Hanggang saan ba ang kaya mo?

Posted: September 14, 2010 in Uncategorized

Hanggang saan nga ba ang kaya mo?
kelan ba dapat ituloy ang nasimulan o kailan dapat sumuko na?

Yan ang mga katagang umaalingawngaw sa bawat sulok ng aking isipan habang ako’y Jumejebs. Hindi ko alam kung bakit biglang nalang pumasok at pinagsiksikan sa isipan ko ang mga ganyang mga bagay.

May mga bagay tayong gustong gawin or should I say may ginagawa tayong mga bagay na gustong gusto natin dahil sa masaya tayo dito. Masarap sa pakiramdam yung tipong nakukuha mo yung fulfillment na hinahanap mo sa paggawa ng mga bagay na iyon.  Minsan pa nga kahit sumosobra na basta makamit lamang ang kasiyahang hanap e binabaliwala na lang ang mga posibilidad na pwedeng ikasama di lang para sa sarili kundi para narin sa iba. “LAHAT NG SOBRA NAKAKASAMA” sabi ng pilosopong tambay sa amin.

Meron ding scenario na kahit ano pang gawin mo e walang nangyayari, hindi mo makuha o maramdaman yung fulfillment na hanap mo. Kahit pa gawin mo na ang lahat, mapabuti man o masama Olats ka parin. Sinubukan mo narin tawagin at magdasal sa lahat ng santo at santa para lang dinggin ang iyong mga kagustuhan pero wala parin. In short HOPELESS ka nang talaga. Dito na ba pwedeng sabihin na SUMUKO na??

Pagdating sa PAGIBIG ganyan ang minsang nangyayari. Lalo na kung madalas kayong nasasadlak sa isang problema na talaga namang sumusubok sa tatag ng inyong pagsasamahan. Ipaglalaban ang dapat ipaglaban, Wag sumuko hanggang kaya, Taas noo at ipagpatuloy ang nasimula!n~

NGUNIT!!

NGUNIT hanggang saan ba dapat? Hanggang saan ba dapat ipaglaban?? Hanggang saan ba dapat hindi susuko? hanggang saan ba dapat tumigill?

Ngyon na!
hindi Bukas nalang!
HIndi!!! ngayon na dapat! pero masaya pa ako, sige bukas nalang.
Suko na ako!!! pero hindi pa!! kasi Kaya ko pa!
Ano ba talaga KUYA??

Pagdating naman sa normal na pamumuhay meron ding ganyan. Katulad nalang sa pamilya.

  • Hanggang saan mo kayang isuko ang iyong kasiyahan para matumbasan ang pangangailangan ng iyong mahal sa buhay?
  • Hanggang kailan mo kaya kayang isuko ang iyong karapatang pantao na kahit na inaabuso ka na e hala sige parin?
  • Hanggang saan mo kaya kayang alagaan ang anak ng ibang tao pero sa sarili mong anak e di mo pa nagagawa?

HIndi ako nagmamarunong at mas lalong hindi ako nagmamagaling, gusto ko lang sabihin yung aking opinion. Sadyang ganyan ang buhay mahirap pero nandyan parin ang sarap. Malungkot pero maraming dahilan para maging masaya. Enjoy life to the fullest ika nga..

Sa lahat ng yan isa lang ang napagtanto ko pagkatapos jumebs ako… DEBUT pala ngayon ng bagong bili kong brip. Performance level!!! at ibang Iba pala ang feeling pagbago ang suot mong undies lalo na kung hindi pudpud ang gaan sa pakiramdam!!! JOKE!

Have a great night/day sa inyo!

Comments
  1. Jag says:

    Akala ko kaka Debut lng ng brief mo (naka 21 years na sayo) LOL…

    Minsan nakakapagod na pero kailangan magpatuloy and God will do the rest…

    • Poldo says:

      Ano ka ba.. kasama na yun sa celebration yung 21 years nung old brip ko hihihihi..

      tama ka bossing jag.. kahit pagod ka na kailangan parin magpatuloy.. nandyan si papa lord para gumabay..

  2. taribong says:

    Seseryosohin ko ang tanong mo. Ang sagot ko ay ito: Hanggang kayang sagarin, e di sagarin.😀

  3. Unni says:

    wait mali ata ang blog na napuntahan ko,,
    ikaw ba to poldo?jokes
    hindi naman lahat ng sobra nakakasama nakaka adik lng pak!
    korekness enjoy enjoy lang ang life,,gayahin moko tatalon aketch mula sa 37th floor pag madami ng prob jokes lng,,asa ang pangit ko nun sa kabaong haha,,,
    wag susuko hanggat kaya pa at wala kang naaagrabyadong tao…

    minsan gusto kong kumapit nlng sa patalim para lng sa ikakasaya ng mahal ko sa buhay pak ang saya nila noh ako hindi hahaa,,,

    wala na aketch sa track hilo na ako pwamis haha

    • Poldo says:

      Hoy hekskyusmi miss UNNIcorn! di ka nagkakamali si poldo parin toh noh hahahahaha..
      Grabe ang tripping mo tumalon ng 37th floor.. kawawa naman yung babagsakan mo kung sakali.. tsk.. hehehehe…

      wala nalito rin ako sa icocoment ko sayo! pramis!

  4. 2ngawzki says:

    ang lalim magisip habang tumatakla.hahaha!oh well dpende….mrrmdaman mo nlang kelan dpat….hehehe!kagulo

    • Poldo says:

      Hindi ko nga alam kung san ko hinuhugot yung mga ganyang pagiisip habang jumejerbaks.. pambihira..

      tama! malalaman mo nalang kung kelan kaya wag nang magtanong kung hanggang saan! naku po next time di na ako magpopost ng ganito.. kahit ako nagulantang!

  5. YANAH says:

    AYOKONG MAGCOMMENT SA PINAKAKABUUAN NG POST…SERYOSO EH… HAHAHA

    ANG ICOCOMMENT KO NA LANG EH… YUNG SA BAGONG BRIP.. HINDI BA MASAKIT? DIBA PAG BAGO, MAGASPANG, HINDI BA NAKASKAS SA ANO MO YUNG BAGO MONG BRIP? SANA NILUBLOB MO MUNA SA ISANG DRUM NA DOWNY :d MURA LANG DOWNY JAN.. WAG KA MAGTIPID BWAHAHAHAHA

    BEAUTIFUL JAPANESE SAYO!

    • Poldo says:

      at kailangang naka-caps lock?? required ba yan?? hahahahaha

      ang laking epekto pala yung brip sa madlang pipol… ewan ko pero ang soft ng binili kong brip eh… di na kailangan ng downy… at tsaka kahit makas kasa yung ano ko ok lang kasi puro kalyo narin naman yun! yung kamay ko sinasabi ko ha! LOLs

      happy day YanaH

      • YANAH says:

        hindi kaya panty ang nabili mo? wahahaha… malambot kmo… =)) tnt much..

        wapakels sa all caps.. kaw ba bumili ng keyboard ko? wahahahahaha
        weh hindi nga?> kamay mo ang may kalyo? as in? talaga? really really really talaga? wahahahahaha

        morningness polding bed! likey-likey! hahaha

      • Poldo says:

        hahahaha.. chineck ko kanina brip parin yung nabili ko.. di ko alam kasi ang itsura ng panty eh.. hahahahahahaha

  6. khanto says:

    at naisip mo ang mga things to ponder while jerbaksing. :p amazing :p

  7. sikoletlover says:

    teka bossing di ba mas magaan ang pakiramdam sa pudpod na brip kesa sa bago kasi nga manipis at parang wala lang LOL

    hanggang kaya go lang🙂 bahala na si Lord😀

    • Poldo says:

      hindi ko alam bossing kasi yung pudpod na brip ko talagang suko na! nanggaling kasi sa stage na pagkabacon tapos di parin pinalitan kaya napudpod..
      Mas makati kasi mahimulmol!

      yung brip talaga ang pinaka topic nang post na ito wala nang iba!

  8. glentot says:

    That reminds me kailangan ko rin ng new undies dahil hate ko kapag nagbabacon na.

  9. hahaha.. natawa ako sa comment ni sikoletlover.. “mas magaan ang pakiramdam sa pudpod na brip kesa bago” hihihi.. apir tayo jan!

  10. karen says:

    nakibasa lang ako ng mga comments at naaliw. hihihi🙂

  11. greta says:

    hanep!tumatagos ito ah..sapol lahat ng organs…. ang galing magmuni2 habang jumejerbak!
    alayket a lot!

    wala bang picture yung bagong brief habang suot?haha..sorry naman manyak lang ng bahagya!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s