It ain’t OGRE til it’s OGRE

Posted: August 4, 2010 in Uncategorized

Sa title palang alam na ang pinaka topic ng post na ‘to.

Alam mo na diba??? Tama! Its all about the one who have big nose (Allan k?? no!),  chubby but adorable (sir jepoy? hindi din!) and have green body (Dipsy of teletubbies? hindi rin!) ogre sya at ang pangalan ay SHREK!

Ano nga ba ang Ogre?

Ayon kay Mr. WIKI.  Ogre is fictional hideous, human-shaped creature which usually portray as a human feeding monster in a fairy tale story. >>>click here to read more<< Kaya sinong magaakala na sa movie na ito ay isang OGRE ang magiging bida at mamumuhay ng HAPPILY EVER AFTER.

One of my favorite animation movie ang SHREK. Base sya sa libro ni kumpareng William Steig (close?) at meron nang 4 installment ang movie at tatlo dun  ay napanood ko na sa sinehan. Ang pinaka bago ay ni-released noong May 21, 2010. Nakakalungkot lang kasi kung kelan final chapter na ng labing labing story ni shrek at fiona e di ko pa napanood sa wide screen. Anyway naidownload ko na rin naman. Pwede narin, feel naman na parang nasa sinehan parin kasi sinema copy palang yung nadownload ko.

All set and done na! Happy together living si Shrek and Fiona kasama ang kanilang triplets ogre babies na sina Farkle, Fergus & cute baby gurl named Felicia.

Ipinakita sa umpisa kung ano ang pinakasakripisyo ng mga magulang mapa-OGre man yan o normal na tao. Kaya napagisip isip ko habang pinapanood ko yun. “syeeeeet! ayoko nang magkaasawa at magkaanak! ” Pero syempre joke lang yun. Ayokong laging tissue o di kaya natatapon sa sahig ng banyo napupunta ang lahi ko noh! Kailangan may mapagpunlaan din. Sayang ang miles

Aisshhh! bak to da istori… May Flash back effect din sa movie na ito. Yun yung nawalan na ng pagasa ang King and queen ng lungsod ng FAR FAR AWAY sina KING harold at Queen Lilian (Lovely Parents ni Fiona) na may liligtas pa sa kanilang anak at magagawang alisin ang sumpa kay Fiona na sa tuwing sumasapit ang gabi ay nagiging GRO Ogress sya. Kaya napagdesisyonan ng hari at reyna na makipagexchange gift kay rumpelsti rampoltits Rumpelstiltskin, kapalit ng pagiging maganda ni fiona ay bibibigay sa kanya ang pamamalakad ng FFA. Pero syempre nasave by the bell parin kasi na-save nga ni Shrek si fiona eh.

In case di mo kilala si Frumpypigskin Rumpelstiltskin lumabas sya sa Brothers grimm as a malanding dwarf. Mahilig syang makipagdeal ng kung ano ano at syempre may kapalit. Di uso sa kanya ang Thank you noh.

*End of Flash back effect.

Welcome na welcome sa mga tao si shrek. Ibang iba sa dati na kinakatakutan, hinahanting at gustong gawing MCFloat sa mcDo Paslangin. Nandyan yung may nagpapapirma pa ng autograph, pinapakanta at kung ano ano pang friendly do’s na wala sa rules ng pagiging Ogre.

Kaya naman ginusto ni shrek na minsan sa buhay nya e maranasan nya ule yung kinakatakutan sya at gusto nyang maging alone sa mundo (EMO?).  Sa sobrang lakas ng Radar ni Rumpelstiltskin naramradaman nya yung mga hinaing ni shrek at gumawa sya ng paraan para mapagbigyan ang gusto nito, ang bumalik sa nakaraan kung saan baby palang sya at kinakatakutan ang mga Ogre na katulad nya.

At dito nagstart ang kanyang world wild adventure na may slight na problema, slight na action at slight na chessyness with his fiona darling. Nung nabreak yung contract bumalik si shrek sa real world na miss nya ang lahat, ang kanyang family friendly friends at ang kanyang love kay fiona.

The End.

It feels good to end the series that way. Maraming Lesson sa friendship, Love, family at personality.

Meron lang ilang katanungan na gumagambala sa aking isipan.

  • Lumabas na si Rumpelstiltskin sa Shrek 3 at ibang iba ang mukha nya sa Shrek forever after. Bakit ganun?
  • Kung bumalik ang oras kung saan baby pa si shrek. Bakit ganun parin si Fiona? I mean di sya bumata. ibig bang sabihin nun e mas matanda si fiona kay shreK?
  • Kung alaga ni fiona si Puss nung unang panahon. Bakit nung shrek 2 e di sila magkakilala?
  • Bakit ang dami kong tanong gayun din namang nagustuhan ko ang movie na toh?

Di bale atleast nagustuhan ko ang movie at 10/10 sya para sakin.. OO bias yan gusto ko yung movie e at Idol ko si shrek bakit ba? hehehe

Have a happily forever after sa inyo!

Comments
  1. Jepoy says:

    Nadawit nanaman ang precious name ko dito, anywey, pinanood ko ito sa IMAX nakatulog ako ng slight LOL. nakakatuwa ung pusa tsaka ung donkey sa movie hiiihiihihi.

    Ang dami mong tanong sa movie, dahil dyan, kelangan mong mapanood ang inception period.

    • Poldo says:

      Schedule ko nang idownload bukas yan sir! kaya mapapanood ko na ang sinasabing movie of the year na humakot ng box office hits!

      Cute naman kasi talaga si Puss and Donkey.. nagdagdag kulay sa buhay nila shrek hihihi

      maraming salamat sir!

  2. khanto says:

    sosyal ung si rampeltitskin… nag-iiba ng wig :p
    naaliw naman ako sa pagkakabanggit sa green na teletubby, pede din maging ogre un.😀

    • Poldo says:

      Hahaha tama!
      Kailangang palitan ang kanyang wig lalo na pag nagiiba na ang kanyang reaction and emotion..😀

      Actually yellow green yung si dipsy eh.. pinilit lang hehehe

      salamat bossing!

  3. glentot says:

    Shrek lang ang paborito kong animated movie ito alng ang nakaya kong tiisin at tuwang-tuwa ako sa humor sayang hindi ko rin napanood yung last mapa-sine or pirata…

    • Poldo says:

      Ayos! Pasok rin pala sa taste buds nyo yung shrek movie…
      Try nyo sir panuorin para macomplete na ang happy ever after.. LOL

      salamat po sir!

  4. Jag says:

    Gusto ko din ang palabas at lalo na ang mga ginamit na sound tracks hehe.. at dahil jan ipakikilala ko sayo ang Shrek Family ko hehehe. http://jaggedjagger.blogspot.com/2010/03/meet-shreks.html

    • Poldo says:

      hahahah may own version ka pala ng shrek family ha.. Meeting with fellow blogger! stig!

      Ayos talaga yung mga soundtracks nya..
      All star – smashmouth
      Accidentally In love – Counting crows
      You belong to we – Jason wade (lifehouse)

      stig diba?

  5. NoBenta says:

    sobra akong LOSER. wala pa akong napapanood sa movie ng kamag-anak ni Hulk. \di ako maka-relate. hehehe. mapanood nga ito sa bakasyon….

    blogenroll \m/

    • Poldo says:

      hehehe kamaganak ni hulk talaga! hahaha..

      Bawi ka nalang sir sa paguwi mo… ok naman yung movie good for the whole family kaso hindi maiintindihan ng wodertwins mo yung movie..

      Ayan na palapit na ng palapit.. kUmapit ng mahigpit.. dahil darating na ang malupit..
      Bossing no-benta makakapagbakasyon na!!!

      BlogenRoll \m/

  6. karen says:

    hindi ko pa napanood ito. pero sabi mo maganda papanoodin ko hehe

  7. tim says:

    ganda talaga ng movie na yan, cute ng mga tracks na ginamit.. dadaan lang po..

  8. Unni says:

    waaahhhh sayang di ko napanood ang last series..makabili nga ng pirata nabusy life ko kakapanood ng korean movies at dramas eh ahha,,,
    anyways like ko yung soundtracks dun sa shrek1 and 2 hehehe,,,
    pero enferness kahit ogreto c shrek i heart him hehe

    • Poldo says:

      Panoorin mo na bilis… Nice naman napanood mo rin yung 1&2 nya.. maganda rin yung dun sa last part ang kulet ni donkey kasi sya yung palaging kumakanta dun eh.. hehehe

      naks pala patol sa OGRE hehehehe..

      salamat Unni!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s