Movie week

Posted: September 4, 2010 in Uncategorized

Nakakamiss manood ng movies sa loob ng sinehan yung tipong pipila ka para bumili ng ticket, papasok at maghahanap ng upuan at pupwesto sa pinakamagandang view(dipende kung anong purpose). Nung kasi nagtrabaho ako dito sa lugar na ito e di na ako nakatuntong sa ganung lugar. Kailangan ko pang lumuwas sa pinaka syudad para lang makapanood ng latest movie (KUNU) in big screen/view. At masyadong maheksayt dahil ang latest na sinasabi e PInaglumaan na ng isang buwan at nasilayan na ng BUONG mundo.

Pero dahil sa willingness ko (yes!~) na makapanood ng mga latest movies nagdodownload nalang ako. TUtal feel na feel parin naman ang sinehan dahil cinema copy palang ang mga pwedeng maidownload kung latest movie. Naisasama ko rin sa pagdownload yung mga movies from the previous month, sayang naman kung mamimiss ko pa, libre lang naman ang pagda-download kaya abusuhin na!..

Anyweis gilbeys, isheshare ko muna yung mga napanood kong movies. Magbibigay narin ng aking POV(points of view),  analysis about the movie (naks! uma-analysis! movie critic??) at mga shared lessons kung meron man tungkol sa movies.. This is my personal Perception so don’t take it seriously howkei?

so ano pang hinihintay nating? GOW!

  • GROWN UPS– I am a huge fan of ADAM Sandler, kaya di ko pinalagpas ang movie na ‘to. It was all about the reunion of 5 people slash BFF slash Basketball team mate on the burial of their beloved coach. It was 30 years since they saw each other so they planned to have a week vacation on a lake house somewhere in tagaytay to get along and reminisce old days. Maraming disappointments at mga negative comments about this movie, Kesyo boring at di na ganung nakakatawa si A.S. but for me it was quite good movie to watch kasama ang mga friends. LIght comedy with lesson.

Memorable Lesson / phrases / Scene: “You should not surrender in life until the final buzzer goes off, so you will not regret on anything.”

  • STEP UP 3D– Pwede! Ang lulufet ng mga breakdance moves dagdagan pa ng Robotic movements, astiging soundtrack at pang wasakang 3d Effect kumpleto rekados na. Story line?? hmmmmm Ok lang pwede na. Kung ikukumpara natin sa previous step up movies, STEP UP 1 maganda ang story konti ang dance moves, STEP UP 2 slightly good story and slightly good dance moves dito nauso LOW LOW LOW LOW LOLS at STEP UP 3d LEss na ang Story dahil more on Dancing na.

Memorable Lesson / phrases / Scene:“The travel is better than arrive, what happens along your way that counts”. “LIVE your dreams!

  • The EXPENDABLES– Di ko maintindihan tong movie na to o sadyang panget lang ng kopyang naidownload ko kaya di ko maintindihan??…  Isang kapansin pansin sa movie e yung maraming mga BIGATING ACTION STAR na napaglipasan na ng panahon in short mga damatanders na, takaw attensyon din ang pag-sha shalitah ni shylveshter Eshtallone at parang nakangiwi sya, NA STROKE ba sya before???

Memorable Lesson / phrases / Scene: “Dont be fooled by a STAR STUDDED MOVIES sayang ang oras at BYTES ng computer mo Dahil ang movie na to ay hanggang pang DVD lang baka luge ka pa”

  • Letters To god– It was a story of a little boy that has Brain cancer. He’s literally sending his letter written on a simple pad paper to god via snail mail. Very touching movie na putang inang napaiyak ako dito sa Opisina, Pasimpleng punas punas ng mata nung matapos kong movie na to.

Memorable Lesson / phrases / Scene: “Faith, Belief and never surrender in gods name”

  • Date night- Comedy slash Action slash comedy ulet. OK yung movie nakakatawa sa nakakatawa, Makukulet ang mga cast at parang pang TV show lang. CRUSH ko si TINA FEY ang hawt nya (MILF?? LOLs)

Memorable Lesson / phrases / Scene:” Wag angkinin ang reserve ng may reserve sa isang sikat na restaurant “

  • Twilight SAGA ECLIPSE– OK payn! whatever!! late na kung late, recently ko palang napanood ito howkei!. Ayos ang movie lalo na yung fight scenes! SUPERB!(naks) ang ganda rin ng story lalo na yung binabalik balikan yung history ng mga CULLETS este Cullen. Nakakatakot yung dating ng mga Voulturi (tama ba yung spell?) at astig ang clan ng mga WOLF, Gusto kong maging myembro nila para magkaroon ng SIX PACK abs… Ang landi ni bella two timer! yun lang!

Memorable Lesson / phrases / Scene:”Lets face it, I’m way hotter than you”   -jacob

  • INCEPTION- Nagsisisi ako kung bakit ko pinanood sa malabong kopya. Taena shit ang ganda napaka mind blowing at maraming twisty shit na nangyayari. Pagdating ng Effect wa ako ma-SAY lalo na nung parang titiklop yung mundo. SHit! pramis idodownload ko ule ito at panonoorin sa malinaw na paraan!

Memorable Lesson / phrases / Scene: “Dream Believe Survive” (wala akong maisip eh)

Up coming watch list

  • Iron man 2 (di ko pa nadodownload)
  • Book of ELI (napanood ko na to nung nagbakasyon ako, gusto ko lang panuorin ule)
  • Naughty America
  • Last Exorcism

Kung may suggestion po kayo please say it out loud para mapanood ko.. wag maging madamot! mag share

salamat ng marami!

Comments
  1. taribong says:

    Hehe Letters to God pa lang din napanood ko sa pirated dvd copy. Magandang pelikula. Nangilid kahit papano ang luha ko. Hehehe sori po at di masyado nakakapagsine

    • Poldo says:

      ay sus ayos lang pare koy….
      Madali akong madala sa isang story kung may death sa family ang theme… parang ang hirap sa kalooban.. Gumaganown…

      salamat taribong!

  2. Yow says:

    Balita ko nga ganun jan sa disyerto. Dinaig ng late ang pagupdate sa sinehan. Haha. Baka palabas pa diyan yung I am Sam. Haha. 90s pa ata yun. Juk lang. Panoorin mo yung Killers na parang Date Night ang tema. May DVD copy na kasi nun sa torrent kaya ko nasuggest. Haha.

    • Poldo says:

      Ok dagdag sa download list ko yan YOW!
      POtek napaghahalataan di ko pa yata napapanood yan I am Sam na yan… tsk

      Salamat josh! naks ang puge ng pangalan! ikaw na! LOLs

  3. khanto says:

    wow, andaming movies ah :p

    di ko pa napapanood halos lahat ng nasa list mo.

  4. gerg_gerg says:

    mahal ang sine sa UAE.i think times 3 yung price compared sa philippines.once lang ako nanood,tinulugan pa ko ng kasama ko.ayun.

    • Poldo says:

      Tama… nagtanong din ako dito sa mga kasamahan ko kung magkano ang ticket sa panonood ng sine.. sabi nya 30 dirhams daw, same thing nung ginawa ng kasama mo kasi tinulugan din daw nya yung film…🙂

      happy monday lapit na eid pare koy!

  5. karen says:

    gusto ko rin maging membro ng wolf para may six pack na abs. hehe ganda ng mga katawan.. wala ako maisip na suggestion. yung in your eyes na lang, joke ahihi🙂

  6. Unni says:

    honestly di ako nakarelate bwhahaa dahil di ko pa napanood yung sa list mo ai inception lng pala bwahah,,pero ewan ko ba nakatulog ako pwamis sana binili ko nlng ng korean dvd yung binayad ko sa sinehan naaliw pa aketch bwhaha…
    napa LOL ako dun sa MILF wala lng hahaha…
    ingat poldo~

    • Poldo says:

      hahahaha… no wonder yan unni!.. para kang yung EX ko.. adik na adik sa mga korean movies… *opps nagbabasa pala sya ng blog ko hihih…

      hoy! anong nalalaman mo sa MILF ha??? hahahahaha

      salamat unni! happy monday..🙂

  7. Drake says:

    naks,kumekritik!!

    Mahilig ako sa movie, at tandaan hindi lahat ng bago maganda, at hindi rin lahat ng sikat worth watching!

    gagawa rin sana ako ng mga movie pwet pwet slash critic sa mga napanood kong movie pero kung gusto mo ng suggestion heto.

    1. Big Fish – basta Tim burton film panalo
    2.The Machinist – mukhang adik si Christian bale dito!superb story
    3.Memento- the best ang plot, higly recommended ko ito- Michael lynch movie
    4. Babel – great movie,starstudded ang castings
    5.American Beauty – ironies of life (American Suburbia)
    6. Incarnation ( japanese movie) – kung gusto mong matakot, pwede ito

    Yan lang ay ilan sa mga napanood ko na talagang nirerekomenda kong panaoorin nasa iyo yun.Hehehe

    if you need additional movie titles sabihin mo lang! Dadamayan kita dahil movie marathon din ako sa Eid Holiday pre heheheh!

    Ingat

    • Poldo says:

      Holy mowly… ika-cancel ko muna yung mga dinadownload ko now.. yan munang list na yan ang ipapariority ko bossing…

      yung babel and the machinist plang ata yung napapanood ko…

      salamat sir drake…

  8. ako, pinagtiisan ko din ang downloaded cinema copy ng inception! pramis, papanoorin ko ulit yun!

    • Poldo says:

      nakakainis yung kopya ko sir.. magalaw yung camera kaya di ko masyadong maintindihan.. kaya maghihintay pa ako ng mga magbibigay ng torrent na DVD copy na! hihihi

      salamat bossing AIM

  9. Jag says:

    Punta ka dito parekoy! No need to download na kung mabilis ang internet mo jan hehehe

    http://www.movie2k.com/

    Kung gusto mo naman ng mga pinoy movies dito

    http://www.pinoymovie.ca/

    Happy watching!

  10. glentot says:

    LOLx ginawang starstruck ang inception! Hahaha paborito ko yun at mukhang nagkakasundo tayo sa movie reviews… except siguro ung twilight hindi ko talaga itu genre heheh!

    • Poldo says:

      Nakakainis kasi kung bakit ang labo ng kopya yung nakuha ko.. di ko tuloy masyadong maintindihan.. yung panaginip na naginip pala ule sila aiiissshhh…

      salamat bossing glentot..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s