Richy rich

Posted: July 19, 2010 in Uncategorized

Maging Mayaman!! Napakayaman!

Yan ang pinangarap ko nuon pa, yung tipong hindi ko na kailangang bumangon ng madaling araw at i-spend ang buong araw sa pagtra-trabaho para kumita ng pera. Kaso pinanganak akong kailangang kumahig para merong matuka.

Nagkausap kame ng pinsan ko kanina at humihingi ng tulong.. Nung una di ko pinansin dahil parang naaalala lang nila ako pag may kailangan sila. Ngunit nung nalaman ko ang reason kung bakit kailangan nya ng pera e nagbago ang isip ko. Nanghihiram kasi ng pang bayad sa school ng pamangkin ko. Graduating narin kasi ngayon sa high school..

Weakness ko talaga pag mga kapatid, pamangkin at pinsan ko ang pinaguusapan.. Wala nang dalawang isip OO nalang kagad.

Naaawa rin ako dun sa pinsan kong yun. Tarantado yung napangasawa, sumakabilang buhay bahay at sumama sa ibang babae! apat yung anak puro mga bata pa. May trabaho ngunit di kayang tustusan ang pangangailangan nilang mag-iina. Ngayon umaasa nalang sa nanay (tita ko) nya kasi sumakabilang bahay rin ang tatay(tito ko) nya.

Hay buhay!.

Ok naman yung napagusapan namin. Nung sinabi kong sige at tutulungan ko sya ay bigla nalang daw syang naiyak. Siguro sa sobrang tuwa.

Isa lang ang tumatak sa isipan ko sa mga sinabi nya sakin.

Anak(kahit pinsan nya lang ako) galingan mo! proud kame sayo, kahit isa man lang sa ankan natin ang maging mayaman. Alam kong kaya mo yan.

Nung isabi nya yan may kung anong maduming abo na dumapo sa mata ko at kala ko napuwing lang kasi parang maluha luha ako. Ayoko naman maging mayaman gusto ko yung tama lang at kayang tustusan ang aming pangangailangan.

Balang araw mangyayari rin yan.

Kaya ko to!

Para sakin! at para sa pamilya ko!

Comments
  1. Jag says:

    Hangad ko ang iyong tagumpay kaibigan! Ganbarimasho!!!!

    • Poldo says:

      Maraming salamat bossing jag!

      alam kong meron karin sariling pangarap hangad ko ring mapagtagumpayan mo yun!

      maraming salamat sir!

  2. Drake says:

    Kaya mo yan pre, at kapag naging mayaman ka na, pag mo akong kalilimutang………pautangin. SIge na 3,000 Riyals lang!Kahit 5% ang tubo every month!hahaha

    Ingat pare

    • Poldo says:

      grabe ang laki mong umutang.. at 5% pa tubo ha. laki siguro income mo! LOL

      hayaan mo bossing drake pag ako yumaman ano nga ule pangalan mo?? hahaha joke lang bossing!

      salamat po sir!

  3. yayaman ka I’m sure. paguwi mo wag mo kalimutan ang gummy bears ko! Tenchu…

    • Poldo says:

      Maraming salamat bossing jepoy… dont worry.. di lang gummy bears ang bibigay ko sayo pati gummy worms narin hihihi

      god bless you sir!

  4. edward says:

    Naalala ko toloy ang sabi ng magulang ko na maski isa man lang sa amin makatapos ng matinong kurso para maka ahon sa hirap. Lahat naman yata ng mga magulang iyan ang pangarap lalot na pagwalng wala talaga.

    • Poldo says:

      Unang una po welcome sa aking lungga at salamat sa pagbasa…

      Nakakatuwa at nakakainspire kung sasabihan ka ng ganyan ng relatives mo parang ikaw na ang savior ng pamilya nyo…

      maraming salamat sir! gob bless!

  5. NoBenta says:

    at least may may magandang dahilang ang paghingi ng tulong sa’yo parekoy. may iba kasing tao na akala mo ay may pinatagong pera. ‘yun ang nakakaasar at inaayawan ko.

    masarap ang tumulong basta tama ang tinutulungan.

    kaya mo yan parekoy. isama mo ako sa pangarap mo. payag akong gawin mong assistant kapag mayaman ka na! \m/

    • Poldo says:

      Yup tama po yun! masarap tumulong sa nararapat tulungan!

      hindi ko rin naman pinangarap na maging sobrang yaman gusto ko yung tama lang🙂
      maraming salamat bossing..

  6. glentot says:

    Ang bait mo naman! Try mong maging greedy yayaman ka nang biglaan hehehehe keep it up!

    • Poldo says:

      Sige try ko minsan yan sir hehehehe

      Di kasi ganun kadaling humindi sa mga relatives lalo na kung kailangang kailangan talaga…

      maraming salamat bossing glentot!

  7. Unni says:

    wow~ang bait naman ni kuya~pwede pautang?wala na akong pambili ng face cream eh ahhaa,,jokes lng,,,
    apir!gusto ko ding yumaman para matusutusan needs ng family ko at wants ko hehe,,haysss
    kahit anong work natin pero gipit p din ano,,

    KAYA mo YAN!!!!!

    FIghting with Korean accent lols~~

    • Poldo says:

      hahaha..
      Naimagine ko tuloy yung mga boss ko na sinasabi lagi yang fighting na yan with korean accent hahahaha

      tama! darating din ang tamang panahon para sa atin kaya tyaga tyaga lang maabot din nating ang pangarap natin!

      god bless us all…!

  8. Kapag yumaman ka, ibili mo naman ako ng domain name saka pasalubong na din. Salamat. hahaha.
    Hangad ko ang iyong tagumpay!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s