Way back again!

Posted: August 19, 2010 in experience

Dahil parang trendy ngayon ang pagshe-share ng college experience e ikwe-kwento ko rin sa inyo ang mga pahirap na naranasan ko nung college pa ako. this post inspired by bossing jepoy and GOYO.

First year college palang ako sinumulan ko nang tipirin ang sarili ko. Nandyan yung meron akong LUnch box at hindi rin naggagala kahit saan. Isang daan araw araw ang aking baon nun kaya kailangang magtipid.

Puta ines talaga kasi nakakahiyang kumain sa mezz/canteen namin dahil lahat sila e bumibili ng mga pagkain nila, ako naman ay sarap na sarap parin sa itinabi ni mama na kanin at itlog na sunny-side-up ang pagkaluto. Dun ako sa pinaka tagong lugar kumakain at binibilisan ko dahil talagang nakakahiya. BIruin mo college ka na tapos naglulunch box ka parin! Hindi rin nagtagal yung ganung scenario, Nilamon na ng kahihiyan yung loob ko kaya sinabi ko nalang kay mama na di nalang ako magbabaon. Alam na siguro ni mama yung dahilan. Buti nalang sa labas ng school namin e may isang “Kariton” slash Karinderia sa tapat ng school namin at dun ako bumibili ng pagkain. Isang LUcky me pansit canton at rice with matching water full of amoebia solb na!. Hindi naman pihikan ang tyan ko kaya natotolerate nya lahat ng bacteria.

Pahirap talaga lalo pa kung may kailangang bilhin na mga workbook, required ito dahil kung wala ka nun e wala karing reference para sa mga laboratory exercises at mga machine problems. Nahihiya man akong magsabi kela mama e nanghingi parin ako. 75% sa kanila tapos 25% yung dadagdag ko. (kahit naman 100 lang baon ko araw araw may naiipon parin ako kahit konti). MEron din mga pagkakataon na kinakailangan naming bumili ng libro! SHIT talaga. Hindi naman ganun kaimportante pero mas maganda kasi pwede kang magadvance reading at ang pinaka maganda dun e may PLUS POINTS ka sa subject na yun. Pero ayos lang! keri lang at di ko kailangan ng PLUS noh! *yabang!.

Nagtuloy tuloy ang ganung scenario hanggang dumating sa point na kailangan kong tumigil sa pagaaral!. Dahil nawalan ng trabaho ang aking ama sa Abroad at naging part time dump-truck driver sa isang construction firm. Hopeless na talaga ako nun! pero sabi nga sa kasabihan “KUNG GUSTO MAY PARAAN KUNG AYAW IPAGAWA MO SA KANILA MAY DAHILAN“. Dahil sa KAGUSTUHAN kong ipagpatuloy ang aking pagaaral naghanap ako ng PARAAN para ituloy ito. Sinubukan kong maging part time crew sa isang sikat na fast food chain, ngunit 3 araw lang ako duon dahil hindi rin kinaya ng katawang lupa ko!. waaaaaaaaa wala na talagang pagasa! pero hindi parin me sumuko at may nakausap akong isang kaklase ko na meron pang isang option yung program sa aming school na STUDENT LOAN PROGRAM(SLP). Dito sumikat ang STUDY NOW PAY LATER, na hanggang ngayon ay nagbabayad parin ako!. Pero atleast natuloy ang aking pagaaral at SEE? nakapagtapos pa!.

Dahil Dun mas bumaba pa ang aking baon umabot pa ng 75PESOS kada araw. Kaya ang diskarte ko pagdating sa tanghalian ay sumasabay na ako sa mga kaklase ko para kumain sa karinderya. Oorder ako ng HALF RICE tapos yung Free Sabaw na binibigay sa mga kaklase ko yun ang aking ULAM!. AT Pagdating sa bayaran sinasabay ko nalang sa kanila yung bayad ko sa HALF RICE.

Naranasan ko rin nung mga panahon na yun na ako ay ma-BUDOL BUDOL GANG!. Kinuha lahat! wallet na 50PESOS ang laman, cellphone na 3310 kakarag karag pa, bag at pati sumbrero ko ay pinatos, hindi sakin yun sa pinsan ko yun!! damn it! Tingin ko nga naluge pa silang i-BUDOL ako kasi wala talaga silang makukuha sakin.. Siguro ang pinaka-mahal kong gamit na nakuha e yung PROGRAMABLE CALCULATOR! na hindi rin sakin hiniram ko lang din T_T…

Dito naranasan kong BUMAGSAK NG ISANG SUBJECT. Ang dahilan?? WALA AKONG PERANG PAMPA-PHOTO COPY NG MGA PAPERS. Napakababaw na dahilan diba?! SInabi ko nun sa prof ko na si NAGLALAKAD-NA-ETITS na..

Ako: Sir baka pwedeng bukas nalang ako magpapaphoto copy kasi la na me pera eh.

ETITS: ay hindi pwede kailangang isang kopyahan lang.

Ako: e sir anong magagawa ko kung wala po akong pampaphoto copy, mapipilit ko ba ang sarili ko??

ETITS: *MATAAS NA ANG BOSES…. Hindi kita pinilit kung ayaw mo wag mong kopyahin! blah blah blah

At yan ang dahil kung bakit nya ako binagsak. TAKE NOTE: Basic Economics lang yung subject! computation lang ng mga tax! ibabagsak ko pa ba yun!!! walang sinabi sa mga iba ko pang subject like ADVANCE ENGINEERING MATHEMATICS, DIFFERENTIAL EQUATION o NUMERICAL METHOS! lahat ng yun puro major subjects ko at lahat pinasa ko BASIC ECONOMICS ibabagsak ko pa?? Hinayaan ko nalang at niretake ko nalang yung subject mahirap makipagdiscussion sa UTAK-TITE!.

Hanggang sa naging Junior at senior na ako sa school namin. Dito mas naging malala ang situation dahil mas maraming project at mas maraming gastos ang naging nangyari. Naging president din ako ng School ORG. namin kaya dagdag pasakit na rin sakin yun. Pero sa awa naman ni lord e nagkaroon na rin si papa ng Trabaho.

Dito rin pumapasok ang tinatawag kong DISKARTENG ENGINEER!. Pag may kailangang kameng project as a group syempre kailangan ng contribution para makabili ng mga materials ako na mismo nagsusuggest na ako nalang ang gagawa nung project namin! sila nang bahala sa financial. Dito ako naging masaya dahil bukod sa natututo na ako ay nagkakaroon pa ako ng pera lalo kung sumosobra yung contribution yun na yung pinaka bayad nila sa akin. SUCCESSFUL din dahil halos lahat ng project namin ay napapagana ko at minsa pa nga e kame lang yung groupong nakakapagpagana ng mga project. SUMA-SIDE LINE din ako lalo na kung na ngangamote yung kabilang grupo at kahit ilang beses na nilang ulit ulitin yung project ay hindi nila napapagana. Ako na mismo ang nagPRI-PRISINTANG gumawa basta wag lang nilang sasabihin sa PROF. namin at babayaran nila ang serbisyo ko! oha? Yan ang DISKARTENG ENGINEER!

Isa pang diskarteng ginagawa namin lalo na kung may magbe-birthday sa tropa ay yung pagsali sa mga school activity at programs! katulad ng mga singing contest, dota tournament, Quiz BEe at kung ano ano pang program na mayroon cash prize. Hindi man namin makuha ang grand prize pumapasok parin kame sa mga places minsan e 2nd place o third place meron parin namang cash price yun. Pagkatapos ng program, pagtutumpok tumpukin namin yung mga nalikom naming mga pera ay yun ang aming pinaka budget for celebration!! astig diba?

Lahat lahat hindi naman naging totally disaster ang aking college life.. Meron din kameng happenings at MADALAS GAMITIN ANG DISKARTENG ENGINEER!.

Marami rin akong natutunan bukod sa mga ACADEMICs e meron ding morals.

WAG kang susuko! kakayanin kahit ano pa mang pagsubok!! Gagawa at gagawa ng paraan para mapagtagumpayan kung ano man ang iyong mithiin! kaya yan! Nandyan si GOD para bantayan at gabayan ka! nasa kanya ang awa nasa saiyo ang gawa!

MANIWALA KA!

Kaya nuon hanggang ngayon kung meron akong kakilalang sinasayang ang kanilang Privilege na makapagaral… Pinepektusan ko ang ulo para magising! dahil sinasayan nya ang ORAS at pagkakataon…

Ikaw?? uliran ka ba o Gusto mong mapektusan? sagot!!!!!

Comments
  1. Jepoy says:

    Pinasisikat mo nanaman ako brader kakahiya much…

    Ikaw na ang nag papagana ng prototype ng may prototype! ikaw na ang wizard! ikaw naaaa!!!

    Pero tama ka sarap pektusan ng mga may pangaral pero hindi naman nag aaral, yung mga kumpleto ang resources tapos hindi naman nag aaral. Samantalang tayo salat na salat sa resources eh, sa awa ni Papa Jesas nakatapos naman at may malinis na werk. Ikaw nga lang eh, milyones ang kita ako centimos lang. Yown lang! Bow!

    • Poldo says:

      Hindi naman bossing naiinspired lang talaga ako dun sa mga kwento kaya in-acknowledge ko narin kayo dito wahihihihi..

      MIlyones ka dyan! tamang tama lang para ikamuhay ng aking pamilya hehehe..

      salamat bossing jepoy!

  2. glentot says:

    Haizt akala ko sukdulan na ang inabot kong challenges nung college mas malaki pala yung challenges mo, tingin ko talagang tatambling akong nluhaan kung babagsak ako sa isang subject nang dahil lang sa isang putanginang photocopy, ipagsisigawan ko talaga sa dean’s office yun hanggang sa makarating sa kay Father President at Santo Papa.

    Kaya sa mga nagsasayang ng pera at panahon well well well mga magiging anak nila ang magdudusa.

    • Poldo says:

      TAma! sinubukan ko yang sinasabi mo bossing.. pumunta rin kame ng deans office.. hutaena talaga. yung kaklase kong once in a blue moon lang kung pumasok pumasa ako lagpak! kaso wala eh… kukupal kupal din yung nasa itaas.. gusto ngang sagasaan ng tiyuhin ko e.. pak!

      salamat bossing glentot!

  3. khanto says:

    grabe ang mga diskarte. wais.
    ๐Ÿ˜€

    pero pang-asar ung mga teacher na ginagawang mandatory ang photocopy. E pede naman photocopy muna ang isa sa kaklase tapos makiki-photocopy ka ng photocopy.

    • Poldo says:

      Kailangan ng ganun klaseng diskarte bossing kundi mapipilitang maghanap ng pera and worst is magagamit ko pa ang katawan ko wahahahaha.. j/k

      Yun din ang sinabi ko sa prof ko.. pwede ko rin namang kopyahin yung sa kaklase ko kaso bunganga na nya yung dumadagundong dun sa loob ng room namin kaya di na ako nakasingit pa.. tsk…

  4. taribong says:

    haha ayos ah. noong kolehiyo ako sa Baguio, naglalakad ako pauwi mula eskuwelahan hanggang boarding house (apat na kilometro rin siguro yun) buti panggabi ako, walang nakakapansin. Buti at natanggap ako sa isang opisina katulad dun sa kinukuha ko, may sariling library kaya hindi na ako nagpo-photocopy ng mga materials. Sarap balikan ang college life… Mantakin mo, nakayanan natin lahat ng yun. hehhehee Salamat sa pagbabahagi.๐Ÿ˜€

    • Poldo says:

      Pagkinukwento ko nga yan sa mga kaibigan ko hindi sila naniniwala! sarap pektusan ang mukha naknamputsa anong akala nila sarap ng buhay ko nung college? masarap lang ako pero yung buhay ko hindi wahihihihi..

      salamat taribong sa pagbasa..๐Ÿ™‚

  5. karen says:

    pinahanga mo naman ako. matalino na madiskarte pa.

    sakit naman nun, dahil lang sa pestenng photocopy bumagsak ka! utak etits talaga. sarap tuliin (ang panget ng choice of word hehe)

    at natawa naman ako sa budol-budol gang experience mo. hahaha

    • Poldo says:

      Madiskarte lang po ako di ako matalino.. siguro matalinaw wahihihihi..

      uu nga talagang nanlumo ako nung nakakita ako nung singko sa grade slip ko… kahit yung mga kaklase ko di makapanaiwala pero aus lang ganuntalaga ang buhay.. tsk…

      Dun sa budol budol.. parang ako yung naawa sakanila kasi sa eport nilang i-budol ako e wala naman silang mahihita sakin… tsk…

      salamat karen๐Ÿ™‚

  6. Yow says:

    Shet. Solid na pagsubok ang college life mo. Haha.
    Bukod akong pinagpala pa pala ngayon sa buhay kolehiyo ko at akala ko eh mahirap na yung nadadanas ko. Nabasa ko din yung kay sir jepoy. Ayos. Ang galing niyo,
    Nakakabilib. Pero ganyan din daw dinanas ng mga kapatid kong nakakatanda para makatapos eh. Kaya dapat palakpakan ang mga taong nagsusumikap makatapos. Bravo!

    • Poldo says:

      hahaha solid ba?? parang feeling ko pangwasak yun eh.. tsk
      tama ka kaya wag mong sasayangin yang pagpapala sayo dahil maraming naghahanap ng ganyan wahihihihi..

      salamat yow!

  7. berdengkamalayan says:

    nakakarelate habang nagbabasa parang ako lang yung nasa kwento hahaha engineer version nga lang to sir, may mga pagkakaiba ng unti lalo ang katalinuhan hahaha..di ko rin naranasan ang budol budol pero madalas akong saksi sa dukutan at laslasan ng bag sa jeep at ordinaryong bus na byaheng las pinas. Siguro dahil na rin sa madalas akong napagkakamalang isang mandurokot kaya naasiwa sakin ang mga halang ang bituka na gawin nila sakin yun hahaha

    • Poldo says:

      wag mo nang pangarapin bossing mabudol dahil ang sakit sa bangs.. kaya siguro nang yari sakin yun akala nila anak ng dugong bughaw si ako.. yun ang akala nila… isa lang akong manglulupa…

      salamat bossing!

  8. gerg_gerg says:

    naks uliran,yiheee! ikaw na!hahaha….

  9. Jag says:

    Patawa pero inspiring ang post na ito…Kung ano ka man ngayon, you deserved it…nakaka-proud!

    Ask ko lang yung criteria ng Econ Prof mo ay ganito ba?

    95% – Good manners and right conduct
    5% – Acads
    Passing: 75%

    Kaya ka siguro binagsak kasi sinagot sagot mo ang prof mo. Perfect ka man sa acads eh 5 % lang yun hahaha…Jokeness!

    Kampai Engineer!

    • Poldo says:

      Yan nga rin yung napagisipan ko e siguro Values teacher talaga sya hindi pang BA…
      Kupal talagang naglalakad-na-tite na yun…
      *update lang DEAN na pala yun ngayun wahahahaha futah lakas sumipsip sa nakakataas!…

      Kampai engibeers!!! hehehe.. salamat jag!

  10. Unni says:

    ikaw na ang dakila at madiskarteng engineer~
    wow hangga naman ako sa diskarte mo,,,speechless ako saglit sa mga naranasan,,
    at hayuf yang prof mo dahil lng sa photocopy eh binagsak ka sus ako un susumbong ko sa dean bwahaah,,,laban kung laban pero tapos na ok na wala ng gyera nyahaha..kasi sya na ang dean dba?lols~adik cya,,

    sus kung klasmyt tau didikit ako sa iyo ikaw na ang magpapagana ng project na di kaya ng ibang group lols~~

    idol na kita POLDO ahihi~~~,,,,

    • Poldo says:

      kung naging magklasmate tayo lalayo ako sayo baka mabaliw din ako!
      hihihi

      Joke lang unni!

      Nakakatuwa nga kasi di ko lubos akalain na nangyari pala sakin yan.. tsk.. kala ko sa telenovela lang wahahahaha..

      salamat sa pagbasa unni hayaan mo IDOL din kita hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s