10 Weirdest thing about me

Posted: August 3, 2010 in Kahit anong ka-poldo-han

Wala akong masyadong maisip na magandang itopic ngayong araw na ito.. Dala narin siguro ng sobrang init dito sa location ko, di ko mapagana ang mga brain cells ko,tagtuyot narin parang sexlife Disyerto lang.

Kaya ngayon ihahandog ko sa inyo ang aking mga kasiraan!. Opo mga Wirdong ginagawa ko o mga kakaibang katangian ko, mas ok yun kesa naman sa inyo manggagaling ang panglalait kaya lalaitin ko na nalang ang sarili ko hehe.

  1. Ako ay isang malaking sweat gland.. Siguro past life ko isa ang parte ng katawan kung saan nagproproduce ng pawis. Dahil kung hindi mu naitatanong, simula ulo hanggang paa pinagpapawisan ako. Opo simula ulo, sa anit ko hanggang sa hinliliit ng daliri ko sa paa pinagpapawisan. Kaya Hindi na ako nagtataka sa konting paglakad ko lang pawis na pawis na agad. Baka nga Deformation lng tong pagkatao ko.. siguro sweat gland talga aq.. tinubuan lng ng paa kamay, mata ilong at kung anu anu pa masabi lang na normal na tao ako.
  2. Nagsasalita aq pag tulog. Lahat ata ng bad mannerism nagagawa ko pagnatutulog, Malakas humilik, Tumatawa pagtulog at Malikot matulog. Kaya kung pangarap mung makasama akong matulog, magdalawang isip ka na..
  3. Kinakalikot ko ang loob ng wallet ko habang jumejerbaks may kung anong force na nagtutulak saking tingnan ang loob ng wallet ko kahit wala namang kalaman laman pag akoy tumatae.
  4. May guhit pahalang ang ilong ko unexplainable cause, merong kakaibang guhit sa ilong ko. GUmawa ako ng sarili kong Observation kung bakit nangyayari ang ganitong klaseng phenomenon sa aking ilong yung ganun, at iisa lang ang nakuha kong kasagutan. Palatandaang tumataba nanaman ako.
  5. Minsan hirap akong patulugin ng paa ko opo yung dalawang paa ko. Pakiramdam ko parang nangangalay sya hindi naman masakit pero di rin relaxing. Sign na ba ito pagtumatanda na??
  6. Morning sickness ko minsan ang tumigas ang etits Bumahing ng 5x pagkagising allergic ata ako sa simoy ng umaga kaya siguro ganun.
  7. Pinagtatawanan ko ang sarili ko, minsan inaasar pa nga e. tinatawag na bobo, tanga, inutil etc. parang baliw lang. Ay hindi baliw lang talaga.
  8. Hari ng sablay uhmmm Prinsipe nalang para pogi pakinggan, Nauuntog kung saan saan, nadudulas, natatapilok at kung ano ano pang Idiotic act. Sorry naman tanga lang
  9. Hanggang ngayon pinapraktis ko paring abutin ng dila ko ang siko ko, ewan ko ba at talagang inaaksaya ko ang oras ko sa ganyang gawain. Pero iniisip ko pwede din kayang exercise to? yung tipong pag ginawa ko ng paulet ulet e hahaba ang dila ko, alam nyo na pang dila sa….. kagalit.. Bleeeh!
  10. Madali akong makalimot… actually meron akong number 10 eh kaso nakalimutan ko..

Eto na yung pinaka-hardcore weirdness ko..

Ikaw ano ang pinakaweird mong ginagawa??? sagoooot! LOL

Yan lang po muna.. have a great day!

BlogenRoll \m/

Comments
  1. berdengkamalayan says:

    May ganyan din akong morning sickness na ganyan bossing hahaha pero yung isa ha yung flag ceremony bat kaya no?

    Yung abutin ang siko isang malaking challenge yan may kapitbahay ako dati naalala ko kaya nyang abutin ang siko nya sa pamamagitan ng dila. pero di nya dila ha dila ng asawa nya๐Ÿ˜€ weehhhhhh

    BlogenRoll \m/

    • Poldo says:

      ahahaha..
      may sarili akong explaination dyan sa morning sickness natin bossing, dahil sa umaga lalo pag sobrang lamig.. Napupunta yung init ng dugo e napupunta sa ulo.. alam mo na siguro yung ulo na yun LOL.. Tapos yun kaya laging handa at nakaflag ceremony… *tandaan lahat ng kinocomment ko ay pawang katarantaduhan!

      at dun sa dilaan siko.. Mautak pala yang kapitbahay nyo eh.. wahahahaha

      maraming salamat sir! ay sya nga po pala iaadd kita sa blogroll ko!

      \m/ BlogenRoll!

  2. karen says:

    hindi ka nag-iisa sa morning sickness na bumahing, mas malala nga lang ako halos mahigit 10 times. haha. may allergic rhinitis ako lagi. kahit sa gabi din. at madali din akong makalimot. honestly, nakakalimutan ko agad ang mukha ng isang tao kapag 1st time ko siya makita. kailangan titigin ko siya ng mabuti para maencode ng long term memory ko ang itsura niya dahil kung hindi baka batiin niya ako pag nagkita kami at maisnob ko siya dahil hindi ko talaga siya maalala. madalas mangyari ito sa akin hehe

    • Poldo says:

      Ahahahaha.. grabe naman ang pagiging malilimutin mo..
      Ako naman kabaligtaran.. Madali akong makatanda ng mukha pero nakakalimutan ang mga pangalan..

      Parang laging sinasabi
      Kilala kita.. sino ka nga ba ule?? LOL

  3. Unni says:

    waaahh buti nalang wala na akong morning sickness na bumahing lols~
    ai naku ang weird mo rin ano..aruy kung ikaw ang prinsipe ng sablay ako na ang prinsesa ng sablay at katangahn hahaa…

    aruy may short memory gap ka din or amnesia mode na yan gaya ko lols~~apir tau jan pareng polds at sign n yan ng tumatanda ata haha..
    gandang umaga jan hapon n dito haha

  4. NoBenta says:

    parekoy, nang mabasa ko ang entry mo, bigla kong sinubukan kung kaya ngang abutin ng dila ang siko ko. taena, mahirap pala, akala ko madali lang! bigla ko ring naalala yung klasmeyt kong nagsusuot ng guwantes kapag drafting namin. nabubura kasi ng pawis niya sa kamay ang templates niya!

    kapag nakatabi kitang matulog ay tatanungin kita ng numero sa lottery. malay mo manalo tayo. ten percent ang balato mo.๐Ÿ™‚

    di ko masabing kawirduhan pero tulad mo ay mahilig din akong mangalikot kapag tumatae. kahit wala na akong makuhang kulangot ay panay pa rin ang pasok ng hinliliit, hintutuo, pati na rin ng hinlalaki sa ilong ko!

    \m/blogenroll\m/

    • Poldo says:

      hahahahaha
      talagang sinubukan mo yung dila siko ha??..

      Ganun din ako pagnagdrawing kame, tae nagmumukhang basahan yung ginawa kong design. Kahit anong effort kong wag mabasa wala active na active sweat gland ko.

      Bakit ganun ganyan din sinasabi ng mga kasamahan ko na pagnagsasalita daw ang isang tao habang natutulog e pagtinanong ng mga numero e posibleng manalo? totoo ba yun bossing?? kung totoo man subukan kong irecord ang pagtulog ko tapos pag may sinabi akong numero e tatayan ko sa lottery hehehe..

      \m/ blogenroll!

  5. BerdengKamalayan says:

    Maraming salamat sa pag-add mosa kin sa blogroll mo bossing.
    Mabuhay!!:D

  6. Jag says:

    Ito lang masasabi ko parekoy. Alam mo ba na nakakaganda ng boses ang paglabas ng dila? Pag madalas kc itong gnagawa ngiging strong ang vocal chords natin…kaya magandang exercise yang gnagawa mo parekoy, gumagaling k na sa pagdila sa kuwan gumaganda pa boses mo haha…

    p

    • Poldo says:

      Aba aba aba.. magandang tip yan bossing ha..
      Kaso ilang beses ko nang ginagawa yang dilaan-siko na yan, minsan pa nga iba pa ang dinidilaan ko kaso wala paring epek! tunog lata parin yung boses ko.. tsk

      salamat bossing hayaan mo gagawin kong regular exercise yang tip mo na yan isasabay ko sa pag-gygym hahahaha

  7. glentot says:

    Ako ang pinakaweird ko eh kapag pauwi na ako, sa elevator pa lang, hawak ko na ang pamasahe ko sa jeep.

  8. khanto says:

    wird kong ginagawa ang pangungulangot sa labas ng ilong. Actually di ako nangungulangot, parang lang kasi un ang way ko para kamutin ang makating ilong.๐Ÿ˜€

    • Poldo says:

      Hahaha.. pareho tayo.. yung tipong kinukusot yung labas ng ilong..

      siguro kung detachable yung ilong natin malamang na-mis-align na un.. hehe

      salamat bossing!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s