All about Work

Posted: July 24, 2010 in Uncategorized

Bago ako makapagtrabaho dito sa lupain ng mga emirati, Nagkaroon ako ng trabaho sa pinas kahit sa sandaling panahon lang.

Ibang iba talaga pag Pilipinas ka magtra-trabaho. Kahit na madalas late dahil sa traffic, mababa ang sweldo kumpara abroad, minsan may nagsisiraan pa(di naman mawawala yan) e Masaya parin dahil nandyan ang kaibigan at minamahal sa buhay.

Sa Pagtra-trabaho abroad may advantage din naman, bukod sa Malaki ang sinasahod kumpara sa pinas e marami kang pwedeng matutunan. Pwede mo pang mura murahin ang mga boss mo at mga katrabaho ng hindi nila nalalaman dahil di ka nila maintindihan.

Kaso May mga pagkakataong nasasabi ko sa sarili ko na…

ayoko na nitong trabaho kong toh! boring! tsk”

at pumapasok pa sa isip ko na..

Sana __________ nalang trabaho ko…

Patlang ang ginamit ko dahil marami akong gustong maging trabaho ngunit di pwede.. Meron din akong inayawang trabaho no choice dahil may reason kung bakit yun naging trabaho ko..

Gayunpaman gumawa ako ng mga listahan kung anu ano ang mga naging trabaho at yung mga gusto ko at ayaw kong maging trabaho.

Mga naging trabaho

  1. Nasubukan kong pumasok sa isang fastfood chain na kilalang kilala sa pinas eto yung may malaking bubuyog. Napunta ako sa frying section. Dun ko natutunan kung pano ang tamang pagluto ng french fries, Pie at kung ano ano pang piniprito, kahit na training palang yun parang susuko na ang aking katawang tao. at ganun nga ang nangyari 2 days palang hininto ko na, nagaaral din kasi ako nun.
  2. Naging Part-time stage actor at nagperform somewhere in UN avenue isa akong poging poging chikboy na nanliligaw sa isang beautiful girl. Twice nangyari yun pero hindi na naulet dahil Inayawan nila ang performance ko Nagsibuntisan na ang mga kasa kong gurlets… Kasabay nung stage actor e lumabas din ako twice sa T.V. as Talent kahit walang katalent talent. Isa syang magazine show entitle 3R sa channel 7.
  3. Naging part-time Professor at Nagturo ng mga kagaguhan dun sa school na pinagtapusan ko, ok naman madami silang natutunang na kalokohan dagdag kaalaman sa akin

Eto naman ang mga gusto kong maging trabaho kahit 1month lang

  1. Stripper -LOL
  2. Gusto ko rin yung base rin sa course ko nung college.. Maging Computer Engineer
  3. GUsto kong maging manager ng isang magazine.. Yung parang FHM sa TIME magazine… hmmmm sige na nga mas gusto ko sa FHM.
  4. Makapagtrabaho sa mga T.V. station or radio station as a crew not as artist.
  5. Gusto kong makapasok at makapagtrabaho sa Google! Taaahh-maahh! yung sa google website..
  6. Maging Detective o maging agent sa FBI o CIA.

Meron din namang work na ayaw ko… Hindi sa panget o hindi maganda ang ganung trabaho. Hindi ko lang talaga gusto o hindi bagay sa kakayahan ko..

  1. Mapunta sa medical field- Ayoko lang kasing makakita ng naghihingalo o may mga nakikitang nahihirapan sa mga sakit nila.
  2. Business field – Ayoko yung tipong makikipag deal sa ibang company or client.. Maigsi lang pasensya ko kung ayaw edi wag.. LOL
  3. Maging Writer- ewan ko kahit may blog ako ayoko lang talaga.. hihihi
  4. Call Cener(center) agent – Sinubukan kong mag-apply somewhere in crossing madaluyong.. Mga 30mins lang umurong ang betlog ko umabot hanggang leeg at umuwi nalang ako.. Di ko kinaya ang pressure sa pag-I-English.. feeling ko magkakaroon ako ng Hemorrhage pag pinilit ko..
  5. Maging artista – Kung yung iba e nagkukumahog pumasok sa Bahay ni kuya o maging starstruck pwes ako ayoko, dahil hanggang model lang ng patis ang kaya ko, wala akong talent sa, pagaartista at ayokong mapagchismisan. Sabi nga ng mga iniidolo kong mga-epal “Di bale nang hindi sikat, Di naman nalalaos” O diba?

SA ngayon itong pagbabakal at pagiging tubero muna ang pinagkakaabalahan ng inyong lingkod.. Di bale balang araw magiging ganyan din ang trabaho ko… sa panaginip hehehe

yun lang powhzzzzz.. jejejejejeje (puta.. jejemon lang)

Comments
  1. Jag says:

    ako gusto ko namang maging pornstar LOL…

    • Poldo says:

      Hayaan mo bossing jag! ako ang magiging producer mo.. ako rin pipili ng makakasama mo its either Pokwang or chocoleit.. oopps bawal umangal ako producer eh LOL

      maraming salamat bossing!

  2. Jag says:

    waaahhh! Wag na biglang nagbago ang isip ko LOL…

    • Poldo says:

      LOL syempre joke lang..
      mala-Anne Curtis ang magiging gurlie sa iproproduce kong movie pero ako rin yung star LOL (makasarili e noh??) hehehe

      salamat sir!

  3. Unni says:

    jejemonster hahahaa..
    gusto ko din maging agent sa FBI or CIA lols~~~
    ang pinaka ayaw kong work all related sa marketing hahhaa…
    ako kelan mo ipproduce ng movie?jokes lng~~happy weekend~~

    • Poldo says:

      taaahhhmaahh.. ayuko rin yun.. diba under din yun ng business?? hehehehe

      teka ikaw din gusto mong iproduce kita ng muvee?? Dont tell me pornstar din ha! jowk…

      hayaan mo kung sakaling maging producer ako gagawin kitang stuntwoman… at yung laging sinasampal ng kontrabida.. Jowk… xempre hahanapan kita ng korean guy na magiging leading man mo.. wwooossshhh hehehe

      salamat,.,

  4. Unni says:

    gusto ko horror eh,,ako yung multo bwahaha,,yung ala korean horror actress,,hahah,,pwede n rin stuntwoman yung sinasampal sa halik ng korean guy ha hahaha,,adik much~~~

  5. Unni says:

    demanding akong artista kuya hahaha,,,,hala nahawa ka na sa kaadikan ng mga bloggers welcome to the club bwahaha….salamt din po at magandang gabi n dito pala,,,hapon p jan dba???

  6. khanto says:

    heheheh.

    minsan naiisip ko panu kung ang work ko eh ang sumusunod,
    tagabigay ng flyers sa mga tao.
    taong taga assist sa elevator,
    bouncer.

    parang nais ko itry pero alam kong aayaw ako.😀

    • Poldo says:

      Ok yan lalo na kung ang tratrabaho e si poging poging bossing khato…

      try lang malay mo sila ang susuko sayo hihihi

      salamat bossing!

  7. NoBenta says:

    naging crew rin ako ng giant bubuyog na may cameo sa glee. natuto ako magprito ng pride chicken at jamborger. kahit kabayo ang tabaho dun ay natiis ko ang dalawang contracts sa magkaibang stores.

    anyways, heto ang gusto kong maging trabaho:
    1. bold star – pangarap ko ito noong may abs pa ako sa tyan. ngayon, di na pwede dahil puro tabs na!
    2. gusto ko ring maging artista – naging best actor ako nung nasa 3rd year hs ako. after nun, wala nang career
    3. rockstar – pangarap ko ito simula noong ginagawa pa lang ako ng sperm ni erpats at egg cell ni ermats
    4. host ng “travel time” at “lifestyles of the rich and famous” – alam mo na siguro kung bakit. self-explanatory :))
    5. taga-testing at tag-review ng mga latest gadgets. paksyet, sarap ng buhay na ganun. sa’yo na yung gadget, updated ka pa!

    yun lang naman!

    • Poldo says:

      Yun oh.. ang lufet.. gusto ko yung no. 5..

      yung Number 1 naman gusto ko din pero gusto ko munang padagdagan tong tooottooot ko para hindi naman jahe wahihihih

      salamat bossing!

  8. gusto ko ding magtrabaho sa Google!!!!!!!!
    masaya dun, parang nagbabakasyon ka lang.
    Artistahin po pala kayo eh ano.😀

    Goodluck po sa trabaho nyu, balang araw, matutupad din yang mga gusto nyung trabaho. Konting tiyaga at nilaga pa.

    • Poldo says:

      TAAAAHHHMAAAH! grabe parang walang ka stress stress ang magwork dun.. grabe ang saya at parang nagbabakasyon lang.. whew..

      salamat bisiro..🙂

  9. jepoy says:

    Sobrang pangarap ko rin mag trabaho sa Google, sa sobrang bilib ko sa sarili ko nag send ako ng resume sa google main office, dahil gusto ko talagang bumalik ng Tate para mag karoon ng green card at doon na manirahan ng happily ever after habang kumakain ng maraming pancake. At nung nag reply ang google sa email, nanginig talaga ang betlogs ko ng bonggang bongga. They scheduled me for an interview.

    Ang Catch sa states ang interview.

    Lungkot me much. Pero hindi parin ako humihintong mangarap ihihire din ako ng google pwede rin ang NASA hihihi

    At gusto ko rin mag trabaho sa isang magazine bilang isang writer, ‘yung mga tech magazine mga ganun. Pwede rin ung fashion like Vouge or New York Times.

    Walang masama mangarap. At gusto ko rin palang maging isang Surgeon kaso wala kameng pampaaral kaya nag settle nalang ako sa pagiging Gingineer.

    Yun lang parang blog ko na ito, ang dami kong sinabi….

    • Poldo says:

      NO PROBLEMO boss.. maraming salamat at nagshare ka ng mga thoughts mo…

      Dibale atleast meron kang nasisisilip na konting liwanag para maging happily ever after living ka sa state at matupad mo ang pangarap mong pancakes malay mo one of this days may magoffer sayong matrona at ayain ka ng bonggang bonggang living life sa tate diba?? jowk hehehe

      ayos yan sir..walang masama.. fulfill your dreams..

      salamat bossing jepoy!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s