Fit To work

Posted: August 17, 2010 in Working tag

Sa lahat siguro ng mga manggagawa mapa-Local man o outside the country ay nagUUnderGo sa isang Medical Examination which was required in all company. Siguro nasa batas din ito para na rin sa kapakanan ng mga manggagawa sa usaping pangkalusugan. Dito malalaman kung ikaw ba ay Physically, Psychologically/Mentally and emotionally(Kasama bato?) fit sa trabahong iyong gustong pasukin.

Tatlong beses palang ako nakapagpamedical na required sa trabaho una e nung naging SIR ako, requirement sa pagtratrabaho abrowd at Nung dumating ako dito.

Nung firstime kong mamedical ok naman. Expected kong gagawin sa perfect kong body e yung iche-check ang Blood pressure/Blood sugar, I-eexray, ichecheck ang eye kung malinaw pa at ang pinakapaborito ko sa lahat e yung SULYAP-PWET at HAPLOS-BETLOG lalo na kung chikabebs ang gagawa(jowk ihateit much). Akala ko nuon e lahat ng yun gagawin sakin hindi pala(buti nalang). Kinuha lang ang yung BP KO tapos after that nagpa-XRAY. Pagdating sa physical examination simple lang ang ginawa sakin tingnan ako from head to toe then smile at nagtanong ng kung ano ano like kung meron akong natatagong sakit like Hepatitis, TB, sakit sa heart, sakit sa utak, Herpes At tulo. Ang naging result? Fit to work! ayos!

Ang pangalawa ay natupad na ang aking inaasahan lahat ng test ay kinakailangang maipasa para Matuloy lang sa pagalis ng bansa.  Bago  man Dumating ang araw ng paghahatol inabisuhan na ako ni mama na wag munang kumain ng kumain ng unhealthy foods o uminom ng alak/softdrinks. Puro Saging lang at evaporated milk yung binibigay sakin ni mama. Kasabay nuon ay nagprepare narin si mama ng 2 bote ng mertayolet, para sa tae at wiiwii… Wala namang naging problema sa pagkuha ng wiwi kahit di mashoot Oks lang kasi pwede namang hugasan at di mabaho pero hutaenashit pagdating sa pagkuha ng shit pahirapan. Dahil perstaym ko nun tinuruan pa ako ni mama kung pano kumuha ng shit! sabi nya

INA: “wag mong kunin yung unang labas, utay utayin mo yung pagIRE tapos kunin mo yung nasa gitna.
AKO: “Ma! Mapauna, Gitna o huli yan tae parin yan! tae!”
INA: “Ahh basta gawin mo yan! para sure!”

SA huli si mama rin ang nagwagi. Shit talaga ang hirap kayang pigil pigilan yung paglabas nun nakakabitin! pero dahil sa kinakailangan no choice kailangang gawin. Buti at malaking epekto yung pagkain ko ng saging at tubol tubol ang lumalabas. Hutaena pano kaya kung ga-sabaw sabaw yun tapos kailangang ishoot sa butas ng mertayolet! Mahabaging langit!. Ayun at nagawa ko rin naman at ready for medical na ako.

Dumating ang medical day, ayos! onte palang yung tao at makakatapos ako ng maaga aga!. Ibinigay ko sa pinakaReception yung mga documents ko at naghintay. Makalipas ng isang oras ay tinawag ang pangalan ko at pinaakyat na ako sa taas. Una kong pinuntahan yung loner na bading sa pinaka-kanto ng room. Duon ako nagpasukat ng Etits weight at height. Konting kalikot dong! finish!. Pagtapos ay pumunta ako sa Optalmologist at sinukat ang talas ng aking paningin. Konting kalikot dong! Fit to work!. Sumunod ay sa psychologist naman ako tumungo, binigyan ako ng kung ano anong sasagutan binigyan ako ng time limit na 1 1/2 hour para tapusin yun. Makalipas ang isang oras nasagutan ko na ang lahat at ibinigay dun sa psycho(parang sakit lang LOL). Sumunod naman ay dun sa detal, konting tingin tingin sa aking ngipin Dong! Failed!. Meron daw akong 10 ngipin na inuuod na at kailangang linisin/Pastahan or else bunitin nalang. Dahil sa sobrang yaman ko nung time na yun sa pagbalik ko nalang ako magpapapasta dahil saktong pamasahe at pambili ng lunch yung pera ko nun.

Tanghalian na at nagBreaktime muna ang mga tauhan dun sa medical clinic. After one and half hour bumalik ako para ipagpatuloy ang aking nasimulan. Dumiretso ako sa 2nd floor kung saan dun ipapasa yung nakuha naming tae at dun ay may sarili silang CR para dun na kame mag-wiwiwi. Sumunod naman ay ang kuhaan ng dugo! shet! karayom! pero tiis lang sayang ang pogi points sa magandang nurse na kumuha sakin ng dugo. Tumingin nalang ako sa malayo at pumikit! sabi ni madam nurse wag daw matakot kagat lang ng langgam. Putah lagi naman ganun pero ang sakit parin! halikan kita dyan eh. hmf!

Anywei, going to the next part ang physical test. Una ay chineck ang aking bloodpressure, NAMAN!!! 145/90 ang BP ko ang taas! sabi balik ako after 3days kundi lagpak ang aking result. At ang pinakahuli sa lahat ang pinakamatindi ang SULYAP-PWET at HAPLOS-BETLOG. Lalaki yung nagexamine sa akin kaya walang hassle ilang sigundo lang ang tinagal namin sa loob ng maliit na cubicle at presto! ayos pasado ang pwet at betlog ko sa kanya. Pagkatapos nun ay ininterview nya ako about sa aking health history katulad nung unang tinanong sa akin kung meron daw ba akong natatagong sakit, kung meron akong tattoo at kung meron previous operation na nangyari sa akin. SAbi ko nalang e nung tinuli ako yun ung last na operation ko. Ayun ayos na rin at sobrang pagod ang aking body.

After 3 days bumalik ako para magpalinis muna. Shit ganun pala yung pagpapasta nakakangilo na medyo masakit din.Deym ang daming inayos sampung ngipin! napaghahalataang di nagpapadentista. Sumunod ay ang pagpapaBP, dalawang beses chineck at walang may pagbabago naman 130/90, POta shet talaga ang taas talaga. Dahil dun ay pinabalik nanaman ako after 2 days. Naiinis na ako nun kaya bumili nalang ako ng gamot na ginagamit ng lola ko pag sya ay highblood then after 2 days bumalik ako ayun 110/80 na!. Nagulat pa yung nurse na nagcheck sa isip isip ko wag mo nang kontrahin baka tumaas pa!. Hayun at ang resulta lahat lahat ay Fit to work! ayos!

Hindi ko inexpect na imemedical din pala ako after kong makarating dito. BUti nalang at wala nang kuhaan ng BP kundi Xray lang at KUhaan ng dugo (shyeet yun nanaman!). Walang problema sa XRAY kasi pinoy din yung nagXray sakin ang problema ko ay yung kumuha saking dugo na isang pakistani! taenangshit parang naglalaro lang ng dart yung kupaloids na yun!. ang daming mali at ang daming tusok ang ginawa nya!. Pero Ayos lang kasi ang result ay..

FIT to Work! Kahit kumikirot kirot yung lugar nakinuhaan nya ng dugo Ayos narin yun!

Yun lang..

Have a nice day! Ayos!

Comments
  1. khanto says:

    ung sulyap pwet at betlog sa amin ay optional, di mandatory😀 papipirmahin ka lang na di ka nagtake nung exam na iyon. Ang mahalaga ata ung xray😀

    • Poldo says:

      Madaya! kailangan kaya yun! kung sabagay baka depende rin sa papasukan mo.. pero kung isang mahigpit na company ang papasukan mo… kuskusin maigi ang betlog at ang pwet dahil titingnan yan wahihihihihi

      \m/ BlogEnroll!

  2. renne13 says:

    wow. dami naman ginawa sayo. hehe. ako takot magpageneral check up kasi madami ako sakit eh. panu kaya yun, gusto ko pa naman mag-abroad like you sir poldo. kamusta naman yung sampung ngipin? lol ang sakit magpapasta, nakakangilo. pero at least fit to work pa rin🙂

    • Poldo says:

      TAma! mararamdaman mo dini-drill yung ngipin mo, minsan pag walang pakundangan yung dentista sumusobra at hindi na pala ngipin yung dini-drill kundi gums na… waa sakit nun..

      kung magaapply ka abroad malamang kailanganin ang general check-up requirements kasi yun…🙂

      have a nice day karen🙂

  3. renne13 says:

    btw, yung wordpress account ko pala nagamit ko. nvm that account.

  4. Jag says:

    Dapat kasi maagang natutulog para di tumaas ang BP hehehe…

    • Poldo says:

      Hindi bat pag maxadong mahaba ang tulog mo e dun ka hahaybladin??? tapos pag lagi kang puyat dun ka naman magiging anemic??? di ko alam eh hihihihih

      Ikaw na! ang may perfect Blood pressure walang duda!! LOL

  5. gerg_gerg says:

    hahaha!..ginawang cake ng pakistani yung braso mo bro, tusok lang nang tusok😄

  6. Unni says:

    paksyet natawa ako sa bote ng mertayulet hahha..mas adik mga pste mo poldo bwahahah…
    kamusta ang karayom aruy ko po ako din yoko ng mga needles,,,nakakapanghina waaahhhh..
    pero congrashulasyon sa bp mong 145/90
    sige tuma pa ng tuma ayan ayan hahaha…
    sus ako pag pinapastahn at ngumilo papaluin ko kmay ng dentista ganun ako ka harsh hahah…ang sakit kaya dba dba dba haahha…

    • Poldo says:

      Ano ba yan compliment o panglalait?? mas adik kaya mga post mo… ginagamit mo mga cartoons tapos puros picture ko pa ang gamit mo!*Delusion..

      Pareho tayo! damn it! si labidabs MEDTECH sabi nya ako daw yung gagawin nyang project kukuhaan nya ako ng dugo! putashet magaaway kame hiwalay kung hiwalay!LOL

      grabe ka naman pinapalo mo yung kame e panu kung pagkapalo mo lalong dumiin sa gums mo edi lalong sumakit! pero tama ka sobrang masakit! hahahaha

      salamat unni🙂

  7. Drake says:

    Sad to say yung unang medical examination ko, FAILED ako dahil nagfirst honor ako sa BP (mataas ang grado), then 20/25 vision daw kaya FAILED uli kailangan ko daw magbayad ng 3T para maging okay. Then kailangan daw ng TAE binigyan ko sila ng isang garapon kaso FAILED daw kasi may MAIS daw kailangan magbayad ng 2T. Sa huli nagbayad ako ng 10T pesos pra sa medical at para ang resulta UNFIT TO WORK. Pu%&$&^%& Isa itong raket.

    Gud thing okay na ako after 1 year yun nga lang bading ang nagphyphysical exam, at nagulat ako kasi habang pinipisl pisil nya ang bayag ko, nakangiti sya at parang kinikilig! Bawal murahin dahil baka mag FAIL ako! Kaya hinampas ko na lang ng T”TE ang mukha nya! Joke lang!

    Yan isang buong entry ang comment ko!hahaha

    • Poldo says:

      hahahahaha.. ang mahal pala nangyari nung unang medical grabe!

      haha hindi ko kinaya yung bading na physician di ko kaya yun. sya hahawak ng betlogan ko?? di na uy! wahahahaha

      salamat bossing drake

  8. Yow says:

    Kasali ako sa kulto ni Mang Narsing eh, kaya normal na sa akin ang mga to. Haha.
    Pero shitty experience talaga ang pagkuha ko ng shit for fecalysis. Muntik ko iblog yun. Maeport. Potaness ang datingan. Yun ang pinakadugyot na gawain. Haha.

    Nung nagpapasta din ako dati 6 na ngipin ang tinira. Reason: Hindi din ako nagagawi sa dentista. Haha.

    • Poldo says:

      hahaha isa ka sa mga salarin!!! wahehehe
      Ibilis iblog mo ang iyong extravagant experience sa pagkuha ng tae… wahahahaha..

      taena ako din yun din yung first time kong magpapasta kaya hutaenang experience yun….

      salamat YOW!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s