Wag kang matatakot! part 1 – “Lamang lupa”

Posted: October 24, 2010 in Uncategorized

This entry was planned to be post in November 1, exactly Halloween para damang dama ang katatakutan pero ngayong wala naman akong maisip na magandang itopic e ngayon ko na sisimulan at Hahati-hatiin ko ang bawat pangyayari dahil kung isang bagsakan e sobrang habang entry ito.

Let me share to you hommies my personal weird experience on a supernatural/doubtful story which was happened since i was a child and still happening until now. Yes!! believe me or not may nangyayaring kakaiba kahit nasa ibang bansa na ako. So brace yourselves and enjoy reading this story of mine.

Umpisahan natin nung bata pa ako, 10 or 11 years old palang ako nun. Nuong panahong iyon ay sadyang sakitin ako.. Kesyo mahina baga ko, pati immune system mahina. Sinusubukan akong ipagamot nila mama sa hospital, gumagaling naman pero paglumilipas ang ilang linggo o buwan e bumabalik parin sakit ko. Kaya napagpasyahan ng lola ko na ipa-TAWAS(hindi yung sa kili kili shunga!) ako dun sa kakilala nyang albularyo. Unang beses palang na pagkakita sakin ni LOLO(lolo tawag ko dun dahil naging kaclose ko sya. Regular customer nya ko eh) e alam na nyang pinaglalaruan ako ng mga LAMANG LUPA. White dwarfs daw yung nangtritrip sakin. Mabait  pero maloko at mapagbiro, at ako ang natipuhan nilang bully-hin. HInilot, Tinawas at binigyan ng orasyon para tantanan na daw ako ng mga makukulit na dwendeng yun. Naging successful nung una ngunit pagkaraan ng ilang linggo e bumalik ang sakit ko at hindi na dwende ang may pakana..

Kung ano yun?? Ituloy mo lang ang pagbabasa.

Isang gabi(madaling araw yun actually) habang akoy naghihintay ng pagkaing ihahain sakin ni mama (kasalukuyang may lagnat ako nun) may kung anong PUTING BAGAY na naglalakad patungo sa likod ng bahay namin. Actually maliit lang yung house namin na yun, kung baga kusina, kwarto at living room all in one na kaya mapapansin talagang nagcross  sya at nilakaran pa nya ang tulog na tulog kong kapatid at biglang tumagos sa pader. Di ko masabi kung totoo o nagdideliryo lang ako nung mga oras na yun dahil nga sa sakit ko pero nakita ng dalawang mata ko ang mga pangyayari.

Bumalik kame kay lolong manghihilot at kinuwento ko ang mga bagay na yun. Tinawas ule ako at saka sya nagtanong na kung may PUNO ng KAMIAS kame sa likod ng bahay namin. Nagulat ako dahil totoong may puno at kamias nga ang nakatanim sa likod ng bahay namin. After nyang maconfirm na may puno kame e may ginagawa syang kung anong bagay sa kanyang mga palad, Kinikiskis at hinihipan hipan sabay ipinakita sa akin ang kanyang palad at nagtanong.

Ano ang nakikita mo iho?

Nagulat ako dahil putang ina!!! isang hugis tao na may sungay at buntot! tae dinedemonyo ba ako???
Sinabi ko kay lolo na isang bata lang ang nakikita ko ngunit di nakuntento si lolo, Kiniskis at hinipanhipan ang kanyang palad at pinakita ule sa akin…

Walang pagbabago at ganun parin ang nakikita ko pero pinanindigan kong bata lang ang nakikita ko… Nabakas nya sa aking mukha na nagsisinungaling ako at hindi talaga yun ang aking nakikita pero di nalang din sya nag pumilit bagkus e nag bigay ng payo kela mama na wag na wag ipapuputol ang punong iyon. Dahil tahanan yun ng mga lamang lupa! Mag alay ng kung anong bagay para sa ikatatahimik ng aming pamilya.

Pagkatapos nya akong hilutin, punasan ng mga langis at dasalan e naging maayos ang aking pakiramdam. Nawala ang aking sinat at gumaan ang pakiramdam. Pagbalik sa aming bahay ay nagdasal sila mama at nag alay ng buhay na manok at dun mismo sa puno kinatay. Ako naman ay nagsindi ng kandila at lumibot sa paligid ng aming tahanan habang humihingi ng kapatawaran sa aking mga nagawa sa kanila at humiling na tigilan na nila ako.

Pagkatapos ng mga pangyayaring yun. Bumalik na kame sa normal. Lumipat kame ng bahay, namatay si LOLOng albularyo at yung puno ay hanggang ngayon nandun parin, hitik na hitik sa bunga kung minsan pa nga e ginagawang negosyo ng lola ko at binebenta sa palengke.

-end-

Umpisa palang yan guys.. mas titindi pa sa mga susunod..

happy sunday…

Comments
  1. khanto says:

    hala…

    First!!! Base!!!

    hehehe.

    Kamias pala ang isa sa pinamumugaran ng mga creatures.

    Naniniwala ako sa pagtatawas…. Iba-ibang force kasi nabubuo😀

    more! more!

    • Poldo says:

      uu nga eh.. ang galing ng nakadiskubre ng tawas…
      wag kang magalala bossing 3 episode tong kwento ko na to kahit magsawa ka na itutuloy ko parin hehehe joke lang..

      salamat bossing!

  2. glentot says:

    Siguro inihian mo yung kamias kaya nagalit yung mga dwende dun!

  3. Diamond R says:

    tuloy lang ang kwento.

  4. 2ngawzki says:

    hahaha!…may sa demonyo ka poldo?Nilalaro ka ng mga kauri mo..joke.:)

  5. Jag says:

    Baka sinusundo ka na ng kamag-anak mo at dun na tumira sa puno ng kamias? lol…

    • Poldo says:

      oo sinusundo ako.. kaso kulang may hinahanap silang isang tao din at ikaw yun.. ngayong nakilala na kita pwede na akong sumama at ikaw ang kasabay ko!!

      tara pare koy sinusundo na tayo! LOLs

  6. sikoletlover says:

    shet diko tinapos. magwa1am na dito. miya ko na lang babasahin ng buo. ang hirap maging duwakang😦

  7. May karanasan nadin ako sa mga ganyang pangyayari. Nakakatakot subalit parang kaysarap malaman kung bakit sa dinami daming tao sa ibabaw ng lupa ay sa iilan lamang sila nagpaparamdam.

    Mag-aantay ako sa dalawang episode pa na iyong ilalathala bossing🙂

  8. Sphere says:

    Ahahaha nakarelate naman ako sa kwento mo ako naman kaya kami napalipat ng lugar kasi gusto naman daw akong asawahin nong prinsipeng engkanto eh kabata bata ko pa kaya ayon lumipat kami ng lugar pero ang bilin naman ni Lola na manggagamot eh tumawid kami ng dagat para di kami masundan nong admirer kong engkanto ( di yata marunong lumangoy kaya di kami masusundan) kakaloka🙂

    aabangan ko ang susunod na kabanata na kwento mo:-)

    • Poldo says:

      Wilkam po! grabe naman ang level ng beauty nyo abot hanggang mundo ng engkanto bwahahahaha…

      salamat at nakarelate kayo at sige bibilisan ko yung pag gawa sa susunod.. tatkutin ko kayo to the nth level LOL

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s