One day morning

Posted: September 2, 2010 in experience, Makapagblog lang :)

Di ko alam kung maganda lang talaga ang gising ko o sadyang HAPPY lang ang Morning. Kahit na alanganing oras na yung pagtayo ko galing sa pagkakahimlay at mabilisang gawain para di ma-late e sadyang napaka gaan ng pakiramdam ko. Napakabisa palang talagang BOLAHIN ang SARILI pagkagising na pagkagising palang. Nakakabuo ng UMAGA.

Alam ko namang marami akong gagawin ngayong araw na ito bukod sa panonood ng movies at paglalaro ng PVZ sa opis dito sa opisina. OO busy busy-han kuno ang lolo nyo, maraming gawain pero nakuha pang magbloghop at magpost ng bagong ENTRY. Nung isang araw pa ako nagaabang ng mga bagong post ng mga sinusundan kong mga blog pero wala parin hanggang kagabi kaya nalungkot ako ng konti lang naman. Kaya iba ang dating ngayong araw kasi madaming nagupdate at meron na ule akong mababasa!..

Ang daming kailangang tapusin! eto rin kasi ang gusto ko, Yung tipong di ko mamamalayan ang oras at mabilis matatapos ang araw. Tamang way para makaIWAS narin SIGURO sa HOMESEXSICK.

Napaka gaan at napaka aliwalas ng umaga! ganado sa lahat ng bagay. Full of energy at positive vibes sana magtuloy tuloy pa!..

MInsan lang mangyari sa akin toh kaya aabusuhin ko na!

Have a blessed day everyone!

Comments
  1. taribong says:

    dito ay makulimlim, na may kalat-kalat na pagkulog at pagkidlat. Pabugso-bugso ang buhos ng ulan na lumalakas sa hapon hanggang gumabi. Sana ay tumila rin paminsan-minsan para hindi bumaha katulad noong mga nakaraang sakuna. Siya nawa.

    Maligayang, maaraw na araw sa iyo! At sa lahat na rin po!!! Salamat po😀

  2. Jag says:

    Wow! Go go go! Good vibes! Kung sisimulan mo ang araw ng maganda ay matatapos itong maganda hehehe…Mapraktis nga din ang sarili sa pambobola sa sarili para gumanda din ang araw ko hehehe…

    Ingat parekoy!

    • Poldo says:

      Sus! di mo na kailangang bolahin ang sarili mo! madami kameng nambobola sayo! wahahah ikaw na nga diba ang fafabols.. kilig betlog!

      Good vibes pare koy! salamat!

  3. Unni says:

    vivaness lols~~~~
    ang saya saya ng araw mo buti ka pa hahaa,,jokes lng~
    mabola nga sarili k na maganda ako lagi para maganda gising ko bwahaha,,,
    ingats poldo
    happy weekend n jan sa nu~~~

    • Poldo says:

      viva unni!
      sus if i know so much brighter ang araw mo dahil kay mars LOL
      HEy di applicable sa adik ang PAMBOBOLA ng SARILI howkei?? gawain ng matitino yan! Joke lang unni

      happy weekend dito sa amin.. have a nice day sayo unni

  4. Yow says:

    Natamaan naman ako sa di naguupdate. Haha.
    Ayos yan, magiging produktibo ka nyan Sir.
    Nakakamiss magblog hop. Shet kasi na net namin.
    Good day.

    • Poldo says:

      kaya magUPdate ka na lagi madami nang nagaabang sayo (parang uupakan lang e noh)
      sana nga maging produktibo hindi maging sakit ng ulo(rhyme!)

      salamat YOW!

  5. glentot says:

    Aba ang bakit mo today. sana ganyan din ako dahil lagi akong cranky at agit.

    • Poldo says:

      Di ko nga din alam bossing epektib lang talaga sakin yung BInobola yung sarili kaya siguro ganun…

      try nyo munang magbreak baka stress lang naks!

      salamat bossing glentot!

  6. benh says:

    Ganadong-ganado ah.. hehe! enervon?

  7. karen says:

    haaayyy.. opposite tayo. pagkagising ko ang sakit ng utak ko. parang sasabog. kaya hindi ako makapag-update ng blog at magbloghop. ngayon na lang. sana nakakahawa ang ganyang mood. hawahan mo ako:/

    • Poldo says:

      hmmmm cheer up miss karen… baka stressed yan… take a deep breathe then shout… dami yatang gumugulo sa isip mo kaya sumasakit ulo mo eh.. tsk…

      kahit masama ang pakiramdam mo.. have a nice day parin karen🙂

  8. khanto says:

    good morning.😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s