Your radio is not Defective its just ME!

Posted: September 6, 2010 in Uncategorized

*Title Credits to breRATS show U92 FM 6-9pm.

Simula palang pagkabata kinahihiligan ko na ang pakikinig ng radyo. Mapa AM radio na karaniwang nilalaman ng mga balita o mga istorya ng buhay o FM radio na nagpapasigla sa aking buhay musika. Ngayon wala ako sa pinas e hindi parin nawawala ang pagkahilig ko dito, meron namang mga libreng website para makapakinig sa radio, kahit na hindi naman lahat ng BAND nakukuha yung reception e ayos parin pasalamat nalang kasi meron diba…

Malaki na ang pinagbago ng radyo ngayon, Kung dati tamang Musikahan, Balitaan at kung minsan bigayan ng payo galing sa isang sulat ng mga listener, ngayon marami nang pakulo, ibat ibang gimik para makahatak ng mga takapakinig. Malaking epekto rin sa pagbabagong iyon ang technology (as usual). Kung saan pwede nang interactive na ang labanan text, tawag, Chat, Email.. name it pwede nang makisali sa diskusyunan.

Dalawa ang pinaka popular na tema sa radyo mayroon sa ating bansa, ito ay yung English theme wherein obviously they’re speaking english language and most likely the music that their playing are more Foreign songs at mas karaniwang pinapakinggan ng mga sosyalin at mga cool. Yung pangalawa ay ang PangMASA theme na patok na patok sa atin ngayon, karaniwang naman nakikinig dito e yung mga jologs (daw). May mga English theme na nagpalit ng Pangmasa dahil narin para siguro makasabay sa uso at makahatak ng maraming tagapakinig..

Pagdating sa mga DJ kung dati e solohan lang ang pagho-host ng radio program, ngayo e usong uso yung dalawahan o yung tambalan, siguro pandagdag kwela at aliw narin, kaya nga sikat na sikat ang tambalan diba??? dont tell me di mo sila kilala hmf!..

PInangarap ko minsan maging DJ sa isang pangmasang Radio station.. Gusto kong maging programa dun e yung magtatanong nang kahit ano yung caller sa akin… Gusto ko super interactive yung show ko as in may FAcebook fan page (sikat?), twitter, YM, MSN, FRiendster(kung meron man) o kahit ano pa mang mas madaling way para makipagkulitan sa mga callers. ALam kong hindi rin ganun kadali ang ganung klaseng trabaho kasi unang una kailangan mong ingatan ang boses mo, Kailangan ding machuba ang utak mo o yung marami kang alam na kung ano anong shit para maging nakakaaliw ang show, Alam mo rin dapat kung anong latest sa music, kung sakalaing may hinaharap na pagsubok ang buhay ng isang DJ kailangan e enjoy parin for the sake of the show/JOB at pogi/maganda(di required hihi).

May pagkakataon ding nagiging annoying (umeenglish) at nakakairita ang isang show lalo na kung puro plastik na tawa yung palagi mong maririnig o yung mga Recorded laugh na paulet ulet piniplay kahit korni naman yung mga pinagsasabi… CRITIC>???. Pero syempre hindi naman lahat dahil dagdag aliw din naman yung mga ganun.

Sa ngayon adik na adik akong pakinggan sa radyo ang the BREWRATS show sa U92 FM. Ang mga DJs dito?? di isa at lalong hindi dalawa kundi tatlo sila. Walang iba kundi brrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr… charan! SIla DJ TADO, DJ ANGEL at DJ RAMON BAUTISTA. Sounds familiar ba sila??? LUmabas na kasi sila sa Telivision dati nung STRANGEBREW pa sila nuon.. Ang objective ng show nila?? mag spread ng BOBONIC PLAGUE sa sangkatauhan.

Itotodo ko na ang promotion ng show nila… Nag e Air sila every monday to thursday, 6~9pm.

Kada araw may ibat iba silang topic.

Monday – they called it EDUCATION MONIGHT(sabi ni tado e gabi na raw kaya night na ang gamitin instead of DAY, wherein  DJs sharing thoughts knowledge on everything as in everything under the sun. Giving trivias and info. Pwede ring magtext, magYM o magcomment sa FB account nila na THE BREWRATS REPUBLIC para magshare ng kung ano anong shit.

Tuesday- SHARRING TUESNIGHT, obvious naman na ang mga listener e may kakayahang magshare ng kani-kanilang mga experience, secrets o problem.

Wednesday – ITS CULTURAL WEDNESNIGHT, dito tinatalakay yung mga ibat ibang culturang pinoy.

Thursday – PARTEY THURSNIGHT! o LABO LABO PARTEY, dahil last day ng show kahit na anong mapagtripan nila e paguusapan nila.. astig diba???

Nakakatawa talaga ang kanilang tandem. May out of this world pang mga word (mostly created by tado) na ginagamit lalo na sa mga prohibitted words, after that wala na! kahit anong salita pwede na…

To catch them try to subscribe ont their fan page THE BREWRATS REPUBLIC on FACEBOOK o mag log on lang sa kanilang official website ang U92.

ONce again, once more!

Have a nice day/night

Comments
  1. khanto says:

    base!

    heheh. dati naaabutan ko yang brewrats:p

    • Poldo says:

      naks! nagbago na kasi sila ng time slot.. Sadly hanggang sept. 30 nalang yung radio station nila.. wala pa silang malilipatan tsk…

      salamat bossing

  2. greta says:

    kung ramon bautista at tado ang usapan, malamang walang katinuan nga yan!haha..sounds fun!makapag subscribe nga!

    dumaan at nakiki-comment!🙂

    • Poldo says:

      Sana nagpasabi ka na dadaan ka at nakapagprepare ako.. (lande)

      TAMA! pagsila ang nagtandem pangwasakan talaga

      salamat sa pagdaan at pagcomment greta!

  3. gerg_gerg says:

    DJ Poldo n d house!🙂 wahahaha!

  4. Unni says:

    mr dj can i make a request?lols nahawa sa kaenglishan mo bwahaha,,cge umenglish ka pa poldo para maging anemic ako dahil sa nosebleed hahaa..

    hmm yeah mas masaya pag may kapakner yung dj bwhahaa para nakaaliw,,,naalala ko dati binibisita namin yung fave namin na radio station hahaa,,sus kala namin yung magandang boses na dj eh pogi pero FAIL haha
    the more daw maganda ang boses the more pangit?lols haha

    btw natawa ako sa bobonic plague hayuff kala ko mamatay na tau bwahha..adik lng~ viva poldo~

    • Poldo says:

      uu nga eh.. kahit ako nagnonosebleed eh.. hahaha ikaw na inglish major major!

      sabi nga nila pagmaganda ang boses e panget daw sa personal… pero bakit ako panget na boses panget pa sa personal>??? luge! hehehe

      Viva unni!

  5. berdengkamalayan says:

    Bahagi ng aking buhay ang Brewrats, nung nasa 99.5RT pa sila madalas kami sa estasyon kasama ang ibang brewsters at dun nabuo ang pangalang RnB Guy (Reaggae na Bisaya as Tado and Ramon called it),

    • Poldo says:

      Para ngang narinig ko na minsan si RnB guy ikaw pala yun! woooooooooaaaaaaaaaaaaaaaahhhh! celebrity ka pala kuya!! pa-autograph naman dyan.. im sure nakadaupang palad mo na sila! astig ka!

      salamat bossing!

  6. glentot says:

    Pwedeng pwede ka na magDJ, ang galing mo mag-aadvertise!!!!!!!!!! Talent fee na lang ang kulang hehehehe

    • Poldo says:

      Yun na nga lang yung hinihintay ko bossing glentot eh… Yung TF… binigay ko na yung bank account ko sa station nila baka sakaling magbigay hihihihi…

      salamat bossing glentot!

  7. karen says:

    advertisement ito🙂 kailangan ka nila bayaran… hehe

    • Poldo says:

      hinihintay ko nalang magdeposit sa account ko yung TF ko hihihihi….

      try mong makinig sa kanila.. gaganda ang yong pananaw sa buhay hehehehe..

      salamat karen🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s