Seafoods night!

Posted: August 22, 2010 in Uncategorized

Isa sa mga namimiss ng mga pinoy dito sa abroad ang mga pagkain natural na pinoy. Mahihilig kasi tayong kumain kahit simpleng tuyo at sinangag at may sukang may sila whew! drooling na!.

Sa araw araw na ginawa ni allah(god of muslim) e puros baka, manok, BUffalo at tupa ang aming nilalapang. HIndi pa ganun kasarap dahil karaniwang PACHAM ang pagkaluto as in pachamba lang!.

Kaya naman napagpasyahan ng mga kasamahan ko dito na magkaroon ng simpleng dinner partey na puros seafoods lang ang mga putahe. MInsan lang naman ito kaya itinodo na namin.

Charan! mga Inihaw at piniritong Isda!

Nung nasa pinas pa ako at di pa ako nakakarating dito. HIndi ako masyadong pala kain ng Isda mas gugustuhin ko pang ulamin ang 2 lucky me may kasamang hardboiled egg kesa sa fish. Idagdag pa ang ulam na gawa ni mama tulad ng  Longganisa, Tosino at kung ano ano pang putaheng gawa sa baboy! (kaya laging highblood).

Kaya nung dumating ako dito di ko aakalaing maski galung gong! hinahanap hanap ko!…

Kinilaw na isda

Hindi ako kumakain neto. Di ko keri kumain ng hilaw na isda eh…

Attack!!!! sinimulan na ang paglamon!

Sinigang na hipon at sinabawan na isda! whew sarap!

Ihawan!

Si manang Mang-iihaw! bilisan mo dyan paubos na yung paglamon sa loob!

At dahil Diet ako kailangan konti lang ang kainin! masyado nanaman tumataba! gumaganown!!!!

Ayos sa shade! coutesy of RAY BANG!

THis guy in love with you pare!!!!

Ayos naman yung nangyari nung gabing yun… Naging masaya rin kahit papano at naibsan ng konting konti ang aming pagkahomesick sa pagkain(meron bang ganun?)

Nakakainis lang dahil kinabukasan NAGKASIPON ME! SHET! hanggang ngayon hirap huming.

dem et!

Yan lang pow muna!

Comments
  1. karen says:

    sir poldo, asan ka ba sa picture?

    btw, ayoko din ng fishda. pero siguro kapag nasa ibang lugar na din ako, hahanap-hanapin ko din mga ganyang pagkain. pero sa ngayon, ayoko. ahehehe

    • Poldo says:

      waaaaaaaa wak mo na po akong tawaging ser! cge babaguhin ko na yung name mo sa list ko hehehehe…

      Ako po yung nakasalamin hehehe.. yung naka-blue na jersey..

      Yan din yung nakasanayan ko dyan dati talagang di ako masyadong palakain ng isda.. pero im sure pag nagibang bansa ka hahanap hanapin mo ang lasa ng galung gong hehehehe..

      salamat karen🙂

  2. Unni says:

    waahhh I love kinilaw~
    ako kahit araw arawin ng isda haha,,,nakakabata kaya ng fesssss pag lagi ikaw nakain ng isda🙂

    teka nga pala bakit di pinakita sus kahit naman di dinrowingan ang fessss eh d rin makikita dahil naka shades~~haha~~

    morning here Poldo

    have a nice day to yah!

    • Poldo says:

      AHA! yan pala sikreto mo kaya ganyan ang fess mu ha.. hmmmmmm masubukan nga wahihihihi

      ang kyot kyot kaya ng mga drawings pangOBRAmaestra! LOL

      good morning unni!🙂

  3. karen says:

    talagang binago mo na yung name ko sa list mo sir poldo este kuya paul. in fairness, mukhang gwapo ka pa rin kahit ginanyan mo picture mo haha. sana hindi mo na nilagyan ng shades. gusto ko masilayan ang mga mata mo eh🙂

    • Poldo says:

      waaaaa wak mo na akong kuyahin.. 23 palang ako hindi lang halata hehehe..pero sige na nga kesa naman sa sir diba?? hehehe..

      hahahaha.. nahihiya na tuloy ako.. hindi gwapo yan.. kamukha ni shrek yan.. tapos yung mata magkaiba yung direction kaya pag tiningnan mo malilito ka kung kanino ako nakatingin hihihi..

      kailangan baguhin yung name kasi sini-sir mo ko eh.. wahihihi..

      salamat sa pagbalik karen🙂

  4. Yow says:

    Wow. Kahit ako na andine sa Pinas parang namimiss magseafood party eh.
    Ang sarap ng sinigang na hipon o buttered hipon tsaka yung pusit na inihaw. Tsaka inihaw na bangus tsaka tsaka. Ang dami ko pala nasabi. Hops na. Haha. Penge.

    Sya nga naman. Sang gawi ka ba nasa picture? Ikaw ba Koyang yung laging may sungay? Nice look. Natural na natural. Haha.

    • Poldo says:

      sige mangInggit ka pa! LOL
      Yung pamatay dyan e yung INihaw na pusit! wow mouthwatering talaga…

      hahaha uu ako yung may sungay fit na fit noh?? halatang katrantaduhan lang ang nalalaman???😀

      ikaw na ang may halo sa bunbunan ikaw na!! LOL

      salamat yow

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s