DJ poldo in da haws y’all

Posted: September 18, 2010 in experience

Yes naman! natupad din ang pangarap kong maging DJ!!!.. Hindi sa radio station ha, dito lang sa amin! naging host (kuno) at nagkaroon ng power kontrolin ang music stream nang isang BASAGANG PARTEY!

Ganito kasi yun.. *Roll VTR please!

alas Dyes, Huwebes ng gabi, habang si poldo ay tahimik na nahihimlay sa kanyang prestihiyosong higaan, e may narinig na ingay sa labas! Walang keber dahil kailangang matulog ng maaga para di puyat kinabukasan pagpasok sa trabaho, Ayan na! nandyan na ang gabi gabing bumibisita sa akin.. si miss ANTOK, ayos na, patulog na! nang biglang may KUMATOK…

POLDO! lumabas ka dyan! wag puro pagtitikol! May pansit at kalderetang kambing dito! sarap ng pagkaluto!…

Taena! andun na e! pipikit na oh! nabulilyaso pa! Ano bang akala nila sa akin madali akong mauto sa pagkain lang??? sus!. Dali daling Nagbihis(dahil nakapangtulog lang me nung oras na yun) at wala pang 10 seconds nakalabas na agad! hindi halatang patay gutom diba?..

Sa kwarto ng kasamahan ko (tapat lang aktwali ng kwarto ko) nandun ginaganap ang kasiyahan, hinanap ko agad yung pansit at kalderetang kambing na sinasabi nila. Taena! sa lahat talaga ng pagkakataon kailangang ibaba ang expectation mo! dahil ang pansit na sinabi nila e yung LUCKY ME PANSIT CANTON at yung kalderetang kambing e yung CENTURY TUNA (CALDERETA FLAVAH) puta ines talaga, di na ako magiging patay gutom pramis!. Nandun din yung pinakabida sa gabing yun, itago nalang natin sa pangalang NAPOLEON, No choice na! kailangang mag STAY!…

Habang silay nagtatawanan, nagkwekwentuhan at kung ano ano pang shit na ginagawa pag nagiinuman, tahimik lang si ako habang nakikinig sa kanila nang mapansin kong  Oh my! ang tugtugan pang 80’s ang dating! Amboring!. OO admit kong mga matatanda na yung mga kasamahan ko noh ano pa bang aasahan ko hays.!. Hindi na sana ako eepal kasi di naman sa akin yung sound system pero di talaga kinaya ng bagets kong katawan ang ganun mga tugtugin (oo bata pa ako! sus).

Kaya naman…

Bumalik ako sa kwarto ko at hinanap ang Ipod.

PLAYLIST?? Check!
Battery life?? konti nalang pero kaya pang tumagal! check!
TIngin sa salamin at nagpacute! Check! (not necessary pak!).

Ready for the partey!!! agad bumalik sa venue at inistop ang current playing song entitled “Release me by Engelbert Humperdinck” sabay plug ng ipod den play. yahoo!

First track: TIK TOK -KE$HA(Oha! halatang pang malandi ang mga dance collection!) BOnggang bongga at walang nakareact. Tahimik ang mga ulupong! di makarelate! damn it! pero meron nang iilang inaalog na ang ulo, sumasabay sa beat ayos!.

Sunod sunod kong pinatugtog ang mga selected dance song habang nagiinuman hanggang sa mapansin kong….

SYET!!! nagrorobotic dance yung isa kong kasamahan!!!

Nainggit yung katabi nya kaya ang mga mga mokong nag-ala step up sa dance floor!. Panalo!

Palong palo talaga! feeling mga bagets! ang saya tingnan! Biglang lumapit sa akin yung si kuya V (kasamahan ko rin). Nagrerequest ng song pero di nya mabanggit ang title….

Ano yung lyrics? tanong ko…

Di raw nya alam kasi di maintindihan yung kanta pero meron syang ginagawang kakaiba. Naghugis KOMANG yung kamay at gumalaw na parang TImang. PUtang ina nagrerequest ng LADY GAGA!!!! at BAD ROMANCE PA!!!!… paborito raw nya yun! BUti nalang meron ako (malanding collection nga diba?). Ayun nagsayawang malaepileptic ang datingan! tawa to the max nanaman!.

Inabot kame ng ala-una ng umaga! Syet bukas may pasok pa! Pano na?? *tear on my left eye habang sumusuka ng bonggang bongga!.  Bahala na nga! Masaya naman yung nangyari e…

Teka maalala ko lang, may huling nagrequest pala sa akin. Makapagdamdaming….

BABY by JUSTIN BIEBER! WTF!!!!

Comments
  1. YanaH says:

    marami akong gustong sabihin..
    napakaemosyonal nitong post mo na to, hindi ko kinaya.

    bakit puro kabulastugan ng kasamahan mo ang wento.. imposible naman na wala kang ginawa weh…jhahahaha.. san man lang may bidyo ni polding bed na umiindak sa saliw ng musika ni lady gaga na bad romance.. plus the costume epek..

    parang pang wasak ng katinuan kung makikita kitang ganun wahahahaha

    sa ngayon yan na lang muna ang sasabihin ko..
    balik ako tomorrow.. pramis! hahahaha

    • Poldo says:

      wahahaha kakaiba yung analysis mo ateh! emosyonal?? Wapak! Kagaguhan lang lahat ng yan amf!

      at wag ka nga! kinakareer ko ang pagDEE-dj kaya wala akong kabulastugang ginawa nung night na yun hmf! hahahaha pero pang wasakan talaga kung sakaling sayawin ko ang napakawagas na tugtugin ni lady gaga… pak!!!

      salamat yanah banana kahit magkausap lang tayo sa YM ngayon hahahaha

  2. YanaH says:

    naisip ko nga yun eh.. sa totoo lang pinag-isipan kong mabuti.. ginamit ko ung nakatalentado kong utak… gusto kong iguhit kung ano ang magiging hitsura mo kung sakaling mapaindak ka ni lady gaga..

    at kung sakali mang maiguhit ko yun, donchawori my prend, makikita mo na lang na nakapost sa FB!

    wahahahahaha

    • Poldo says:

      Amf! na-scared ako sa pagbabantang sinabi mo! nagdalawang isip tuloy ako.. iblock nalang kaya kita sa FB o di kaya report user???? walang hiya!!! wag mong gawin yun please *lungkot face insert here!

      hahahahaha

  3. jepoy says:

    ikaw na ang dj na may lady gaga track sa ipod mo, ikaw na!!!!…Mmmm, scray shit polding ha..LOL! don’t tell me may track karin ng spice girls, tsaka ni Beyonce dyan tapos sinasayaw mo pag pag isa kanalang sa room.. WTF!!!!

    • Poldo says:

      Chineck ko yung list ko… napaWTF ako meron nga bossing jeps… kaso di ko na pinatugtog hihihihi.. tsaka yung BEYONCE spec. SIngle ladies naalala ko pinatugtog ko rin pala dun hahahaha… putek..

      hekskyusmi hindi ko gawain yun noh! sus! *haba ilong…

      salamat sir jepoy!

  4. Yow says:

    Haha. Ayus ah? Party party nga. At pangmalandi nga ang tugtog. Ang landi mo! Haha. Dapat nagpakita ka din pussycat dolls move. Joke lang. Maganda to. House party. Nakakamiss tuloy magparty at magpakalango (kahit alcohol-free ang dugo ko). Haha. May ilang patak naman pala.

    • Poldo says:

      wala akong PCD pero meron akong Britney spears yung womanizer at kasama sa malanding track yun!

      sus! ikaw na ang malinis ang dugo at walang kabahid bahid ng alcohol sa katawan! im sure mababahiran din yan.. baka nga gawin mo pang dextrose eh jowk…

      salamat yow!

  5. khanto says:

    wow! mr. dj can i make a request….. hehhehee

    sosyal naman ng pansit, lucky me. hehehe. nauto ka lang ng berks mo.

  6. 2ngawzki says:

    pakshet!wg mo zbhng may baby k ni JB?hahaha!nkkdugo n ng tenga un.auz playlist mo a..girl n girl.hahaha!!!jox

  7. Leah says:

    Hahaha! Nakakatuwa. Ini-imagine kong nagsasayaw ang mga kasama mo to the beat of “Bad Romance”.. I’d bet it’s so ridiculously funny. Hehe.. Nice post, poldo. Ang lufet ng mga requests ha.. IN na IN. hihi.

    • Poldo says:

      You’ve got the right word! RIDICULOUSLY FUNNY! LOL…
      sabi nila yun daw yung mga favorite song ng mga anak nila kaya naki-favorite narin ang mga mokong hehehe..

      salamat sa pagbisita sa lungga ko… balik ka ha!

  8. Jag says:

    Tang inangshetness yan! Natawa ako Poldingkerengkeng sa pansi at kaldereta na expectations mo hahahaha!

    Naalala ko nung nasa Japan pa ako nung minsan mag inuman din ang tropang pinoy n nandun…ganyang ganyan din ang trip hahahaha…adik!

  9. gerg_gerg says:

    Nice! If I know,isa ka din sa mga nakisayaw habang tumutugtog ang BAD ROMANCE.wahahaha! buti pa jan sa accommodation nyo masaya,dito kasi sa amin paubos na ang mga tao.tapos na kasi project.ayun.pansin ko nga,sikat ang napoeleon dito.

    • Poldo says:

      hekskyusmi noh! busy busy-han daw ako pagdee-dj nung time na yun kaya di ko kinareer yung pagdance ng bad romance… pero let me think parang napasayaw rin ata me! hahahahaha…

      NExt year rin yung tapos nung project namin dito… kaya malamang ganyan din yung mangyari sa amin.. tsk….

  10. Leah says:

    Poldo, di mo pa naman ako naa-add eh. Na-sad naman ako.. Hihi. Joke lang. Ulam namin mamya Caldereta rin.. baka gusto mo. Hehe.. anyway, follow sana kita kaso parang wala yatang follow button?

    • Poldo says:

      ayos yan! pengeng caldereta!! hehehehe

      hindi mo po ako mapapalo este mafollow kasi WordPress tong gamit ko hindi po blogspot🙂 naadd narin kita sorry late lang..

  11. Leah says:

    IC… Hehe.. WordPress pala. Sorry rin po, Tao lang. Sige, hagis ko jan ang isang bowl, caldereta ang laman. Hagis ko na ha. Saluhin mo.. …….. Ayan, nasalo mo ba?

  12. greta says:

    mr. dj can i make a request?pwede ba yung lovesong ko?shet baduy pala!

    baka sabihin mo jologs me..un na lang peborit kong “yun ka” by willie revillame…euw euw!

    ayos sa playlist..ke landi lang!daig ang greta..kabog ako!

  13. drake says:

    wow naman bagong bago ang mga kanta!hahahaha!

    mas maganda ang playlist ko sa iyo dahil meron akong mambo no.5, shalalala, macarena at electric dream. LOLS

    ingat brod

  14. Unni says:

    lol@pansit canton at yung century tuna hahhaa
    poldo alam kong tigang ka ikaw ang president namin pero wag na sabayan pa ng pagiging patay gutom ok para di mabiktima haha…jokes lng haha
    ang adik nung nagrequest ng justin bieber sya na haha…

    parequest poldo yung magkayap sa dilim pak! HAHAH
    ADIK LANG..

    ah naalala ko na kaya pala muntik mong ininjan c yanahbanana nung friday dahil naglasing ka hahaa..ikaw na
    ikaw na rin ang may ipod lols~

    morning polded and hang namiss ka namin haha

    • Poldo says:

      hahahaha ang sakit mo sa bangs UNNIcorn hehehe..

      nagulantang ako sa request mo! hahahaha… napaghahalataan kang certified tingangsters! hhihihi

      salamat UNNIcorn!

  15. ampucha sa lady gaga, ampucha ulit sa justin bieber.
    pero ampucha ang bagets party na nakarelate sa 80’s. pero aminin mo. masaya yan. hahaha.

  16. sikoletlover says:

    haha pansit at kalderetang kambing pala ang katapat mo. awwwww Release me? malamang tinugtog pa yung quando quando😄

    hay matagal na ring hindi nadadampian ng alkohol ang aking tuyong lalamunan. hanglongkot naman uminom mag-isa😛

    • Poldo says:

      relak lang bossing madadampian din yang bahay alakan mo balang araw hehehehe…

      Yung quando quando nasa list buti nalang di pa nagpe-play haha

      salamat bossing!

  17. Led says:

    Ayos! DJ na s’ya!!! Idol!😄

  18. glentot says:

    Putanginang groovyng groovy naman ang party kung ang tugutgin ay Release me by Engelbert Humperdinck! buti na lang naakit ka sa mga handang drowing. Next time iupdate mo pa lalo ang playlist mo at magbebreakdance na sila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s