Practice game with the KRUNG KRUNG

Posted: October 14, 2010 in Sports limited

Isa sa mga libangan naming magkakatrabaho dito ang pagbabasketball. OO lintek ka nagbabasketball ako! hindi lang jackstone at jumping rope ang alam ko noh!. Sa totoo lang di talaga basketball ang kinahihiligang kong sports nung nasa pinas ako, bukod sa 4″11 ang height e di makashoot ng bola at laging duguan ang ilong ko pag nalalaro! *ang chakit!. Actually kinalimutan ko na ang larong yun nuon. Kaya nagfocus nalang ako sa ibang sports like BEDbadminton.

Saktong dito sa accomodation namin e may basketball court at mukhang pinasadya ng company namin na maglagay nun kahit halos walang naglalaro nung time na kokonti palang ang pinoy. Naging usable lang nung dumating kame. hehe

Friendly game at tamang papawis lang ang pinakapurpose namin kaya kame naglalaro. Bonus na pag may konting  Fried chicken, pizza with diet coke na pustahan. Kaya naman kung todo karir ang mga kasamahan ko nung nalamang may Inter-company basketball tournament, kung saan lahat ng malulufet na basketball player of all time ang kasali like Michael Jordan, Larry Bird, Magic Johnson(old school allstar) together with D. Wade, Kobe Bryant At Lebron James dito sa lugar namin. Of course kasama ang company namin at included ang poldo sa line up! kung sabagay wala namang height requirements pagdating sa pagiging WATER BOY diba?? kaya siguro sinama nila ako. Paksyet sila bigtime!

Nagschedule ng practice game ang mga kasamahan ko rito together with 3 korean(SI boy Labo, boy taba at si walang kuko sa hinlalaki). 7:30 ang napagusapan.

Natapos ang work ng 6:00pm at nakarating sa aming accomodation ng 6:30. KUmain. Nagpahinga ng Onti hanggang dumating ang 7:30. Prepared ang lahat pero wala paring krung krung na dumadating. Putek! kala ko pinoy lang ang laging nale-late… badtrip!

Kaya inumpisahan na lang muna namin yung praktis kahit walang ang mga amoy kimchi. 1 to 25 ang ang score na paglalabanan. 5 on 5 (syempre alangan namang singdami ng FOOTBALL ang maglalaro) Random selection ng magkakampi gamit ang walang kamatayang BATO BATO PIK!.  Winner vs. Loser!….

Nagupisa ang laro..

Nang gulo lang si poldo..

Nakadalawang set…

Boom!!  talo ang team ko!.. asa pa!

9:30pm na wala parin ang mga korokan! wala asa pa kameng dumating yung mga yun, kaya napagdesisyunang last game na yun at para makapagpahinga dahil may work pa kinabukasan. Kaya si poldo nagpalit na ng pangtulog naghilamos ng konti(mahirap mapasma!) at nagpahinga na…

10:00pm

Tok tok tok! Poldo, bihis ka dumating yung mga KOREANO! sabi nung isang kasamahan ko..

PAK na PAK! anu ba yun! putek nakapag hilamos, Beauty cream(MASK :-“)  at nakapag tikol na ako sabay darating sila??? Dem et!

OK payn! magbibihis na! taena shit! sakit ng TUhod ko.. Inaatake na ba ako ng rayuma??? shit naman… pero sige GOw! kaya pa..

PUmunta sa basketball court at nakita ang tatlong ulupong.. Inexplain kung pano ang scoring system(scoring system talaga) at  syempre ang walang kamatayang BATO BATO PIK para sa kampihan.Parang walang nangyari dahil magkakampi parin yung tatlo… Tae! three towers! ang tatangkad.. anong laban ni poldo na konting tangkad lang kay dagul! Bahala na!….

Raise to 21….

Nagumpisa…

Nagchange court..

Natapos…

21-18 ang score… Syempre panalo kame!

ano ang stat ni poldo??? eto lang naman

8points 4rebounds 8assist at 1 steal (pang MVP!!!!!!)

WAG KANG MAGPALINLANG ETO ANG TOTOONG STATS!

1point 8rebounds 4 assist at 1 steal (taas ng rebounding ko noh??) Naniniwala kasi ako sa kasabihan ni Hanamichi Sakuragi na

The one who controls the game, Controls the rebound! Oha!

11pm na natapos at inatake pa ako ng sakit kong sipon habang naglalaro… kaya naman Di matatapos ang laro ng walang ginagawang kagaguhan si poldo….

anu pa edi namahid ng sipon sa koreano! wahahahahaha joke lang!

Yan lang po muna!

Finish!

Comments
  1. YanaH says:

    sabi sayo eh dapat nagjackstone ka na lang eh.. eh di hindi pa sumakit ang mga tuhod mo.. tsk tsk tsk.. tanda na.. nirarayuma na…

    ikaw ba ang nakipagbato-batopik?

    wala akong maisip na icomment.. biglang may dumating na bangungot eh.

    ang dungrit mo talaga.. pinunasan mo pa ung kring krung

  2. Unni says:

    putek late na late cla tapunan ng kimchi hahhaa…
    ok payn ikaw na ang nagmmask gaya ko bwhaha,,,
    4’11 not bad para maging bed ester badminton player asa k pang mag bbasketball player ka pa hahhaaha….
    sus galing mangrebound hahhaa,,,
    adik ka namahid ka pa sa mga krung2 bwahaha…

    • Poldo says:

      isa ka pa!!! sayo ko na-adopt yang mask mask na yan wahahahahah…
      ang lait todo to the max lang ha! porket 4’11” ang tao hmf!!

      bilang ganti sa kanilang pagiging late pinahiran ko ng bonggang bongga!

  3. wow! secret weapon ka pala. tikol lang ng tikol para makarami ng shoot sa susunod. lol

  4. wahahahaha.. pare hindi rayuma kung bat sumakit ang tuhod mo.. yun ay dahil dito🙂

    PAK na PAK! anu ba yun! putek nakapag hilamos, Beauty cream(MASK :-”) at nakapag tikol na ako sabay darating sila??? Dem et!

  5. khanto says:

    ikaw na ang hanamichi sa game nio😀 hehehe. Rebound!

  6. 2ngawzki says:

    Kundi pa naghilamos at nag you-know-what hindi pa makakascore ng matino…hahaha!TOTOO BA YAN POLDO?????!!!!!!

  7. drake says:

    naks parang si johnny abbarientos lang! Dapat kasi uminom ka ng cherifer o kumain ng star margarine. Pero malamang di ka kasi natutu;log tuwing tanghali kaya medyo di ka tumangkad!hehehe

    Ingat parekoy

  8. sikoletlover says:

    ang bait mo naman. bumangon ka pa ulit para sa mga ulupong😄 di bale nakaganti ka naman with the pahid uhog LOL

  9. glentot says:

    Teka, bakit nga sya walang kuko sa hinlalaki?

  10. Yow says:

    Shet. Ang tangkad ni Poldo. Haha. Rumerebound ka pa laban sa matatangkad? Whoa. O sige. Ikaw na palaka kung tumalon. Haha.

  11. karen says:

    ang dami ko na pala namiss. in short kasing laki ka lang ng gasul? peace hehe🙂 at nagbe-beauty cream slash mask ka pla wehehe. bigtime!

    • Poldo says:

      ang tagal mo kasing nawala ihhh….last mo ata yung chekwa chekwa effect mo hahahaha..

      welcome back karen anne! medyo matangkad lang ako sa gasul ng konti wahahaha… wag mong pansinin yung beauty cream! kunwari lang yun hahahaha

  12. Jag says:

    grabe gabing gabi n naglalaro pa? iba na kasi dapat ang nilalaro pag gabi na LOL.
    naniniwala n akong isa kang froglet…ang lakas mo sa rebound hahaha…

    • Poldo says:

      gabi lang kaya yung free time namin.. after work yun…
      at hindi ako froglet dahil tinatapakan ko lang ang mga paa nila para hindi makatalon… isang matinding pandurugas kamo!!
      wahaha
      salamat jag!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s