Ang probinsyano

Posted: August 28, 2010 in Uncategorized

Kahapon ay nagday-OFf ako… Kailangang paminsan minsan ay pagpahingahin ang sarili hindi puro trabaho nalang. Kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon iyon upang lumuwas ng Syudad! Opo LUmuwas (na parang galing probinsya lang).. At exactly 232KM away from the city (uminglish lang!) it takes 2 1/2 hour para ma-reach ang PInaka city which was the capital city of this country (hinabaan pa ang pageenglish). Base kay Google earth malapit na sa pinakaboundary ng SAUDI ARABIA, QATAR at BAHRAIN ang location namin. Kaya no wonder kung sakaling may mga terroristang magbackdoor attack, lugar namen kagad ang maswerteng tatamaan!..

Kahit na alam naming Ramadan parin hanggang ngayon at walang makakakainan duon ay itunuloy parin namin bahala nanaman si batman para dun. If there’s a will there’s SMITH (corny amf)..After 2 1/2 hours of travelling sa sobrang habang desyerto e narating din namin ang syudad! daming Building! sosyal! dami ring tao! daming chicka babes! whew! ibang iba sa mala impyernong disyertong kinalalagyan namin.

Habang nasa bus palang kame e nagusap usap muna ang grupo kung saan nila balak KUMAIN! talagang pagkain kagad ang pinaguusapan dhil pahirapan talaga or should I say walang makakainan! may mga nag-suggest na Plan A. SA CR NALANG!! Quikie??.. meron ding Plan B. hanap nalang ng lugar na tago! pero hopeless talaga.. si batman na lang talaga ang pagasa!. Pero syempre hindi sumuko si poldo! at Plan C. ay bumili ng makakain sa supah market at duon nalang sa bus mananghalian! ng 4PM. ang sarap ng tanghalian noh? parang miryenda lang..

So eto na nga excited nang Gumulong gulong at mapa-cartwheel ng 5 times sa ciudad… Dinagdagan pa ang kasiyahan ko nung nagtext si mama na PUMASA sa NURSING LICENSURE EXAM ang utol ko! ang saya!!! at talagang napatalon pa ako sa kinauupuan ko nung mabasa ko yun! Nagbunga rin yung isa sa mga pinaghihirapan namin ni papa!… SUccess!! madadagdagan nanaman ang mga tambay sa pinas jowk..

Pababa na kame ng Company bus e sinabi ng isa kong kasamahan na kung pwede e magsimba muna kame. Nagtaka ako kala ko kung anong simbahan yung sinasabi nya. Yun pala e meron talagang catholic church dito. Hindi narin ako nabigla dito kasi meron din namang Born again fellowship dun sa lugar namin kaya Keber lang at sumama na rin ako para makapagbawas ng konting kasalanan. Para kung sakaling madagdagan e merong pang space.

Taimtim nagdasal at pasasalamat, nakinig kay father at yun nakapagsimba na ako, malinis ule ang heart pwede nang dumihan ule.. Duon narin kame kumain kaso tinapay na may palaman na corned beef lang. Pero pasalamat parin kahit papano at least nakakain na..

So ayos na at pwede nang magliwaliw, una naming pinuntahan e yung isa sa mga pinakasikat(dahil yun lang yung bukas) na mall dito. Tingin tingin lang yung mga kasamahan ko e nagpadala narin ng remittance sa kani kanilang pamilya. Ako yun cute parin at tamang tingin lang, window shopping lang la na kasing money.

As we expected bumaho ang hininga namin dahil sa gutom! wala talangang matagpuang lugar pa makapagquikie(ng pagkain). Pumunta kame sa food court wala talaga. Pero meron kameng naispatang grupo ng mga pinoy na pasimpleng sumusubo sa kanilang baon. Parang mga adik kung tumingin sa palagid baka may makakita.

Ang hirap palang talaga pagramadan dito sa City lalo pa kung wala kang kakilalang may sariling bahay para dun kumain. Ang kinalabasan??? Sa Service bus kame kumain. POtek wala pang 5mins. naubos kagad yung inorder naming filipino food.

HIndi halatang patay gutom! LITERALLY patay dahil sa gutom!

Yun lang po muna! happy weekend๐Ÿ™‚

Comments
  1. taribong says:

    Congrats sa utol mo! Pati na rin sa iyo at sa iyong buong pamilya. Nawa^y manatili kang matatag diyan sa disyerto. Konting tiis lang, mairaraos din yan. Hehe

    • Poldo says:

      Maraming salamat bossing taribong…
      napakaganda naman ng iyong mensahe.. dahil dyan iaadd kita sa blogroll ko at susubay bayan ko ang iyong alingawngaw! now na!

      salamat ule bossing!

  2. karen says:

    woahw, congrats kay utol, and congrats din to me dahil RN na kami. ang saya!๐Ÿ˜€

    naalala ko last time nagpost ka about food. saganang sagana kayo nun ngayon naman scarcity. ahehe. kabaliktaran nito yun.

    • Poldo says:

      Tama! congrats Karen! isa ka nang ganap na NUrse! naks naman!๐Ÿ™‚

      Natawa ako dun ah! uu nga pala nung nagbarbeque night kame sagana tapos nung lumabas patay gutom na.. tsk..

      salamat karen! congrats ule๐Ÿ™‚

  3. Nakakatuwa kung ang pinaghihirapan ay nagbubunga. Congratulations!
    At ang hirap pala talaga kapag ramadan dyan. Hanep, krimen po ba talaga ang pagkain kapag may araw pa?

    • Poldo says:

      UU.. krimen maaari kang makulong kung sakaling mahuli ka.. and respeto narin kasi dapat yun sa mga nagaayuno sa kanilang paniniwala kaya yun…

      salamat bisiro sa pagbisita..๐Ÿ™‚

  4. goyo says:

    bohahaha. ganyan pala pag-ramadan dyan.. kongrats nga pala sa utol mong RN na.. sana kapatid ko din kapag nagboard makalusot sa NBE. Sana ako din palarin sa ECE Board Exam.๐Ÿ™‚

    • Poldo says:

      Dapat grumaduate ka muna bago ka magisip ng ganyan hehehe..

      kaya yan! sus! basta wag kalimutan ang mga basics pati si god… naks

      salamat goyo!

  5. jag says:

    atleast nktipid kayo. may lunch na, may meryenda pa lol…congrats sa utolskie mo hehehe…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s