Nang salakayin ako ng mga Zombies!!!!

Posted: August 18, 2010 in Kahit anong ka-poldo-han

Mapayapa akong namumuhay sa aking munting tahanan. Nanonood ng mga palabas sa radyo at nakikinig ng mga programa sa T.V.(wag mo nang pansinin!). Kumpleto sa gamit, pagkain at kung ano ano pang makakapagpakumpleto ng aking pamumuhay. Sarap ng LIfe!!!

Nang dumating ang isang araw BOOM!! may lumalaganap daw na isang sakit. Sakit na hindi pang karaniwan at malamang wala pang lunas. Sakit na kung saan ang taong nagkakaroon ng ganito ay nagiging kakaiba ang kinikilos na parang nawawala sa katinuan, nagiiba ang hugis ng katawan at halos lumuluwa ang mata. Sa nasabing balita ang isang taong nagkakaroon ng ganitong klaseng sakit ay karaniwang namumutla o nagmumukhang bangkay at ang pinakaworst ay ang kanilang eating disorders. Ayaw nila ng pork/chicken/beef, hate din nila ang mga seafoods mas lalong hindi rin sila nagiging vegetarian nakakapagtakang lagi nilang sinasabi ay…..

Braaaiinnnzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz! (Jejemon?!)

Duon lamang nadiskobre na ang lumalaganap na sakit ay ang T-virus kung saan ang mga nagkakaroon nito ay nagiging ZOMBIES!. Habang tumatagal at lumilipas ang araw lumalala ang bilang ng mga kasong natatamaan nito. Masyadong mabilis ang kanilang pagdami. Iniisip ng mga sayantipiko na kung ang isang biktima ay nakagat ng mga zombies ay magiging zombies narin! pwet este pwes nagkakamali sila!!! Dahil kaya namang gamutin ng alkohol at betadine yun noh!!! at hindi sila maging zombies ok??

Nagpaparami sila ng lahi!!!

Tama!!! nagliligawan sila at nagaasawahan para dumami ng dumami ang mga katulad nila!

Hopeless at wala paring nakikitang paraan ang mga propesyonal para mapuksa ang ganitong sakit. Kaya naman gumawa ng paraan ang inyo pong lingkod para puksain ang mga hinayupak na zombies na yan. Ginamit ko ang aking katalinuhan at naghanap ako ng mga bagay na pwedeng mamuksa sa kanila. Bukod sa baygon insect killer at dragon katol hinahandog ko ang aking alagang mga PLANTZ!!!!

At Dyan nagtatapos ang aking introduction!.

Dahil sa sobrang productive kong maging empleyado, at walang kabahid bahid na pagiging petiks mode e naglalaro ako ng Plants vs. zombies. Bigyan ko muna kayo ng background sa larong ito… ay sige search nyo nalang kay pareng google or kay bro wiki ang mga detalye tinatamad me eh…

Napaka entertaining maglaro ng PVZ, sa katunayan isa daw itong paboritong laruin ng karamihan. Nakareceive ng maraming awards galing sa mga gaming geek sites at halos matataas ang ratings nila sa larong ito.

Katulad ng karaniwang labanan merong mga bida at mga kontrabida.

Introducing ang mga BIDA.

PLANTZ

Sila ang mga masusungit na plants na ayaw sa mga zombies. Mayroong tatlong uri ang mga halaman, ito ay ang mga offensive plants (yung mga taga atake), defensive plants(yung mga sinasakripisyo ang sarili mailigtas lang iba) at ang mga Support plants(halaman na optional na pwedeng hindi gamitin pero malaking tulong rin naman).

Ang pinakapaborito kong characters sa kanila ay yung winter melon (nagbabato ng ICEDWATER-melon) malaki ang damage sa isang zombies at nakakapagpabagal pa ng kanilang paglakad.

at hindi mabubuo ang labang kung walang ang mga Kontrabida.. ang mga Damuhong Zombies.

Ang pinaka ayaw kong zombies ay yung AMP este IMP pala. Sila yung kanan kamay ng damibuhalang si gigantaur. Maliit lang sila at hindi ganun kalakas pero madalas silang ibinabato sa gitna ng iyong depensa kaya kung wala kang tamang shield sa iyong halaman malamang makakain ng bulinggit na yan!.

Merong apat na option sa paglalaro THE ADventure, Mini-games, puzzle at ang pinakapaborito ko ang survival. Bukod sa mga nabanggit meron pang ibang features like the ZEN GARDEN na parang BARN Buddies ng FB, Si crazy dave na isang business man s kanya mo mabibili ang iba pang items na kailangan sa entire game.

Isa rin sa mga paborito kong plant e yung Cob Cannon, it can hit a group of zombies at one time kaso mabagal nga lang yung reloading time nya.

Sa suvival mode merong ibat ibang challege sa ibat ibang location. Merong sa Regular lawn, Lawn na may pool, Night with fog at roof. AT ang pinaka last na challege sa survival e yung SURVIVAL ENDLESS. Dito talaga machachallenge ang galing mo sa larong ito. The more Flags that you will get the more harder to play it. Ang dami kong napanood sa youtube kung pano makakuha ng 200Flags. WTF! adik mode na talaga yun!.

So far hanggang..

Ang hirap na dyan eh… ang dami nang zombies..

ang hirap talaga! sobrang hirap!…

ng walang ginagawa!
I need new Job! pero next year nalang!..

Comments
  1. hoy tukayo, masyado kang abala jan, magtrabaho ka nga. hahaha.

  2. khanto says:

    para sa akin, bad trip ung may sasakyan. dinudurug nila kahit ung patatas.

    for zombies, nakakaaliw ung dancer :p

    • Poldo says:

      kaya ng spikerock yan bossing.. kayang tumagal ng ilang sasakyan bago matanggal.. tapos yung sa sumasayaw si MJ naging zombie na wahihihihihi astig nga yun. nagso-summon ng mga zombies…🙂

  3. Jepoy says:

    Hindi ko alam laruin yan, tumatanda na yata ako hindi ko na alam ang in and out. Pero alam ko ang OST ng larong ito😀

  4. glentot says:

    Haizt muntik na akong maadik dyan pero buti na lang napigil ko…..

    • Poldo says:

      No wonder na yun bossing glentot.. nakakaadik talaga yan.. nung march ko lang nalaro yan nung umuwi ako for vacation.. ayun pinagpuyatan kong tapusin wahahahaha…

      salamat sir!

  5. goyo says:

    there’s a zombie in your lawn. there’s a zombie in your lawn. Hehehe.masarap ngang laruin yan.hehe.

  6. Unni says:

    waahhhh nabored ako sa larong yan hahhaa yabang much~~~~
    sus kaadikan n yan poldo i’ll tell ur korean boss you’re always playing that and you’re not doing your job jokes lng,,,
    di halatang ang petiks mo hahaha….

    napansin ako ang intro mo:P
    Nanonood ng mga palabas sa radyo at nakikinig ng mga programa sa T.V. bwahhaa salamat saking magic salamin:P

    • Poldo says:

      Nabored if i know konting time nalang e magiging kamukha mo na yung isa sa mga zombies! aminin! joke lang… cute mo naman maging zombie!*bolahan segment…

      Subukan mong isumbong akong naglalaro lang susumbong din kita sa…. ahh basta susumbong kita… LOL

      about dun sa intro hayaan mo na walang typo yan ganyan talaga yan wahahahaha..

      salamat unni🙂

  7. karen says:

    addiikk sa PVZ😉 parang mga pinsan at kaibigan ko lang, adik din. ako hindi hehe

    • Poldo says:

      Owkei payn ako na adik dyan… ikaw ba naman sa araw araw walang gawin eh.. hehehe..

      ecchuss?? di ka nagaadik dyan?? pramis?? hehehe
      salamat karen🙂

  8. haha plants vs zombies.. adik. hah

  9. berdengkamalayan says:

    matagal ko ng gustong laruin ito pero pilit kong pinigilan ang aking sarili dahil labis raw itong nakakaadik baka di na ako papasok sa trabaho para lang maglaro ng Plants vs. Zombies hahaha Marami akong kakilalang sinubukan ang mga naglipanang larona ngayon ay walang ibang topic at ginagawa kundi ang maglaro hahaha. Ang galing ng hypnotismong ginamit ng nakaimbento nitong mga makabagong laro hahaha

    • Poldo says:

      Tama!! hindi ko rin maxadong maintindihan kung bakit nakakahook yung larong yan.. simple lng yung graphics at yung type ng laro pero kakaiba yung hatak! hehehe

      may kakilala rin akong Egyptian alam nya yang laro na yan wahahahaha

      \m/ BlogEn Roll bossing!

  10. Yow says:

    Ang tagal ko na di naglalaro ng PVZ. Natatamad na ako eh. Haha.
    Ambilis natapos, nakakapagod naman yung survival at never ending part.
    Pero enjoy nga siya laruin. Haha. Kaya lang napasarap ang katamaran, tinigilan ko na.🙂

    • Poldo says:

      Ayos yan! hehehe.. No choice kasi me dito.. baka mabaliw ako pag lagi kong kakausapin yung sarili ko kaya minsan naglalaro nalang ako…

      may PVZ 2 na ewan ko lang kung kelan narelease o irerelease palang…

      salamat yoW!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s