Ambilis!

Posted: September 16, 2010 in Kahit anong ka-poldo-han, Makapagblog lang :)

Kakaibang bilis… Kumakaripas! hindi mahabol at hindi namamalayan parang kanina lang nangyari ang lahat…  ngayon ganito na! kakaiba talaga ang BILIS ng ARAW sa panahon ngayon.. Huwebes na pala ngayon! akalain mu yun??? so ibig sabihin friday ule bukas?(hindi thursday ule! tanga ka?).

Parang kahapon lang feeling mayaman ang poldo, ngayon daig pang taong grasa dahil ni pambili ng chichirya wala! (pero di nagsisisi ang poldo ha!)

Parang kahapon lang e ang daming pinaplanong kagaguhan para sa pagpunta sa city. Ngayon OLats dahil magtratrabaho ako bukas… Kailangang kumita ng FULUS(pera) para may panglande sa susunod na labas. Jowk.

Ayoko na sang banggitin kasi eto ang pinaka ayaw na salita ng mga taong nagtratrabaho sa labas ng pinas. ang BER months. Para sakin kasi isa lang ang ibig sabihin nyan! umpisa na nang COUNT DOWN sa kapaskuhan.. Ayoko nyan! oo Bitter ako!!! sa katunayan yung mga nasa friend kong nagka-COUNT DOWN for christmas e, HI-NAYD ko o dili kaya’y MARK AS SPAM para di na makapambulabog sa wall ko! bitter na kung bitter!.. Pangatlong pasko ko na dito sa lupaing ito pero di parin ako sanay.. Hinahanap ko parin ang sarap ng PUREFOOD FIESTA HAM(Plugging) at ang ingay ng mga batang kumakanta ng “saming bahay, mamamalwati” kahit gas gas na at di na masyadong maintindihan e nakakamiss din noh!!

Nasa kalagitnaan na tayo ng SETYEMBRE at ito ang pinaka gusto ko… bukod sa mahilig ako sa GITNA e isa lang itong paalala na nadagdagan nanaman ang month na pagiistay ko dito..Furthermore 5 months na ako nagtratrabaho, 7 months nalang at makakauwi na ule ako sa Pilipinas kong mahal. at makakapagbakasyon ng bonggang bongga. Pero kinakatakot ko baka wala nang susunod na trabaho at di na ako pabalikin.. humaygawd wag naman sana… NIGHTMARE!!! erase erase…

Malapit narin ang OCTOBER! bukod sa taunang OCTOBER FEST na! e marami akong kakilala sa loob at labas ng blogsphere na ganito ang birth month (kahit utol ko october din)… siguro nakisabay sa putukan nung new year yung mga mudrax at pudrax nila kaya saktong after nine months e iniluwal sila sa mundong ito.. (o Nagbilang ka noh?) Advance happy birthday sa inyo! cantonan na!!!

yan na muna! ang bilis ng oras uwian na pala! hihihi

Have a great day!

Comments
  1. taribong says:

    Hehehe uunahan muna kita sa inuman, babaha daw sa sabado… Wag mabahala, isasama kita sa tungga… Yahoo!!! Ingat ka dyan bossing… Alalahanin, pitong buwan pa hehe

    • Poldo says:

      Yes naman! ibigay mo sa akin yung pinaka last na tagay sa yo para sa total na sarap! salamats! Pitong buwan nalang yan bossing sandali nlang yan.. hihii

      salamat ngayong sabado! tandaan di baleng matalo sa aksyon wag lang mawalan ng proteksyon! ingat hihi

  2. karen says:

    ambilis nga noh… hindi ko alam kung matutuwa or hindi…

    woaw, 7 months na lang pala.😀

  3. YANAH says:

    mafi fulus my friend? tnt same same my friend.. same same.. hahahaha

    aabangan ko ang iyong pag-uwi.. itaga mo yan sa dugo mo! wahahahaha gagalitin kita ng bonggang bonggang bong revilla makikita mo.. kaya kapit polding bed.. kapit maige hahaha

    cno? cno ang mga beberdey ng october? katayin na! hahahahaha

    • Poldo says:

      Ikaw ang isa sa mga magbibirthday ng october! at dapat katayin na LOLs…
      Humaygawd meron na kagad maghahanting sa akin paguwi.. sige hintay hintay lang ng pitong buwan tingnan natin ang tinaga mo sa dugo ko LOLs

      salamat yanah banana

  4. greta says:

    pareho tayong bitter sa christmas!!mas excited pa ko sa undas..

    tinamaan naman daw ako sa putukan ng new year!oo october din ako pinangnak..hahaha

    rakenrol!i-block user ang mga nagcount down na yan!

    • Poldo says:

      bakit naman ayaw mo ng Christmas?? isa ka ba sa mga SMP(samahan ng malalamig ang Pasko??)

      Wow octoberian din ang greta… pektyur greetings gusto mo?? half naked si ako?? joke hehehe…

      salamat at rakenroll \m/ teka kala ko fliptop fans ka?? hihihi

  5. Yow says:

    Ako naman eh nangungulila sa magulang kapag pasko. Di rin ako masanay kahit pang 4 years na. Haha. Nakakamiss kasi na buo ang celebration. Amp.

    • Poldo says:

      tama! isa rin yan sa pinakanakakamiss, BUong pamilya ang magcecelebrate ng christmas.. hays….

      nagtatanong tuloy me kung kelan kaya mabubuo ang pamilya pag christmas.. hay… (drama!)

      salamat yow!

  6. 2ngawzki says:

    hhhmmm…stressful ang pasko dahil sa xmas shopping.pero mzrap dhil mlmig!hahaha…konting tiis makakapiling mo dn mga mhal mo sa buhy…hehe

    • Poldo says:

      naku po! yan ang pinakagusto ko kaya yung siksikan sa mall pag christmas rush.. bukod sa dami kong nabubunggong mga boobs e ang tiba tiba ang mga pick pocket gang.. hehehe..

  7. glentot says:

    Ang bibilig lumipas ng BER months… at before you know it ang pagdidiet mo buong taon ay nawalan ng silbi…

    • Poldo says:

      hahahaha! tama! ilang buwan mong pinagtiisang iwasan ang sarap ng Tocino at longganisa, sa loob lng ng isang linggo nabale wala lang wahahaha

      salamat sir glentot!

  8. drake says:

    pre buto n alang nakauwi ako last christmas, yun nga lang malungkot ako ngayon dahil dapat magbabakasyon ako ng december pero dahil nga bagong lipat mukhang napurnada ang pagpapasko ko sa pinas!hays

    Ingat brod

  9. Unni says:

    apir!!!!broke din ako
    face ko broke
    bulsa ko broke
    pati puso ko broke jokes lng hahah~~
    waahh aabangan ko ang pag uwi mo polded and hang inuman tau nila yanah banana nyan hahhaaha..
    oh my i love oktober fest😛

    syetness ayaw ko ng Xmas,,,ang lungkot ng Xmas ko now T_T bwhahaa dramaness lols~~~~

    happy weekend Polded and hang~

  10. berdengkamalayan says:

    bossing uunahan na lang kita pag-uwi hintayin nalang kita sa Kanlungan ng Inang bayan hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s