Babaero ako!

Posted: August 23, 2010 in Uncategorized

OO inaamin ko! babaero po ako! mahilig ako sa mga babae! lalo na yung mga bata. Madali akong magmahal at mahulog ang loob sa kanila. Sila ang pinaka magandang nilalang na ginawa ng dyos para sa mga katulad kong babaero!

Opps! teka mali ang iniisip nyo! HIndi yung literal na babaero na nangloloko ng mga babae. Mahilig po ako sa mga babae but not into a mutual relationship! Mahilig akong makihalubilo o makipagtropa sa kanila. Inaamin ko mas feel kong makipagkaibigan sa kanila kumpara sa mga lalaki (kaya napapagkamalang bading)

Dun naman sa nasabi kong batang babae. Mahilig kasi akong magalaga ng mga bata lalo na yung mga babae, Dahil narin siguro sa wala akong naging kapatid na babae kaya ganun.

Mas malapit din ang loob ko sa mama ko kumpara sa papa ko. Gayun din pagdating sa mga relatives namin. Mas ka-close ko pa yung mga tita, lola at mga pamangkin kong babae kumpara sa mga lalaki kong relatives.

Yung mga friends ko nung High school e halos mga babae, siguro 3 lang kameng lalake nun then the rest puros babae at feeling babae na.. Masaya kasi silang kasama although masaya rin katropa ang mga lalaki, pero mas at ease ako sa mga babae.  Hindi ko alam siguro may pagkapusong babae rin ako at naiintindihan ko sila(BADING!!!).

Mga kaugalian ng mga babae na gustong gusto ko..

  1. Karaniwang magaling magluto. Dahil sa mahilig akong kumain plus points kung magaling magluto si GIRL FRIEND
  2. Pwedeng kausapin heart to heart. Dahil sa natural sa mga babae ang pagkapusong mamon pwede mo silang kausapin lalo na kung may problema ka. *dadagdagan lang nila LOL
  3. Madaling utuin! wag kang umangal totoo yan wahahahaha joke lang..
  4. Laging nandyan para sayo wag lang kung may BF na sya dahil echapwera ka na.
  5. Masarap manlambing kaso masakit din sa bangs kung meron silang PMS(pre-marital sex???)

Pagdating ng college hindi na ako masyado nakakapaghalubilo sa mga friends kong babae nung HS siguro busy na rin.  Sa klase namin nung college naman e 3 lang yung babae astang lalaki pa. tsk tsk… Kaya naman e nakasanayan ko narin trumopa sa mga lalaki ang problema nga lang mga pusong babae din ang mga FUtah… Malalandi pa nga kesa sa mga tunay na babae. Kung magharutan ganun ganun nalang. ANg pinaka malala dun e nagPUPULBO pa ng PONDS facial POWDER WTF mga BEKI pala yung mga tropa ko wahahaha.. Pero syempre joke joke lang. Mga literal na babaero yung mga yun pero mababait.

Anyweis kaya minsan namimiss interpret ng iba yung pagiging malapit ko sa babae. May sinasabi na BADING DAW AKO, Playboy o mahilig mambabae. Pero mali sila friendly lng talaga ako lalo sa mga tulad nila..

Yun lang pow muna…

Comments
  1. Jepoy says:

    There is a thin line between being friendly and flirt😀 Tingin ko naman friendly ka lang😀

    • glentot says:

      Tingin ko magugustuhan mong maging friend si Khikhi dahil magaling syang magluto. Kung anong idedeclare nyang iluluto, halimbawa “Champorado”, asahan mo nang hindi champorado ang resulta.

      • Poldo says:

        hahahaha.. IDOL ko si khikhi!!! pak parang cooking master pala si khikhi… or should i say pooking master LOL

        viva khikhista!!!

        salamat bossing glentot!

    • Poldo says:

      tAMA! pag nakikipagflirt ako isa lang ang ginagawa ko sinisilipan yung gurlets… JOwk lang …

      salamat po bossing jepoy!😀

  2. khanto says:

    Laging nandyan para sayo wag lang kung may BF na sya dahil echapwera ka na.— so true!

    • Poldo says:

      Nararamdaman ko at na-sesense ng betlog ko nangyari sayo yan bossing khanto! hehehehe..

      totoo yan! magaling sila pag wala silang jowa pero pag meron nang papa minsan lang magparamdam yun e may problema sa relasyon nila hehehehe..

      salamat bossing!

  3. benh says:

    Waaahhh!! parehas tayong malapit sa babae pre.. Pero hindi ako babaero. masarap kasing kakulitan mga babae and tama ka, pwede mong makausap ng heart to heart.. pag mga kabarkada mo kasing lalaki, ang laging hirit… iinom na natin yan!!! haha! Isa lang ayaw ko sa mga babae… ung iba plastic! Sa lalaki kasi walang plastic puro yabang kasi.. db db??

    • Poldo says:

      Tama!!
      sarap kulitin ang mga babae lalo na pag napipikon na wahihihihihi… tapos pag may problema ka sinabi mo sa kapwa mo lalaki e isusuggest pa “eto blade pa kamatay ka na!” LOL

      salamat benh!

  4. Dorm Boy says:

    mahilig ka pala sa mga girls gya ko… hehehe! Astig sana dumami pang girl- friends mo!

  5. Drake says:

    malandi ka lang! Yun yon pre! Hahahhaha!

    Ako din marami din namang kaibigang babae, hindi sila magaganda. Pero ang kinatutuwa ko sa kanila…….matatalino sila (kaya may kakopyahan ako sa exam)

    ingat

    • Poldo says:

      sssssssshhhhhsssssssss!! wag kang maingay bossing! ginagaya ko lang naman ang mga tactics mo eh… Diba yun yung tinuro mo sakin dati?? *CLose?? hehehe

      salamat bossing drake!

  6. karen says:

    madaling utuin pala hah… sakit naman nun.. parang natamaan ako. awtzz hehe joke lang. siguro hindi ako babae, hindi kasi ako magaling magluto… pero the rest of the list check lahat…

    • Poldo says:

      hehehe.. hindi ko naman nilalahat noh hehehe.. tsaka plus points lang naman yung pagluluto.. kung di ka marunong magluto edi ako magluluto para sayo.. Mga pinirito nga lang at sinangag.. heheh

      at dahil lahat ay check sayo.. pwede ba close na tayo??? *LANDE lang hehehe

      salamat karen🙂

  7. artiemous says:

    nakikidalaw, nakikibasa at nakakarelate sa kwentong babaero….😀

  8. Unni says:

    naks ako lalakero bwhaahha,,joke lng~~
    ako mas gusto kong makipagfren sa mga lalake di kasi maarte gaya ng ibang girls hahaha,,
    POLDO di mo ako madaling mauuto bwhaha,,godluck sa iyo lols~hehhe jokes
    sus lambing ba yan o landi?hahahaa..

    • Poldo says:

      UU nga halata nga Unni na lalakero ka wahahaha jokes….
      Tama ka di maarte pero malakas din mambasag ng trip hehehehe…

      owssss.. di kita mauuto?? pramis??? hehehe ok payn ikaw na ang hindi madaling utuin😀

      salamat unni!

      • Unni says:

        yun nga lang malakas mambasag ng trip syempre may resbak ako dun pag binasag nu trip ko bwahaha,,jokes lng,,,talagang nang gulo ako dito haha…
        pero pag nabigyan moko ng fave kong bagay mauuto mo na ako hahaha,,

  9. xprosaic says:

    Malapit din ako sa babae lalo na kapag gusto mo makipagmushy mushy sa kanila ayos lang kahit magkaholding hands pa kayo at iba pa na wala naman kayong relasyon… basta ba pagdating ng bf nila magpagap muna ng konti at baka mamisinterpret…lolz

    • Poldo says:

      anu yung mushy mushy?? nacurious tuloy ako wahahaha..
      tama pwedeng makipagholding hands tapos akbayan minsan yakapan *chansing?? LOL

      Maraming salamat bossing xprosaic (*damn hirap bigkasin!) sa pagbasa!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s