Ok ramdom muna

Posted: September 28, 2010 in Uncategorized

Sa wakas nakapagonline ule..  Dahil wala akong magawa at iisang salita ang umaalingaw ngaw ngayon sa aking utak kung ano yung salitang yun, Malalaman mo later on this post! (meGANUN). Hayaan nyong ishare ko ang mga narealize, nangyari at pinaggagawa sa sarilihabang niloloko ang sarili ko para magmukhang busy.

wala naman itong kakwenta kwenta (as usual) pero kung gusto nyo parin gow! read at your own risk! *umi-english

  1. Kaya ko palang tumagal ng walang internet. Kung sa bagay nung ipinanganak ako e wala pang salitang ganyan, pero SYET! NAKAKAHOMESICK!
  2. Susubukan kong hindi maglasang BITTER ang pasko ko kaya naman gagawa ako ng mga entries tungkol sa pasko in BITTERNESS way para hindi masyadong MAHOMESICK!
  3. Dahil sa naLSS ako sa kanta ni Justin Bibigandanghari Bieber, sinubukan kong gayahin ang kanyang hairstyle. Napakawagas at nagmukha akong BAKLANG CHUFUL! putang ina ganito ba talaga pag tinamaan ng HOMESICK o sadyang ang lakas makamandag ang ulupong na si JB.
  4. Ang dami kong gustong kainin na karaniwang tinitira ko sa pinas. Habang naglalaway ako sa aking imahinasyon, may nagtext! si mama at ang sabi.. “anak kumain ka na ba??, kame kumakain ng pritong isda na may talong n a may bagoong,.. ang sarap anak!” hindi nalang ako nakaimik dahil sa totoo naglalaway na ako nung time na yun… AYos ka ma! ang galing ng timing mo! Homesick ang anak mo! apir!.. tsk..
  5. Sinubukan kong maglagay ng mga christmas song sa pipitsuging mp3 player ko. Sarap pakinggan lalo na kung nasa bus ako pauwi ng accomodation namin.. naaalala ko yung mga paskong nasa pinas ako.. syet talaga HOMESICK TALAGA!

yan alam mo na yung salitang Gumugulong sa aking isipan>?? tama! HOMESICK si poldo.. Kala ko di ko na mararamdaman yung ganito pero wala tinablan ang katawang lupa ko. Kahit ganun ok lang! ako pa! sus!

at kung umabot ka hanggang dito! nang hindi nasusuya e congratulation may isang magarbong kiss with dila para sayo! apir!

yun lang…

salamat!

Comments
  1. YanaH says:

    anu ung BAKLANG CHUFUL?
    andame mong nalalaman.. bading ka ba? :-”
    sana hairstyle na lang ni bibi gandanghari ang nigaya mo,.. winnnur na winnnurrr ka sister! apir! hahahaha
    baka jontis ka kaya nagccrave ka ng kung anu-anong food.. :-”

    sabihin mo kase sa mga itik at panadolz jan na mukhang mga deformed na teletubbies, wak na pangealaman much ang jinterneting nyo jan para hindi ka nawawalan ng access sa jinternetz at ng hindi mo syado maramdman ang pagkahomesick..

    yun lang.. ahihihi

    • Poldo says:

      Baklang CHUFUL??? ahmmmm manood ka ng dragon ball ok?? LOLs…
      nagulantang naman ako dun sa jontis me! yun na ba yung bunga ng pangrereyp sa sarili?? scared much naman!!! hahaha

  2. sikoletlover says:

    tinamaan ka ng lin…este homesick! hawaan nako ng katamaran wag lang ng homesick.

    nanay ko madalas kumakain kapag nag-skype kami. tapos tatanungin pako kung gusto ko raw ba ng kinakain niya. nanay ko talaga.

    bahala na si batman pero uwi ako sa pinas sa pasko haha😀

  3. Unni says:

    kala ko home(sex)este homesick pala hahaha…
    wwaaahhhhh ang saya ng pasko mo poldy ahihi..apir tau ako pers Xmas ko now ang malungkot..sus mi ano itsura ng mala justin b na hairstyle?d k maimagine..hahhaa

    waaahhhh si mama oh timing ang pagtext…ginutom din ako nung nabasa ko yung pritong isda na may talong na may bagoong..hehhee

    wag ka na mahomesick magcconfe nlng tau nila yanah banana hehehe….pero kamusta naman ang ym at ang internet natin ang adik lng ahihi~~~

    namiss k kau ni yanah~~

    • Poldo says:

      wag mo nang imagine na si poldo ay nakajustine Bieber na hairstyle ang sagwa to the nth level…. tsk…

      uu nga e pasaway si mudra nanginggit pa! tsk…

      salamat UNNIcorn!

  4. Sir libang libang lang.

    Nakadalam din ako sa bahay mo sa wakas!

    • Poldo says:

      sa pagkakaalam ko e napadaan ka na dito minsan… nakalimutan mo lang hihihi

      tama bossing libang libang lang hanggang maging hibang toinks…

      salamat sir!

  5. khanto says:

    hala, nahomesick ka… Kaya mo yang labanan!

  6. LordCM says:

    yes!di ako umabot sa dulo, wala akong kiss na may dila lolzz

    OFW ka rin pala parekoy?…sakit na yata talaga natin yang homesick, di na maiwasan…pero ano hitsura ng BAKLANG CHUFUL? lolzz

    • Poldo says:

      Itsura ng baklang chuful?? tingnan ang picture ni justin bieber! yun na hehehehe..

      yup OFW daw din ako.. ahh OFW din po pala kayo sir… sang bansa??

      salamat sa pagbisita!

  7. 2ngawzki says:

    Kung sa umpisa mo nilagay ung kiss with dila hnd ko babasahin to.whahahaha!Nakakasuya siguro ang mahomesick.Bilib ako sa tibay nyo…Bayani talaga kayong mga OFW.hahahah!natouch naman!hahahaha!

  8. glentot says:

    Aww nood ka na lang ng news tungkol sa mga pulitiko para hindi ka na mahomesick ahahaha

  9. nakow, maraming pwedeng gawin dyan para di mahomesick. maglaro ka ng bird.

  10. greta says:

    magpaulit2 ka na lang makinig ng justin bieber!hindi ka nga nahomesick nabwisit ka naman!!

    pano macclaim ung kiss na may dila?may balak kasi ako pagdonate-an!

  11. Ganun ba bossing… siguro nga.. makabackread nga..

    Homesick p din?

  12. drake says:

    pre baka hindi baklang chuful kunjdi baklang chufut!hahhahaha

    pre unang pasko mo ba na malayo sa pamilya? pre kung nohohomesick ka talaga isa lang ang sulusyon dyan……..UMUWI ka, LOLS nagyon kung di ka pwedeng umuwe, simple lang bumili ng rugby at singhutin!hahahhaa]

    ingat brod

    • Poldo says:

      hindi bossing.. pangatlong pasko ko na toh.. di lang talaga sanay hahahaha..

      hoy! walang rugby kaya dito sa disyerto.. meron paint tinner yun nalang siguro..

      salamat sir!

  13. karen says:

    ilang buwan na lang naman, konting tiis na lang heheh🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s