Nakauwi na ako ng pinas! yes!

Posted: August 7, 2010 in Kahit anong ka-poldo-han, Makapagblog lang :)

Pikit pa ang isang mata, Nagising ako sa sigaw ni mama.

Lintik naman oh sarap ng tulog ko e bunganga kagad ang magiging musika ng umaga ko!.

Back to the regular habit, Nagpuyat kagabi at alas dose na nang tanghali kung gumising! haaayyy buhay ng walang trabaho ang sarap!.. Handa na ang tanghalian, Gutom nang bumangon at tinungo ang lamesa para kumain. Wow sinigang na baboy! mah! favorite!, Habang kumakain dumating ang mga kamaganak sa ibang lugar para bisitahin ang bida sa araw na yun. Aba ako yun syempre bagong dating eh.

“Kuya nasan na yung pasalubong namin!” Bungad nung isa..
“UU nga nasan na” tanong naman nung pangalawa..
“Tanungin nyo kay mama alam ni mama kung nasaan” sabi ko..

Matapos ang tanghalian, inabisuhan ko si mama na mag-gayak at pupunta kame sa mall para mamili ng grocery at mga damit ng utol ko. Kaya naman todo heksayted ang aking loving family, wala pang one hour lahat todo bihis at handa nang magliwaliw…

Nagpunta na kame ng mall ginawa na ang lahat ng gagawin, binili narin ang dapat bilhin. Oras na para umuwi. Pero teka may nagtext! “Tol! musta na! balita ko dumating ka na… Manlibre ka naman! dito kame ngayon ng tropa sa dating tambayan punta ka rito jamming tayo” walang atubili ay pumayag ako at nagpaalam kay mother dear na makikipagkita sa mga classmate ko nung college! pinayagan naman ako basta wag magpapagabi. (wow! teenedjer may curfew?)

Dumating sa venue at kuntodo welkam ang mga loko..

“Pre musta ang kili kili ang arabo?”
“Ayos lang tol. parang alimuom, nakakasakit ng tyan, oh kayo taena nyo puro parin kayo tambaY!”
“Utot mo light green!, may trabaho na kame noh!”
“ahahaha buti naman at hindi na kayo palamunin!”
“xempre naman ayaw namin mapagiwanan mo!”

Umorder ng 2 litro ng Red horse pampainit at ang pulutan ay sisig at liempo! at tuloy tuloy na ligaya!. *Sarap
Alas dos na ng madaling araw natapos ang kaligayahan. Alas tres na nang umaga nakarating sa bahay. Hayyy sarap naman. Diretso sa kubeta para isuka ang ininom at maghilamos. Diretso sa higaan sabay hilik.

Alas quatro nang umaga!
“putang ina bakit nagaalarm ang Cellphone ko?? wala naman akong schedule na alis ngayon ah.. Tinignan ang oras tae ang aga pa, tulog pa me!

Naramdaman kong malamig ang kwarto at malakas ang tunog ng aircon.Taena walang aircon sa bahay ah nasa motel ba ako?? .

Pinakiramdaman ko rin ang aking higaan. Tae ang lambot bumili ba ng bagong kutson si mama? Taena motel nga talaga to!

May naririnig din akong humihilik. Damn naman nakakturn-off naman tong gurlie na toh humihilik *nagsalita ang tahimik kung matulog

Dumilat ako at pinagmasdan ko ang paligid, parang pamilyar yung kwarto, pati yung higaan….Β  alam ko toh ahh. Napa-wan tu tri sabay sigaw ng konting lakas ng SSSSSYEEEEEEEET! panaginip lang pala!!!. Yung kasamahan ko lang pala sa kwarto yung humihilik… Nandito parin pala ako sa madisyertong lugar na toh! sobrang parin init sa labas kahit madaling araw palang, Hayy. Bumangon na lang ako at nagprepare na sa pagtratrabaho…

Dahil dyan sa letcheng panaginip na yan.

Homesick ng WHOLE DAY!

Comments
  1. Unni says:

    kala ko totoo na dahil hihingi sana ako ng pasalubong heheheh..
    at dahil sa sinigang na baboy mas nagcrave tuloy ako hehehe

    • Poldo says:

      hahaha.. kung makakauwi man juice ko ang layo nang kinalalagyan mo para mabigay ko pasalubong ko sayo noh! hehehehe
      Bilis luto ka ng sinigang na baboy pasa mo sakin dito… hehehe

      salamat unni!

  2. akala ko totoo nga. hahahaha,
    nagbabalik sana ako para humingi din ng pasalubong.
    anyways. kapag nagkatotoo yan, wag kakalimutan ang pasalubong ni munting bisiro. hahaha.
    Salamat!πŸ˜€

    • Poldo says:

      hehehehe… hayaan mo munting bisiro pag nagkita tayo treat kita sa far far away land hehehe..

      welcome back bisiro!

      salamat! \m/ BlogEnRoll!!!

  3. khanto says:

    panaginip lang pala. hehehehe.

    akala ko isang ubod ng gandang dilag ang kasama mo sa motmot :p

    • Poldo says:

      Hahahaha ubod ng gandang dilag talaga ha.. hahahaha
      Hirap kaya ng ganun feeling mo nakauwi ka na yun pala panaginip lang.. hehehe

      Salamat bossing!

  4. karen says:

    sayang naman… panaginip lang pala ang lahat… di bale pag-uwi mo magkakatotoo na yan. kelan ka po pala uwi sir poldo?

    • Poldo says:

      Sabi nila pag iniisip mo ang isang bagay o isang pangyayari e pwede mo itong mapaniginipa, pero Out of nowhere napanaginipan ko to.. Bakit kaya?

      Pero di bale ayos lang naman yun.. At tama ka madam makakauwi at magkakatotoo din yan hihihi..

      actually kakabakasyon ko lang nung March… so Most probably next year summer ule ang vacation ko yearly po kasi yung uwi ko… Dont worry pagUuwi naman ako ibro-broadcast ko sa whole wide Blogspere hehehe..

      salamat karen!πŸ™‚

  5. berdengkamalayan says:

    aysus naman! kala ko totoo hahaha magpapadala sana ako ng isang ilaw lang dun sa mga patay sinding ilaw sa kubaw kahit pundido ayus langπŸ˜€

    • Poldo says:

      Hahaha kakaiba rin trip mo bossing ha.. yung iba Ang gustong ipadala e yung mga goods galing ng pinas like Tuyo, Daing o kakanin
      Ikaw e ilaw lang pundido galing Cubao ibabaw pa! wahahaha..

      salamat sa pagbisita bossing! \m/BlogEnRoll!

  6. berdengkamalayan says:

    ang pundidong bombilya boossing pwede ko ipaframe yung lalo yung galing dun sa Cubao partikyular sa “GIGGLES” aysus!

  7. Yow says:

    Nagdoubt agad ako simula palang. Haha.
    Pero while reading it nakokombins na ako na nakauwi ka.
    Tama nga naman ang unang animal instinct ko. Juk lang re.
    Nice one. Madami ka nagoyo. Haha.
    Hayy.. Sarap dito sa Pinas oh. SARAAAAPP…

    • NoBenta says:

      at dahil sa entry mong ito’y napatunayan kong gusto mo na ngang makauwi. kaya iinggitin kita…..UUWI NA AKO SA AUGUST 16!!! bwahahaha

      blogenroll parekoy! \m/

      • Poldo says:

        nyahahahaha ikaw na bossing no-benta ikaaaaaaaawwwww naaaaa! hahahaha… ayoko pang umuwi noh dami pang kailangang bayaran.. pero totoo naiinggit ako uuwi na you eh wahahahahaha..

        salamat bossing \m/ BlogEnRoll!!!

    • Poldo says:

      ahahaha.. dapat inayunan mo nalang yung animal instinct mo…
      MangInggit daw ba??? ikaw na! YOw! ikaw na ang nasa pinas!

      \m/ BlogENroll pare koy!

  8. glentot says:

    Entry ba ito sa PEBA??? hehe

  9. NoBenta says:

    sana magkasabay-sabay tayo ng ibang bloggers sa next na bakasyon natin ano? blogenroll!! \m/

  10. ahahha, parang kulang ang kwento mo, parang hindi mo binanggit na niyakapyakap mo yung katabi mo at pinaghahalikan.. umamin ka, umamin ka. basa ba ang shorts mo nung nagising ka?
    haha.

    • Poldo says:

      wala… wala yun bossing wala.. wala talaga pramis! maniwala ka please! … pinilit?? hahaha

      Malayo naman yung kama ko sa kama nung kasamahan ko kaya safe na safe malabong malaplapan to the max yun hehehehe..

      at hindi rin nabasa ang short ko noh! hmf! LOL

      maraming salamat sa pagbalentong dito sa lungga ko sir paul! naks tukayo talaga! haha \m/ BlogEnRoll!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s