One Minute

Posted: July 18, 2010 in experience, Working tag

“One minute”.

Yan ang pinaka-nakakainis na salita at paguugali ng iilang tao dito, specifically Indian and pakistani.

Pag may kailangang kang ipagawa sa kanila at sasabihi nilang “One minute o one second o five minute” etc. asahan mong malabo pa sa foggy morning na one minute lang talaga ang hihintayin mo.

isang example..

Meet teletubbies Indian-IT engineer “daw” dito, Bakit teletubbies?? dahil kamukhang kamukha sya ng mga teletubbies. Mataba, pahaba ang tenga at pabilog ang mukha. (teka teletubbies ba o si shrek yung description ko??)

Anyways.

Minsan e inutusan ako ng isa sa mga boss namin na tawagin si teletubbies paayos ang IP phone dahil kailangang kailangan ng big boss namin yung telepono. Kaya naman kung tutuusin ayusin yun pero tinawag ko parin kay teletubbies, Mahirap kasi mangialam sa trabaho ng may trabaho, at isa pa wala namang ginawa yun sa IT room kung magpalaki ng tyan!.

Kaya tinawagan ko muna sya sa phone para iinform na may problema nga. At ang mokong inutusan pa me at sinabi ang mga direksyon kung pano aayusin.

So sinabi ko na..

“No! I dont know how to fix it, Much better if you will come here to see exactly what is the problem” (Puta mangiyak ngiyak ako dahil no-nosebleeding na ako that time pero kaya ko naman talagang ayusin yun kaso mas gusto ko syang pumunta at pagpawisan kahit sandalian lang!)

at ang tanging sinagot nya ay makapagbagdamdaming

“OK, ONE MINUTE”

Biruin mong 9AM ko sya tinawagan, 12NN na hindi parin dumadating! so tinanong ule ako nung boss ko kung nasan na raw yung si teletubbies, sabi ko ay wala pa at nandun sa spaceship nila nakikipaglaro sa mga kapatid nyang si thinkywinky, dipsy, lala at po!. Nainis ng slight ang boss ko at sinabihan akong puntahan ko na after lunch (1pm yun)..

so pagkagising na pagkagising ko sa one hour sleeping, sugod agad ako sa spaceship IT room at naaubatan kong nakikipaglaro nakaupo at halatang petiks petiks lang ang puta at sinabihan ko sya na pumunta sa building namin! now na! pero ang tigas talaga at sinabing..

“30 minutes, OK??!!”

WTF! kung ang 1 Minute nya e katumbas ng 3hours panu pa kaya kung 30minutes!.

Pero kahit ganun kalma syempre, mukha namang after 30 minutes e pupuntahan na nya yun. Antay antay lang sabi ko sa boss ko, nak-nam-puta talaga 4:45 na wala paring teletubbies na dumadating  at dyan ko na tuluyang sinabi sa boss ko na ilang beses ko na syang pinuntahan e wala parin…

Nag-init bigla ang ulo ni boss at sinugod ng bonggang bongga si teletubbies ayun nadala at pinuntahan kagad ang pinapaayos namin, and take note wala pang ONE minute tapos kagad! kung pinuntahan nya na kagad yun edi sana hindi na sya napahiya. tsk.

Ibang iba sa paguugali ng pinoy dito (aba syempre itaguyod ang lahing Filipino!) isang salita lang ng boss e sunod agad ng wala nang ONE minute one minute pa!.

Pansin ko lang din na nagiiba ang ugali ng mga Pinoy pagdating  sa ibang bansa, nawawala rin minsan ang MANYANA habit na nakasanayan na ng iilang Pinoy. Nagiging responsable, productive at talagang ontime kung may pinapagawa.

Sana ang mga nanunungkulan sa Pilipinas ay parang OFW na responsable, Productive at wala yung MANYANA HABIT. Siguro napakaasenso ng pinas..

siguro…

🙂

Comments
  1. Sarap sisantihen ng IT Engineer na yun ah.
    Welcome back!
    Minsan, problema ko din dito yan, sa org namin nung high school saka ngaung college. Kapag masigasig ka sa trabaho, yung tipong 1 minute ahead ka lang sa call time ay martir na ang tingin sayo, para ka bang nagpapakabayani dahil ayaw mong magpalate.
    Hindi man lamang nila naisip na nababawasan ang mga posibleng magawa kapag naghihintay nang naghihintay sa mga pa-late at masyadong pa-late.

    • Poldo says:

      totoo yan pare koy… minsan ikaw na nga ang nasa tama ikaw pa ang buntunan ng lait… ok lang yan magagamit mo yan!

      salamat pare koy!

  2. Drake says:

    Eh yung INSHALA???

    Pag yan ang sinabi nila, WALA NA!hahahah

    Ingat

  3. goyo says:

    wow.dapat talaga maging maagap na ko sa mga gagawin ko.tamad kasi ako I admit.hehe.salamat sa post. Magsisipag na ko! Haha.

    • Poldo says:

      hahaha.. ayus lang yan pare koy…

      wag lang dalhin pag dating sa trabaho.. heheh

      ako din tamad kahit nandito pa ako, wag lang papahalata lol

      maraming salamat..

  4. NoBenta says:

    badtrip talaga yan mga ibang lahi na yan. katatamad eh puro hangin naman ang laman ng utak. ang yayabang pero wala namang ibubuga. kakaasar. dami ring ganyan dito sa amin. paksyet sila.

    at tama ka, nawawala ang manyana habit nating mga pinoy pag nasa abroad. at super tama rin si pareng drake!

    • Poldo says:

      hahahaha.. ang dami talagang hinaing nating mga pinoy sa kanila.. hahaha..

      Pagdito nagyabang ang mga yan barado lalo na dun sa matatagal na dito sa company namin hahahaha…

      palibhasa kasi gawain ni bossing drake yan kea yan puro enshala ng enshalla pati pagba-blog enshalla joke lang bossing!

      maraming salamat bossing no-benta

  5. Unni says:

    natwa naman ako sa description mo ng teletubbies hahaha..d pwede sa Korean n boss ko yang ugali ni teletubbies hahaha,,kasi pag sinabi ng boss ko now now dapat oh di ba pressure cooker mode hahaha…

    korek kung wala n yang manyana habit ng mga pinoy eh tiyak aasenso na ang ating lupang sinilangan nyahaha

    • Poldo says:

      YUn nga eh kala ko rin di pwede sa mga korean ang ganyang ugali kasi nung sa unang project namin talagang walang one minute syndrome.. kaso ngayon kinukunsinte ng mga koreano ang ganyan dito…

      FYI Korean din mga boss ko hehehehe

  6. Unni says:

    apir korean din pala amo mo?naku po bat amo ko PALI PALI lagi hahaa,,alam mo Pali pali dba?nakakangarag promise,,,hahhaa…
    ay ganun ba nangongonsente n mga Koreans sa mga ganjan sa lugar mo,,hmmmm,,,nashock ako bgla haha,,

    • Poldo says:

      ako rin mga boss ko laging pali pali… yung iilan lang talaga ang konsintedor…

      actually nung nangyari yan sinugod ng boss ko si teletubbies at kinuwelyuhan.. Lam mo yun yung parang inambahan na susuntukin.. panu pikon yung boss ko sa mga ganung gawain.. hehehe

      apir!

  7. Unni says:

    hahaha buti d kinarate ng boss mo hahaha,,,ang adik naman ni teletubbies sarap batukan din ano hehe

    • Poldo says:

      bawal kasi dito ang gumamit ng dahas.. kung jinombag nya si teletubbies pareho silang makukulong kaya yun hanggang porma lang si boss hehehehe… uu adik yun kulang nalang pauwiin sa planeta yung mokong na yun tsk!

  8. glentot says:

    Ikaw na ang mamuno sa Pilipinas ahahaha go kaya mo yan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s