Utol!

Posted: July 28, 2010 in Family matters

Ngayon ang araw ng Kapatid ko, Sya yung sumunod sa akin sa aming apat na magkakapatid puro kameng lalaki..

Pinalaki kame ng magulang namin na may respeto sa isat isa. Masasabi kong nuon hanggang ngayon hindi kame ganun ka-close.. Feeling ko mas gusto pa nilang kasama ang mga barkada kesa sa isat isa…. Siguro Hindi kame Ganun ka CLOSE katulad ng mga kabarkada.. Pero OPEN naman kame lalo na kung may problema ang bawat isa sa amin.

Utol!… Tol… Bro!

Yan ang mga katagang palagi kong sinasabi sa mga KAIBIGAN KO at ni minsan ay hindi ko pa natatawag sa mga kapatid ko NOON..

Sa twing may kaarawan, pasko bagong taon o may espesyal na okasyon sa amin hindi kame nagbibigayan ng regalo, Siguro pareparehong kuripot walang source ng income kaya yun..

Pero napaisip ako, Bakit sa mga kaibigan, sa girlfriend o sa ibang tao nagbibigay ako ng kung ano anong shit sa kanilang kaarawan?,

bakit pagdating sa utol ko ni-CHOKNUT man lang di ko mabigyan.

There’s some guilt in my heart na bakit sa iba todo bigay ako pero sa sarili kong kapatid hindi??.. hay..

Suot mo pa ang mumurahing Relos na binili ko sayo na sandaling mailublob mo lang sa tubig sira.

Suot mo pa ang mumurahing Relos na binili ko sayo na sandaling mailublob mo lang sa tubig e sira na agad.

Sya si Cris, utol ko.. Masinop yan! talagang masinop. Sa aming magkakapatid sya ang maraming natitirang pera at sa kanya kame nangungutan na hindi binabayaran. Magaling magluto, at maaasahan sa mga gawaing bahay.

Mapagparaya din! Hinayaan nyang magaral muna ang sumunod sa kanya at sya ang titigil magaral pansamantala. Hindi kasi kinaya ng father ko na sabay sabay kameng pagaralin. Kaya nagparaya sya.

May ginintuan boses na mala-Erik Santos ang dating.. Meron syang post sa youtube na kumakanta sya kaso di ko na maalala kung ano ang title, nahihiya naman me mag-ask..

Kaya hindi ako naniniwala sa BLACK SHIT SHEEP na yan.. Na kung sino ang SUmunod sa panganay e sya na ang suwail sa pamilya. KATARANTADUHAN yan… at sya ang tunay na patotoo ko!..

Ngayong kaarawan mo tol.. kahit di mo nababasa tong BLog ko e babatiin parin kita ng HAPPY HAPPY BIRTHDAY! hindi ko man masabi sa yo ng harapan o kahit sa phone o post sa facebook e MAHAL NA MAHAL KITA!

Gusto ko minsan maka-jamming tayong magkakapatid.. Yung tipong Inuman tayo tapos si mama pa ang magProprovide ng pulutan natin. Alam kong di mo mapigilan ang sarili mong hindi humawak ng mikropono kaya sa paguwi ko next year bibilhan kita ng Magic sing or kahit anong machine na pangkantahan.. Para sayo lang yun!

Nakapagpost narin naman ako sa wall nya sa Facebook…

at for the first time in my life tinawag ko syang..

Utol!

Comments
  1. glentot says:

    Naks touching. Maswerte ka marami kang kapatid kaya araw-araw mo silang tawaging utol pra makabawi sa nasayang na oras hehe

  2. jepoy says:

    Na tats ako promise, wala akong kapatid na lalake kaya lahat ng malapit na kaibigan kong lalake i-treat them as my brader. Yung kapatid ko kasing babae pag naglalaro kame ng wrestling wrestling nag susumbong kay papa sinusuntok ko daw sya eh, hindi naman kaya… hihihi

    Happy Birthday sa utol mo…

  3. Yow says:

    Perstaymer ako dito. Nakakatats nga. You’re lucky at anjan pa ang kapatid mo kase once na nawala siya (wag naman sana), you’ll regret a lot of things na di mo nagawa para sa kanya. Awww… Ganyan kami eh. Instant drama. Haha

    By the way, we got the same blogger template. Haha. Sorry. Di ko alam. Sabihin mo lang, papalitan ko. Nauna ka, I know. Haha. Parang kambal tuloy.🙂

    • Poldo says:

      pers op ol welcome na welcome ka dito YOW Asakura(pang shaman king ah)
      Makakabawi rin naman siguro ako sa kanila ng bonggang bongga..

      tapos dun sa blogger layout, aktuwali nung isang araw ko pa nababasa yung blog mo.. nahihiya me magcomment kasi pareho nga tayo ng layout wahahahahaha… dont say sorry sir di naman natin kagustuhan maging magkapareho… at i think mas nauna ka kasi mag-One month pa lang tong blog ko hehehe..

      balik ka ule sir ha..
      salamat!

  4. Unni says:

    ay ang sweet ni kuya heheheh,,,
    Happy Bday sa utol mo~~~
    yun oh baka bibilhn nya ng magic sing heheh..

    gandang umaga sa iyo~

  5. karen says:

    nakakatouch naman yun… sana mabasa niya ito.. akala ko ikaw yung nasa picture si utol pala. hehe

    happy happy birthday sa kanya!

    anyways, bakit madam karen yung nasa blogroll mo? parang madam auring ang dating… haha

    maraming salamat, inadd na rin kita, cheers!

    • Poldo says:

      waaaaa.. ayokong mabasa ng utol ko to pramis! nahihiya me..
      Hindi po ako yan pogi masyado sya maraming ligo ang gagawin ko para mapantayan ko yang utol ko..

      Madam karen kasi yan yung nakagawain ko rito.. pagbabae e kailangang may madam kea ayos lang yan and besides malayo naman masyado para ikumpara ka kay madam auring hehehehe..

      Maraming salamat din po!

  6. Drake says:

    baket nangite ako dito!hahahhaa

    Baet mo namang kuya (parang ako lang!hahahhaa, joke)

    Kuya Poldo pwede po bang pabili rin mo ng MEDIACOM?

    Hhaha!

    Ingat

    • Poldo says:

      Kunwari ka pa bossing drake ikaw nga tong parang bukal ng pera ang wallet.. kaya dapat ako ang pautangin mo ng pambili ng mediacom howkei!

      salamat sir!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s