Labo labo Partey!

Posted: September 12, 2010 in experience, Kahit anong ka-poldo-han, Makapagblog lang :)

Kung iniisip mo ang kwento na to e tungkol sa aking misadventure slash kalokohan slash makasalanang araw nung biyernes, pwes, tama ka! yun nga!…

Well nasabi ko narin naman sa previous post ko yung mga balak namin sa pagpunta sa syudad… At ang iilan dun  ay natuloy at naisakatuparan sa katunayan nga ubos ang pera ko.. BROKE AGAIN… pero dibale, di naman matutumbasan ang kasiyahang dulot ng pagluwas na yun bonding narin naming mga katrabaho ko (naks)…

Maraming nangyari at naganap pero isa lang ang nagkumpleto ng lahat at yun e ang magpa FULL BODY MASSAGE sa isang malanding masahista

Syemperds first time ko yun noh!, yung himasin ang buong katawan ko with something.. kung anong something yun wag mo nang alamin. Joke lang… Himasin lang ang buong katawan wala na yung something..

Chekwa yung masahista, masasabi kong kartada 6 yung rating nya, Malaki ang boobs este ang pangangatawan at tamang tama lang ang height.. Natakot ako nung una baka marderin yung katawan ko kasi naman you know! what happen dun sa mga kalahi nya dyan sa pinas, pero hindi naman nangyari yung pangmamarder kasi napakasoft at nakakarelaxing talaga yung ginagawa nyang pagbunggo ng BOOBS sa likod ko paghaplos sa aking katawan.

“hi haw aar yu?” tanong nya

“I’m duwing greit” SUnod ko

“Wer Yu pram?” si chekwa

“Island op the PHILIPINS! and yu?” Kagalakang reply ko na kahit alam ko namang chinese sya..

“I’m from china… so Lets start?” .. Sabi nya with kembot sa dulo

“Sure thing!”      nanginginig na sagot ko!

At dun na ako nagstrip na parang nangaakit lang, but sadly lumabas sya sandali.. sayang! jowk! Dumapa na ako at akmang pupwesto nang dumating sya at ready-ng ready na…

“Wha du yu want? soft or hard???” Tanong nya

“Gimmie the hardest as yu ken” Dare ko

At dun nagsimula ang kanyang pang roromansa, i mean pagmamasahe sa akin…  Ngayon ko lang napatunayan na malaki pala tong kargada ko sabi nya masarap palang magpamasahe.. uulitin ko yun kaso sa pinas nalang pramis hhihi…

After massage! (oo hanggang dun lang ang kwento sa massage ok??) Continue ang journey to the far far away kingdom para magmalling. Ayos naman, medyo frustrated kasi konti lang yung may sale. Nakabili ako ng shoes, Back pack, damit at ang pinakaimportante sa lahat ang BRIP, puro pudpud na kasi yung brip ko na ginagamit ko pa nung sinaunang panahon kaya kailangan nang palitan.  Bumili rin ang kasamahan ko ng LCD TV nainggit nga me eh kasi hanggang brip lang ako.. pero keri lang kasi meron na kame nun noh!Kala nila! hmf!

Check din ang planong Paglamon ng mga pinoy foods sa philippine restaurant, sogbu! Da best!. Sorry walang pektyurs, wala kasi kame camera ihhh….

Unang beses ko ring abutan ng gabi sa lungsod kaya nanibago ako ang daming tao! ang tagal kasing matapos yung pamimili ng kasama ko at nagpahintay pa yung ibang kasamahan kong galing DUBEY! pakshet! Antok na me at pagod na ang aking katawang lupa.. kailangan nang humimlay!.

Ilang sadali lang naman at dumating na sila at natapos na yung pamimili.. ako naman hinang hina na kailangan ko nang big rest dahil may WORK PA KAME KINABUKASAN!!!!! PAK!

Nakarating kame ng accomodation namin mga 12:30 na ng madaling araw at kailangan pang gumising ng 4am para magprepare sa trabaho…

PAGOD at puyat ang inabot ni poldo..

pero oks lang saya naman eh…

Happy sunday ebrewan!

Comments
  1. taribong says:

    wow!!! wholesome nga!! kumusta si chekwa after the massage?!?

  2. chekwa says:

    have you enjoyed my massage? hihihi😀

  3. karen says:

    serious mode. sabi ko na, hindi ako naniniwalang wholesome ka eh..😛

    • Poldo says:

      hahaha natawa ako dun sa chekwa reply mo… wasak!
      bakit di ka parin naniniwalang wholesome yun?? hihihi massage lang naman talaga yung nangyari(defensive>??) hahahaha..

      salamat karen🙂

  4. khanto says:

    huwaw. atlist masosoot at masusuportahan ka ng brip… di mo naman pede isuot ung tv. :p

  5. goyo says:

    sos.. nabitin lang ako sa massage.. hahaha…kala ko may naganap..

  6. 2ngawzki says:

    nax nmn ngshopping…wla ba pra sa kin?hehehe!epal….Tama yan.pamper urself once in a while.ya deserve it..

    • Poldo says:

      teka… kasya ba sayo size 34 na brip??? bigay ko sayo yung isa?? joke lang hahahaha
      Kung saka sakaling makauwi ako malay mo magkita tayo papasalubungan nalang kita….
      .
      .
      .
      .
      ng Brip ok?? Jowk..
      salamat Ungaz…🙂

  7. Jag says:

    Naks! naman! Ayos! kaso nabitin ako sa massage story mo hahahaha…

    • Poldo says:

      souce! ano pa bang kulang dun? yan na walang labis walang kulang pramis!

      *sabay haba ng ilong!

      Musta pare koy! salamat at napadaan ule ang artista! ikaw na jag! LOLs

  8. sikoletlover says:

    i tot pumasok ka sa isang “soapland” bossing😛 masahe tapos shopping hay nainggit akesh. bitin talaga yung wento mo sa masahe😄

    • Poldo says:

      Hindi po bossing.. sauna/massage parlor lang yung pinuntahan namin… hehehe
      Hindi ba yan ang sikat dyan sa japan yung soapland?? gow punta nahihihi…

      salamat bossing..

  9. YanaH says:

    isa lang masasabi ko… MAY BAHID NG KALANDIAN ang post! hahahaha

    teka, san kayo nakahanap ng malanding nangangapa este ngmamasahe?😛

    isa pa ulit tanong… napupudpod ba ang brip? ano ang hitsura ng napudpod na brip? ang alam ko lang kase yung bumebacon na brip.. kase bumebacon din minsan brip ko este panti ko nyahhahahaha

    • Poldo says:

      Wala kayang kabahid bahid ng malisya yan.. wholesome nga diba?? LOLs…
      KUng napupunta ka sa Abu dhabi at nakarating ka na rin sa Madinat zayed yung bilihan nang ginto, Sa likod nun, dun ang kuta ng kalaswaan este yung massage parlor na pinuntahan namin.. hihihi

      at para sa huling tanong mo.. ang pagpudpod nung brip e yan yung stage na kailangan nang palitan.. Pagtapos maging bacon at di parin pinapalitan dyan na mapupudpod hahahahaha.. AT nawindang ako dun sa pagbabacon ng undies mo wahahaha panalo!!!!

      salamat yanah!

  10. Drake says:

    Landee! Pamasa-masahe pa! LOLS

    Ako gumulong gulong lang sa kama ko, hayun namasahe ko na rin ang likod ko!

    Punyames na yan may pasok na bukasssss!

    Daming pera, ang daming napamili!

    Ingat

  11. benh says:

    San ba yang pinagmasehihan mo pre? matest nga ang extra service jan… este service pla.. haha! Sakit na kasi ng likod ko sa work.. kelangan ko ng malupit na masahe… nakakasawa na sa wensha!!!!!!!! hahaha!😀

    • Poldo says:

      Punta ka dito sa Abu dhabi tapos sabihin mo sa likod ng Gold center dun na! hihihi
      Meron ka bang maisa-suggest na THai-massage? mas OK daw yung service pag ganun ang masahe…

      • benh says:

        ang layo pla parekoy.. maybe next time.. samahan mo ko.. haha! tlga? may thai thai massage pa pla.. ako, basta masahe okei na.. kahit sa bulag pa.. hehehe!

      • Poldo says:

        UU pare koy… mas swabe daw pag thai massage ewan ko lang.. try ko rin dyan magpamassahe sa bulag pag nauwi ako ng pinas..

  12. Unni says:

    bakit napudpod ang brief?hahahaa
    masarap ba ang massage ng malanding masahista ai ang sagwa ng term pak!
    waaahhhh ikaw na ang may backpak at shoes..
    ang saya naman ni poldo polding kahit pagod ang katawang lupa~~
    senxa now lng napadpad nabusy ako kunwari pak!!!
    have a nice day poldo~

    • Poldo says:

      Curious na curious ka sa pudpod na brip ha! hahaha
      UU naman! swabeng swabe ang hagod este ang masahe pala..

      Salamat at napadpad ka dito welcome can we exchange link?? wahahaha adik…

      salamat unni.. have a nice day🙂

  13. Yow says:

    Wow. Gusto ko din tuloy maglibot.
    Nakakinggit na post lang to. Amp.
    Ishare na ang experience. Haha.
    Tuyo’t pa rin ba ang lupain? Haha.

    • Poldo says:

      Sayang kung nandyan lang ako sa pinas gathering na!!! kahit malayo lugar nyo susuyurin ko yan! makita lang si greta wahahaha ang lande joke lang…

      sabi ko naman kasi sayo di na tagtuyot ang lupain.. FUll of minerals na nga! sus! hahahaha

  14. glentot says:

    Hahaha akala ko naman may totnakan nang naganap!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s