Sir!

Posted: August 6, 2010 in experience, Kahit anong ka-poldo-han, Working tag

Naalala ko nung naging Professor ako Three years ago dun din sa school na pinagraduate-tan ko. Hindi ito pangkaraniwan sa katulad ko na walang hilig sa pagtuturo. Hindi ko rin lubos akalain na magiging Guro ako at matatawag na SIR. Kahit nung bata pa ako, pagkailangan ng utol ko ang aking karunungan(kung meron man) hindi ko talaga sila tinutulungan. Kung magkataon mang tuturuan ko sila, malamang pilit ni ermats with kasamang pingot pa yun.

Maikli rin ang pasensya ko kaya pag hindi kagad nakukuha ng utol ko ang tinuturo ko o yung gusto kong matutunan nila e pasigaw na at sinasabihan ng ang bobo you naman! *pero joke lang yun* Umiinit lang ang ulo ko at ang pinaka sweet dun e  pinapalo ko ung libro sa ulo nila para matuto. *ang swet talaga ni koya.

Ni-refer lang talaga ako ng Prof ko nung college dun sa school directress para makapagturo. Napasobra yata sa sipsip pagpapakitang gilas nung studyante pa lang ako at napabilib yung prof ko. Mga last 2 weeks before graduation inabisuhan na ako ng prof ko na magprepare ng topic na pwedeng i-demo para saganun maback-up-an nya ako. Syempre kailangang hindi mapahiya kaya prepared na prepared ako. Aktuwali Mga ilang days lang after graduation nag-gala at todo partey kagad ako. Tapos the night before demo-teaching, talagang todo praktis ako sa harap ng mga klasmeyt ko dati hindi para magbigay sample ng ituturo kundi makipag-inuman. Ohha Prepared na prepared yan!!

Kinabukasan kahit may hangover putek nagDEMO parin ako at talagang kinarir ko english kung englishan ang labanan. Nagbasa rin naman ako kahit konti about dun sa ituturo ko at dahil narin sa fresh graduate ako, sariwa pa sa utak ko yung topic. Ayun successful at hindi ako nakapasa sa demo-teaching, ASA pa akong makapasa dun di ko naman talaga linya ang pagtuturo. Pero dahil kinakailangan talaga ng katalinuhan ko Teacher That time e kinuha na rin ako as assistant professor. (No choice??).

Sa unang araw ko sa trabaho, hindi naman ganun kaexiting or nakakakaba. Bakit kamo? dahil mga naging classmate ko rin ang mga natuturuan at parang balik eskwela lang din ako..

“Ahahaha pagkakataon ko nang makaganti sa inyo mga kupaloids”

Lahat na binigay na subject sakin puro major at puro graduating students ang mga naturuan ko… Mahirap sa umpisa dahil kinakailangan ko ulet balikan yung mga subject na natutunan ko as a student at ang pinaka nakakadugo dun e kailangan kong ituro sa mga mokong kong studyante yung mga yun!. Hirap nun! pramis!

Bukod sa mga naging kaklase ko, Meron din akong naging student na Spoiled brat, maaangas, Nerdy,Kengkoy , seryoso at ang pinakagusto ko sa lahat e yung mga MALALANDI matatalino at mababait. Mahirap kung sa mahirap pero naging enjoyable narin naman para sakin yung pagtuturo. Parang way of revenge ko narin sa pagpapahirap ng mga prof ko when i was studying wahahahahaha *devil laugh

Pagdating sa Examination madali lang naman ako magpaexam of course ayokong mahirapan ang mga students ko no so mga simple enumerations, true or false, identification at simple computation at equation  lang yung pinaka exam ko… Right minus wrong nga lang. At pag ako naman ay nagbabantay sa mga nageexam, allowed ang magkopyahan wag nga lang papahuli. Dahil 100% Singkwenta ka o di kaya naman magkakaroon ng star ang cover sheet ng booklet mo.

At ang pinakapaborito ko sa lahat pagdating ng Finals dyan mo mararamdaman yung mga kinakailangan ng tulong mo, Dyan rin makikita ang mga studyante na madalang pa sa patak ng ulan sa middle east kung magpakita. Daming iooffer sayo, Gimik dito gimik dun syempre sagot ng studyante. Kala nila makukuha nila ako sa mga ganun no way noh! *lightning strikes.

Kahit yung dating kaklase/kaibigan ko nun e naging tagilid sa grades, isa narin sigurong pahirap para sakin.  Pero kinakailangang maging professional, kung bagsak at wala akong nakikitang effort kahit bigyan mo ng mga make-up projects e binabalewala nila sorry nalang talaga.

May kinokonsidera rin naman ako yun yung tipong may effort naman sa pagaaral,  di talaga kaya ng IQ nila. Dun ako nagbibigay ng mga extracurricular activities like pagparticipate sa mga events sa school pandagdag points kung baga.

Nakakailang din pagnagpupunta ako ng faculty. Biruin mo dating mga prof. e ngayon kasama ko na sa trabaho. Lumelevel up na me!. Cool naman silang katrabaho at syempre dahil mga batikan na sa kanila narin ako humihingi ng mga technique or mga ideas about dun sa mga subject na tinuturuan ko.

All in All, naging masaya rin naman, Kahit na merong ass licker at politika (hindi na siguro maalis yun) e hindi naging malaking problema para maging makulay ang aking unang trabaho.

Kung itatanong mo kung merong nagoffer sakin na gurlie ng ganitong mga linya..

Sir, I need a High grades, can you help me? i will do anything what ever you want...

Sasabihn ko sayo! sayang wala eh! LOL

SOunds familiar huh?

Comments
  1. jepoy says:

    Sir Anong subject ang tinuro mo? At saan ka nag graduate?😀

  2. khanto says:

    lupit mo pala sir poldo.😀 yari ang mga tamads sa iyo. eheheh
    College prof ka ba? Mahirap ba turuan pag halos kaedaran mo lang ang estudyante?

    • Poldo says:

      hahahah! malupet sa kalokohan hehehe..
      yup sa college po.. Mahirap talaga kasi iisipin nila paran tropa lang kayo.. At ang pinaka worst e yung mas matanda pa sayo yung studyante mo hehehe..

      salamat bossing \m/ blogenroll!

  3. NoBenta says:

    ikaw na parekoy! pangarap ko rin maging teacher. bata pa lang ako ay yun ang nilalaro ko. tinuturuan ko yung mga bobo kong pinsan. pero tulad mo, madaling maubos ang pasensya ko kaya sabi ko, huwag nalang dahil baka maging terror lang ako.

    blogenroll parekoy! \m/

    • Poldo says:

      ahahahaha! astig kaya sir jayson wow! wahhaha! ako kahit sa mga kalaro ko di ko magawang turuan sila deym mas gusto kong makipaglaban ng teks o di kaya sabungan ng gagamba!

      blogenroll bossing! \m/

  4. karen says:

    wow teacher ka pala sir poldo. astig.😛

  5. Jag says:

    ikaw na! ikaw naaaaa! lol. pugay kamay para sa mga terror na gurong katulad mo sEr! ikaw pla yung martilyo na pumupupok sa pako para ito’y bumaon…nice!

    • Poldo says:

      hahah pugay kamay talaga.. wahaha.. hindi naman ako terror ah.. love na love nga ako ng mga students ko eh.. lalo na yung mga gurls LOL

      salamat bossing \m/BlogEnRoll!

  6. Yow says:

    Whoa! Ang tanda mo na koya! Haha. Joke lang.
    Parang imba naman yun, kaedad mo lang yung tinuturuan mo.
    Bonding nga ang mangyayari.
    Pangarap ko din maging teacher, at gusto ko
    barkadahan lang ang turingan. Para kewl..

    • Poldo says:

      Anung matanda hindi ah, nasa kalendaryo parin ang edad ko.. hehehe
      Ganun din yung turingan namin nung mga students ko mga barkada talaga. pero syempre may limitation pagdating sa loob ng school..

      sige try mong maging teacher cool pero mahirap din ng onti…

      \m/ BlogenRoll

  7. Unni says:

    waaahh pero ako kaya kitang mapaamo ang strikto mo SIRRRRRR hahahaa,,pupuntahan kita sa house nyo at magmamakaawa ako hahaa,,nagawa k nayan dati sa prof ko with paawa effect and angelic face ko hahhahah….
    naku pero sir ang strikto mo ha heheheh,,
    ngaun ba strikto k pa rin sa personal??at isa pa naintriga tuloy ako ng bonggang bongga sa age mo sir Poldo hehe

    • Poldo says:

      aba bakit napunta sa edad ang topic ha?? hehehehe
      wahahahaha.. talagang pumunta ka sa house ng prof mo??? ginamitan mo ng pagkabaliw este angelic face mo??? wag maxadong abusuhin baka maubos yan wahahahaha..

      HIndi ako stricto noh mabait ako (kunwari) sa mga students ko. Sa personal aaahhh eehhh mahiyain ako pramis! maniwala ka.. LOL

      \m/BLogEnRoll Unni!

      • Unni says:

        weeeeehhhh mahiyain ka na sa lagay mong yan~~
        parang nagdadalwang isip ako na mahiyain k pwamis hahaha,,,,
        ayaw ko aktwali sa mga uber mababait na titsers mas gusto ko strikto para mapaamo ko sila este ako pala mapaamo nila bwahahaha..
        gandang morning~

      • Poldo says:

        gandang morning unni.. una sa lahat adik ka talga.. mahiyain ako noh, maniwala ka na please! hehehe

        strict ako in some situation pero mas madalas akong kengkoy lalo na pag hindi oras ng pagtuturo…

  8. ser ser ser, ikaw pala ang totoong ser.

    nagturo din ako kaso, ang mga kadalagahan ay temtasyon. katawan ang hinahabol sa akin at hindi ang lesson.

    • Poldo says:

      welcome po sa lungga ko bossing balentong A.K.A tukayo!
      tama po kayo.. naalala ko nung ininterview ako nung mga co-teachers ko.. ang tanong nila pano kung may magkagusto saking mga students which is bawal yun sa rules.. at wala akong nasagot dun wahahaha..

      welcome po at salamat sa pagbisita.. add kita sa list ko sir!

      \m/BlogEnRoll

  9. glentot says:

    Weh??? hindi ka tumanggap ng indecent proposals sa estudyante? hehehehe sinayang mo! joke

    • Poldo says:

      Wala nga sir na proposal na ganun.. kung meron man.. aaahhh eehh ibang kwento na dapat yun wahahaha..

      salamat po bossing glentot!
      \m/ BlogEnRoll!

  10. naks. ang talino naman. napaka-noble talaga ng mga nagtuturo. naku, delikado pala sayo ang mga estudyante mong chilks, baka patulan mo offer nila lagot ka! hehe. peace😛

    • Poldo says:

      welcome po mr. nightcrawler! sa aking lungga…

      tama po kayo napaka-noble ng pagtuturo at hindi po ako isa sa kanila hehehe..
      at hindi naman ako ganung palapatol eh pero kung mapilit why not chocnut jowk!LOL

      salamat po sa pagbisita!

      \m/BlogEnRoll

  11. berdengkamalayan says:

    sir!😀 ang pagpupugay
    Pangarap ko rin maging guro eh tapos pag-initan ko yung mga magaganda at seksing estudyante ko ibagsak sila at manghingi ng special project, alam na agad kung ano ang special project hahaha..idol ko kasi yung propesor ko nung college eh gawain nya yun hahaha

    • Poldo says:

      ahahaha.. ang tibay naman ng prof mo nung college kilabot ng mga kolehiyala!
      di ko magagawa yun, takot me sa karma wahahaha..

      salamat sa pagbisita sir!
      \m/ BlogEnRoll!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s