Filipino Language Teacher

Posted: August 30, 2010 in Uncategorized

Filipino ang ating national language. Nagtataka ako bakit karaniwang sinasabi ng nakararami dito e pagtinanong kung ano ang pinaka mother language namin e sasabihin ay TAGALOG. Hindi ba ang TAGALOG ay isa lamang sa maraming dayalekto ng ating bansa? Nahahanay ito sa mga salita katulad ng Kapampangan (pampangga), Ilokano o panggalatok (Karaniwang sa ilocos) o bisaya (sa visayas region). Ang TAGALOG dialect ay karaniwang ginagamit sa lugar na katagalugan (Cavite, Bulacan, Laguna at iba pa). Pero dahil sa nakasanayan, nangyaring mas kilala pa ang tagalog na language ng mga filipino imbes na filipino language ng mga filipino. Ang gulo ba? kahit ako naguluhan eh.

Anyweis…

Napagtripan kong turuan ng wikang filipino or should i say TAgalog (kasi yun ang akala nila) ang isa sa mga bangali friends ko dito. Gusto rin kasi nyang matutunan ang wika namin para kung sakaling minumura na sya e alam nya may ipapakita nyang may alam din syang salitang pinoy.

Actually meron narin syang alam na mga wikang pinoy like yung mga basic na ‘kamusta ka’, ‘magandang umaga, tanghali, gabi’, at kung ano ano pang filipino greetings. TInuturuan rin pala sya nung isa kong kasamahang pinoy dito. In fact marunong pa syang mag tounge twister in filipino language like this.

miniminikaniko ni moniko ang minika ng manika ni monika… tama ba??.

Damn et! mas marunong ang ang kufal sa akin! I cant accept it! this means war!!! Pero Dahil sa natuwa ako e binigyan ko pa sya ng isa pang Tounge twister..

“Pitung put pitong puting tupa” 10 times

Mas maikli na yan pero talagang nakaka twist ng tounge. Hagalpak sa kakatawa yung mga kasamahan ko dito dahil talagang nagkakanda bulol bulol pa sya.

After that warm up(talagang may warm up pa amf) tinuruan ko narin ng mas maraming tagalog and heres our conversation (inspired by Master badudles.)

Miradost: Miradost(my friend) what are another terms for kamusta ka?
Poldo:        “Uzzzztaahh p0hWzZ Yu? ajejejejeje
Miradost: What was that?
Poldo:        Another term for ‘Kamusta ka’
Miradost: That’s sounds weird and so hard to pronounce, Is there another term for that?
Poldo: Ok, Here’s another one. “Mustakels mga beki?”
Miradost: Ahhh thats sounds much better!

Miradost: Ok next, how can you say in tagalog a bad words
Poldo: ahmmmm ‘Pak yu! bigtime’
Miradost: That was english language. Anyhow, What is tagalog for this “Where are you now?”
Poldo: ahhhh “Asan na ba u? dito na me..”

Miradost: how about “Lets take a picture.”
Poldo: ahhhh “tara mag-kodak-an tayo.

Miradost: ahhh i see ok this will be the last, How about ‘Finish, and thank you’
Poldo: that’s easy, you say ‘Salamat, Tang ina ka’

Miradost: ahhh… Ok… so, salamat, tang ina ka miradost
Poldo: -_-

Pwede na bang Filipino teacher??? HIndi?? ok payn kayo na ang Tunay na Filipino kayo na!!

SO ano ang pinakaLesson ng post ko na toh??? SUS edi wala! puro katarantaduhan lang! LOLs.

Pero seriously kahit na may mga pagkakaiba sa aming mga pananalita e nagkakaintindihan parin at nagagawa parin namin ang aming mga trabaho, Syempre dahil narin sa marunong magsalita ng iisang language which was english kaya nagkakaunawaan parin. Uso rin pala dito ang English-carabao at kalimitang itong nagagamit.

Pahirapan pa minsan lalo na kung hindi talaga marunong magenglish ang kausap mo, Mapapakamot ka nang ulo sabay OK ok Lang ang isasagot mo kahit hindi mo talaga naiintindihan ang pinagsasabi nya. Kaya kung ikaw ay isang Language critic! laging puno ang Lait boxes mo…

Yun lang muna masabi lang na buhay pa ang poldo!

Have a nice day🙂

Comments
  1. benh says:

    Pare ang lupit mo magturo.. pamatay! haha! maganda kang ehemplo ng mga susunod na titser natin.. hahahaha! Marami akong kaibigan na porenger dahil sa lintik na opis yan.. ang una naming tinuturo tlga eh mga filipino mura.. eh un din naman kasi una nilang tinatanong.. kaya ako, pag pumunta ko sa ibang bansa, un din aalamin ko kagad.. mahirap na.. :DD

  2. khanto says:

    wow! grabe…. matuturuan mo ng jejemon at bekimon ung kakilala mo.😀

  3. Unni says:

    kamusta na u?lols~
    adik turuan mo c mr kim ng tongue twister yung may L at R tignan mo mamimilipit dila ng krung2 lols~~~
    sus jejemon at bekimon ka pala ang adik~~hahahaa..

    Pero dahil sa nakasanayan, nangyaring mas kilala pa ang tagalog na language ng mga filipino imbes na filipino language ng mga filipino. Ang gulo ba? kahit ako naguluhan eh.~~hang gulo pwamis paki explain saglit sir jokes lng haahahah

    • Poldo says:

      Hala! kahit naman simpleng word lang e nahihirapan na.. Yung pangalan ko ngalang e hirap na silang banggitin… laging sinasabi PORA! shyet!

      Wag mo nang intindihin dahil ako din naguluhan eh wahahaha… salamat unni!

  4. gerg_gerg says:

    i can relate to his post.hanggang dito sa UAE dinala mo ang jejemon at bekimon fever ah.(maraming misspelled words sa post) peace. toinks!

    • Poldo says:

      Shyet! uu nga pala nasa abu dhabi ka nga pala ngayon! hahahaha.. Im sure nagtuturo ka rin ng mga useful words sa mga ibang lahi dyan! tama?!!

      Ikaw na ang Language/Word Critics ikaw na! LOLs… salamat sa pagpuna hayaan mo! magpapatuloy yan hihihihi…

      salamat bossing!

  5. karen says:

    hahaha adik🙂 Lesson: wag magpaturo kay sir poldo ng filipino language kung ayaw mong mapahamak hehe

  6. glentot says:

    Nung may mga nakilala akong Koreans dati pinagtuturuan ko sila agad ng mga mura. Ayun naayos bigila ang buhay nila.

    • Poldo says:

      Hahahaha.. May isang korean dito marunong magmura in filipino language…
      naging expression pa ng mokong na yun… sabi e “PUTANG INA AISSSHHHH(mura ng mga koreano”

  7. Yow says:

    Nakakamiss mag kanet. Shetnet.

    Ayus. Teacher na teacher ang datingan. Masarap nga magturo ng poreynjer magtagalog.
    Nakakatuwa. Mga pamangkin ko lang, kapag nakahiwalay kami sa nanay nila palihim naming tinuturuan ng ‘Tae mo bures’. Dugyot? Oo, kami yun. Dugyot. Haha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s