maitatype sa keyboard gamit ang kaliwang kamay.
  • “I am” ang pinakamaikling sentence sa english language.
  • Sabi ang pinaka common na pangalan sa buong mundo ay mohammed.

Yan ha. nasasainyo nalang yan kung gusto nyong maniwala o hindi hihihi

Ikaw may trivia ka ba?? share naman dyan!

Have a nice day!

Comments
  1. omayemay says:

    nice one paul…educational khit my kalokohan..2 thumbs up!

    keep it up friend..:)

  2. Unni says:

    di ko alam kung maniniwala ako or indi sa ibang trivia hahaha,,maresearch nga hahaa…
    wala akong trivia eh pero may tanong ako ano ginagwang pambutas sa donuts?lols~~

    gandang gabi^_^

    • Poldo says:

      Napakareliable kea ng mga resources ko kaya no need nang magresearch ok??

      hindi ko alam yung pambutas ng donuts na yan ah… ang alam ko lang e kung pano ka makakapagdiet gamit ng donuts..

      Gandang hapon(oras dito) 🙂

  3. Unni says:

    okok sna nga reliable yan jokes lng,,,
    di ko rin alam pambutas dun ah matanong nga sa mga employees sa Dunkin Donuts,,,sige nga po paano ako makakapagdiet gamit ng donuts?haha

    ah tama nasa gitnang silangan asya pala ikaw kaya hapon pa hehe

    • Poldo says:

      Mapagkakatiwalaan naman siguro yung tambay samin, kea im sure reliable yan hihihi..

      and kung gusto mong magdiet, kumain ka ng donuts yung gitna ang tirahin mo ha!. (balik na ngalang tayo sa pan de coco, ang korny eh) LOLs

      Salamat sa pagbisita apir!

  4. talagang stock knowledge lang yan? woh, amazing.
    galing mo pare, tuloy mo lang yan. dami kong natututunan. isa pa, TYPEWRITER ang pinakamahabang word na mai-ta-type gamit ang isang row sa keyboard.

    • Poldo says:

      ayun oh.. uu nga typewriter nga..

      Salamat pare koy.. hayaan mo kung magkaroon pa ako ng pagkakataong makajamming ang mga tambay samin baka madagdagan pa yan hehehe.. Stock knowledge lang buti nga di totally na stock..

      Salamat sa pagbisita at pagcomment donkey… its me shrek LOL

  5. NoBenta says:

    nice. magaling, magaling. mahilig ako sa mga ganyan parekoy. natuwa ako sa “con” at “=rand (200, 99)” dahil ngayon ko lang ito nalaman!

    ako naman:
    1. ang salitang peksman ay nag-originate noong panahon ng mga kano. nagbibida kasi sila sa mga pinoy at kapag ayaw nating maniwala ay sinasabi nilang “based on facts, man!”.

    2. kaya juan dela cruz ang tawag sa mga pinoy dahil ito ang pinakamaraming pangalan ng mga taong nakabilanggo noong panahon ng kano.

    3. ang malacañan palace ay nag-originate sa salitang “mala kawayan” kung saan yari ang unang building nito.

    4. ang “pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis” ay 45-letter word na ang meaning ay “lung disease”.

    5. nagsimula ang nokia as paper milling company noong 1800’s.

    6. ang salitang “nasa bayabasan” ay isang palindrome. ibig sabihin ay ganun din ang pagbasa pabaligtad.

    7. ang internet ay nagsimula bilang communication defense ng mga puti noong panahon ng cold war.

    8. ang salitang “jeepney”, na hindi pa rin tinatanggap ng MS Word, ay hango sa salitang “G.P. Vehicle” o “General Purpose Vehicles” na iniwan ng mga kano sa ating mga pinoy after ng WWII. kanina, napanood ko sa showtime at ang sabi ni kuya kim ay hango daw ito sa “G.P.” na para sa kanya ay “government personnel”. ikaw ang bahala kung kanino ka maniniwala.🙂

    9. ang nakaimbento ng videoke machine ay isang pinoy. basahin mo nalang sa entry ko: CLICK HERE

    10. ang anagram ng aking name na JAYSON BUBAY QUITIQUIT ay “buy a squat iniquity job“.

    para sa best sex scandals, CLICK HERE

    at para naman sa mga trvia tungkol sa 90’s, DALAW KA NA SA BAHAY KO!!🙂(bigalang naki-plug!)

    pag nag-inuman tayo, share-share tayo. mas lumalakas ang memory ko kapag may alak eh. hehehe

  6. Drake says:

    Ang galing galing naman ni Google este ni Poldo pala!

    Heto tribya ko:

    Alam nyo ba na……. ang tao ay hindi talaga nanggaling sa unggoy, ang iba sa knila ay galing sa kabayo, hippopotamus, baboy at arinola (makikita naman sa mukha eh)

    Alam nyo ba na……. na mas matalim ang puwet kesa sa ngipin (sige nga subukan mo ngang putulin ang tae??)

    Alam nyo ba na……. hindi totoong may multo( ang hindi maniwala dadalawin ng MOMO mamayang gabi, hala ka!!)

    Ingat

  7. Jepoy says:

    para kalang si Ernie Baron.

    • Poldo says:

      Sumalangit nawa…

      salamat po bossing jepoy..

      Nakahiligan ko lang talagang mangolekta ng trivia dati.. Kaya shinishare ko yung mga natatandaan ko pa!

      maraming salamat po..

  8. Jag says:

    naniniwala ako sa iba…yung iba ewan hahaha…ang tatalino pala ng mga tambay jan sa inyo hahaha…

    • Poldo says:

      Una sa lahat… Welcome bossing sa aking lungga.

      Mukha naman talagang Di kapani-paniwala, Kahit ako di ko pinaniniwalaan ang mga sinasabi kong yan! LOL

      Tama! Normal pa sila nyan, wala pa pagnasaniban ng spiritu ng alak LOL

      salamat bossing at welcome ule!

  9. khanto says:

    Kung magiging tao si Barbie eto ang description nya, Vital stat 39-23-33, 7feet 2 inches tall(basketball player ito), at may leeg na ang haba e doble sa leeg ng normal na tao. Ganda!>>> antangkad ni barbie. dapat ang magiging jowa nia ay nag growee

  10. Jag says:

    ma-follow nga itong blog na to hehehe…

  11. goyo says:

    wow. astig. mga bagong kaalaman. salamat po sa trivia koya poldo.🙂
    ngayon lang ulit ako nakabisita, pasensya na po..

    • Poldo says:

      walang problema parekoy…

      gusto ko pa sanang dagdagan yan yung alam kong makakarelate ka diba ECE Student ka?

      kaso di ko nalang ginawa, general Information nalang para sa lahat hihihi..

      salamat at napadpad ka ulet hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s