What a days!

Posted: August 25, 2010 in Uncategorized

August 23,2010

Hindi na siguro lingid sa ating kaalaman yung nangyari na hostage crisis sa pinas nung nakaraang araw! Naging maaksyon at madugo ang kinalabasan ng trahedyang ito. Nakakalungkot dahil karamihan sa mga biktimang Chinese national ay sinawing palad, at ang mga nakaligtas ay mayroon paring trauma sa mga naganap. Malamang sa malamang! makakaapekto rin ito sa ating bansa pati narin sa mga manggagawang pinoy at Domestic helper sa HOngkong (bansa ng mga turistang pumunta sa pilipinas) kung saan ang mga tao duon ay humihingi ng hustisya sa nangyaring trahedya..

Marami nang naglabasan na mga sulatin at mga kuro kuro tungkol dito…. Sino ang dapat sisihin?? ano ang dapat ginawa?? kulang sa ganito, kulang sa ganyan!. At kung ano ano pa! Pero Nangyari na ang nangyari! Maraming sisihan! Maraming salitaan! Ginagawan na ng Paraan ngunit iisa lang ang kinalabasan! PILIPINAS HEADLINE NANAMAN!!

Moving ON!

August 24,2010

Sabi nga nila kung may panget na pangyayari meron ding MAGANDA napaka ganda. Ito ay ang pagkapasok sa top 4 ng Miss Universe pagent ang aking personal INDAY na si Venus Raj! Hindi ko sana sya pasasalihin dun sa nasabing patimpalak dahil malamang ay liliban nanaman sya sa kanyang mga gawain!. Pinayagan ko nalang din ang hilig ni INDAY total yun lang naman ang kanyang libangan! (Hindi masama mangarap in MAJOR MAJOR WAY DIBA??)

OK na rin dahil nakapasok sya sa top 4.. Pero sayang konti nalang un! matagal tagal na ring panahon na hindi nakokoronahan ang pilipinas bilang Miss Universe.. Kailangan pa bang hintayin ang magiging anak ko para makuha lang yung korona?!(Panu kaya kung lalaki magiging anak ko?? HUMAYGAWD!).

Anyways…

CONGRATULATION Miss Maria Venus Raj

Umuwi ka na dito inday at pagsilbihan mo na ako ok?? mahal na kita LOL

To Miss Mexico congratution!!! Babawi nalang kame sa Boxing!

Ngayon araw..

Wala namang malaking pangyayaring naganap ngayong araw bukod sa kaliwat kanang balita tungkol sa nagdaan na araw. Pero big event ito para sakin dahil birthday ng isa sa mga pinakaImportanteng tao sa buhay ko… Isa sa mga BABAE ko… (diba nga babaero ako?) ang aking INA!….

Maligayang kaarawan mama-ku-day! Mahal na mahal po kita!

Comments
  1. berdengkamalayan says:

    move on and let go sa mga nangyari magsilbing aral sana at walang sisihan ay hugas kamay

    anyways,
    Magkabirthday ang nanay mo at utol ko bossing maligayang kaarawan sa iyong mahal na nanay!

    • Poldo says:

      Tama! ang kaso hindi ganun kadali sa mga chinese ang ganun bossing.. malamang sa malamang mapagbuntunan ng galit ng mga yun ang mga DH at mga OFW dun.. tsk tsdk..

      Salamat! at happy berday sa Utol mo! cheers!

  2. karen says:

    kasexy naman ng inday mo… hehe, kaya pala mahal mo na.

    happy birthday to your mother๐Ÿ™‚

  3. Jepoy says:

    Sana makita ko si Venus sa room ko na naka swim suit hihihihi

    happy birthday sa iyong mahal na mudrax!!! ano gift mo?

    • Poldo says:

      Hayaan mo bossing jepoy, KUng sakaling mabakante sya sa mga gawain nya.. papupuntahin ko sya dyan right away nang naka-swim suit…

      Salamat bossing jepoy.. sa ngayon pagmamahal lang muna ang maibibigay kong gift! malayo kasi eh..

  4. khanto says:

    habertdei sa mama mo. sana ganyan din ang inday sa bahay :p

  5. goyo says:

    Happy birthday kay mama mo..๐Ÿ™‚

  6. Unni says:

    major major major major hahahaa……
    major morning greeting sau poldo~
    pls say major2x happy bday to yah mommie~~
    sus naiingit ako sa major major sexy body ni inday oh ahihi~~

    • Poldo says:

      Sure im gonna say the major major greetings of yours Unnie naks!
      Wag kang mainggit dahil hampas lupa lang naman sya ok??? *nababaliw nanaman ako.. LOLs

      salamat UNNIE!

  7. Drake says:

    Happy birthday sa iyong nanay!

    Naks, kahit malayo talagang maraming balita sa pinas!hehhee

    Pati isyu sa Miss Universe di pinatawad hehehe!

    Lapit na Eid Brod….. kaya HAPPY EID!!! Ako sa bahay lang at magpapalaki pang lalo ng kwan!hahahha! Syet boring sa Saudi!

    Ingat

    • Poldo says:

      SAlamat bossing drake!
      kailangang Updated para di mapagiwanan in major major things!

      UU nga eh happy Eid bossing.. punta ka dito Iba naman ang papakihin mo! maskels naman! hehehe

      salamat agen sir drake!

  8. Jag says:

    kaya ikaw wag kang mag amok jan ha…maawa ka wag mo ng dagdagan ang problema ng Pilipinas.LOL…

    Hangsweet mo palang anak. happy birthday sa nanay mo hehehe…

    Ingat!~

    • Poldo says:

      wag kang magalala pare koy… hinding hindi mangyayari yun.. ikaw nga tong inaalala ko baka pag inatake ka ng sakit mo lalo na pag di ka naiinjectionan e daig pa dyan ang mga nagagawa mo kaya kailangan extra care ha.. Jokes! LOL

      salamat Jag!

  9. drake_kula says:

    subukan kong punta dyan sa UAE sa next Eid mga November yun) kung may pera ako. Punta ako Dubai para makatikim ng Russian este ng alak pala dahil alam mo na pinagbabawal ang pambabae este paginom ng alak dito!whahaha!

    Punta rin ako ng Abu dhabi dahil nandyan ang Tita at mga pinsan ko, tagal na akongn niyaya nun eh! At imeet ko na rin kayo ni Ayie. Kaya manlibre ka tae ka!

    Ang lahat ng plano na yan at base sa availability ng funds ko, ngayon kung willing kang magpahiram.Eh Shokran kateer!

    Ingat pre

    • Poldo says:

      Tama! Eid nga ng november dito.. basta update lang para makajoin sa gathering nyo… at kung dun sa panglilibre.. iKaw ang mayaman dyan kaya pagpunta mo dito ilibre mo kame howkei!

      salamat bossing kita kits nalang dito.. yahoo!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s