Wag kang matatakot part 2 – Maligno, aswang atbp.

Posted: October 27, 2010 in Uncategorized

Pag dating sa kwentong kababalaghan at katatakutan number 1 dyan ang ating mga nakakatandang kamaganak katulad ng mga tito, tita at lolo’t lola. Marami silang sinishare sa ating mga experience na talagang nakakatakot, di lang natin alam kung lahat ng yun ay totoo o tinatakot lang tayo para di na lumabas ng bahay pag sapit ng gabi.

Katulad nalang ng lola ko sa side ng papa ko (sumalangit nawa). Laking probinsya si lola at nung lumuwas siya dito sa manila sa amin na tumira. Ang dami dami nyang mga kwentong katatakutan sa amin nuon. Isa rito yung tungkol sa kamaganak nyang SUMAMA SA KAPRE. Ang nangyari, etong si Girlash ay may kagandahan at may mapangakit na pangangatawan. Isang gabi, sa kanilang tahanan, may biglang pumasok sa kwarto ni girly, ginahasa ng di malamang nilalang. Malaki, maitim at mabalbon.

Simula raw nung gabing yun hanggang sa mamatay ang babae ay napansin nila ang pagbabago sa mga kinikilos nito, nag-iba na rin ang kanyang anyo na kung dati ay maganda at mistisahin ngayon ay nagmukhang taong grasa at tila binugbog ng 3 katao. Dun na nga lang nila nalaman na may nagkagustong maligno sa kanya.

Namatay ang babae sa di mawaring karamdaman. Kinuwento pa ng lola ko na imbes sa Pinutuan inilabas yung kabaong e sa binta nila ginawa. Para raw matahimik ang kaluluwa nung babae. At isa pang nakakapangilakbot na pangyayaring nung libing na yun ay yung katawan daw nung babae ay naghugis PUNO ng SAGING! KAIBA!!!



Isa pa sa mga wirdong pangyayari na ikinuwento ng lola ko ay tungkol sa BABAENG NAKATUWAD. Nangyari ito nung ako nasa 2nd year high school palang ata nun at nandito na sa manela ang lola ko. Nakagawian na kasi ng lola ko na lumabas ng mga alas singko ng madaling araw. Naglalakad lakad kung saan dalhin ng paa ng bigla raw na may napansin syang babaeng nakatuwad!! Pinagalitan nya ito at sinabing.. “Ang aga aga tumutuwad tuwad ka dyan!” ngunit ang babae e di natinag at tuloy parin sa ganung posisyon. Di nakita ng lola ko yung mkuha kasi nakatuwad nga diba?? as in yung ulo e nakababa sa sahig. Pagbalik nya sa bahay namin e dun nya lang narealize na isa palang ASWANG yun! May sarili silang tawag dun sa probinsya nila nakalimutan ko lang kung ano yun. Ang gawain daw ng Aswang na yun e manakot at worst thing e umatake. Kaya raw nakatuwad e yun yung position nila para umatake! nakakatakot na natatawa kame nung pinapakinggan namin yung kwento ni lola!.

———————————

Isa pang mga kwento ay galing sa tiyuhin ko. Actually saksi din ako dun sa pangyayaring yun. Isang gabi ay sumadya ako sa kanilang bahay para makitulog. E nagkataong buntis ang tiyahin ko nung mga panahong yun, at may mga sabi sabi tungkol sa mga tiktik (hindi yung dyaro! shunga part 2!). Sumapit ang hating gabi ng biglang may naramdaman kameng parang pumapagaspas na tipong isang malaking ibon o paniking. Tahimik ang paligid kaya mas lalong naulinigan namin ang kakaibang ingay na yun.

Tandang tanda ko nun na si tito ay sumilip sa bintana at may dalang itak! nagmumura na tila may kaaway. Hanggang sa nagbitiw ng isang matinding bigwas ng itak, sapalagay koy hindi nya natamaan yung tiktik at tuluyan nalang umalis. Kinabukasan naging laman ng kwentuhan yung nangyari nung gabing yun…

———————————

In my personal experience on this kind of creature. Di ko maconfirm kung totoo yung nakita ko o hindi. Dahil nung nangyari yun ay nasa ilalim ako ng spiritu ng alak kaya tingin ko hallucination ko lang ang lahat.

Pero sige ishare ko narin. Isang gabi nagkasiyahan ang kameng mga magpipinsan. Minsan lang kame magbonding e kaya tinodo na namin, hanggang inabot ng gabi. mga 11:30pm sa di inaasahang pangyayari e napalingon ako sa harap ng bahay ng tito ko sa di kalayuan. Dun sa may gate ay aking naaninag na may isang malaking tao na nakasampa sa mga GRILLS nung nasabing gate!. Nagkataong may BAGUWA mirror dun malapit sa pintuan ng bahay at dun nakatitig lamang yung malaking tao!.

Inilihis ko ang tingin ko sa ibang lugar dahil sa sobrang takot. Nakaramdam ako ng panlalamig at di mapakali kaya pasimple akong pumasok ng bahay at tumigil na sa pagiinom.

-End-

Comments
  1. glentot says:

    Nakakaaliw naman yung aswang na nakatuwad! baka bitch in heat lang yun at lalaki ang inaantay nya!!!

  2. khanto says:

    ftw ang babaeng nakatuwad. :p

    pero medyo scary yung babaeng maganda ang mukha peo olats ang katawan. na-rape ng kapre.

  3. twitchylife says:

    hindi ako nagbasa..
    alam na!
    jumejepaloids mongoloid lang.. baka sabihin mo hindi na ko tumatapak ditei😛

  4. Ayie says:

    Tanong: Nakiki halloween ka ba? hahahaha! Ewan ko sau!

  5. drake says:

    wow, ayos yung aswang na nakatuwad ah? TAlagang kailangan nakatuwad?bakit kaya? Baka iba ang sinisipsip nyan, hindi dugo!lols

    Ingat pre

  6. ampotek, nakatuwad! hahaha

  7. tim says:

    whoa, nakakatakot nga naman. but for me kasi i grew up somewhere outhere, where we used to hunt ghost way back, stories and movies that people were really yelling because of its sound track and those grizzly prosthetics was a bit funny for me. It was just when this hilarious Drag me to Hell brought me into movie house, my friend told me it was convinicingly great. Whoah, then we tried to watch, here we go again, sound tracks, but was shock with the ruined womans’ teeth, ’twas so yucky. all the scene made me scared not becuase of what the horror really means, but it is becuase i was thinkin’ what if the teeth of this old one would be mine, gosh can’t get out from the house..

  8. 2ngawzki says:

    hahahaha!!!tutuwad….malibog na aswang.bat di niya inatake lola mo?di type ang vintage?lol..

  9. greta says:

    ang wholesome naman nung babaeng nakatuwad ah!sa malamang ay magahasa sya sa posisyon nyang iyon..sino ngayon ang naaswang bitch!hahah

  10. wahahaha.. hayup na yan. try nya tumuwad. hehe

  11. Yow says:

    Like nga yung babaeng nakatuwad. Parang yung babaeng nasa last exorcism lang. Haha. Baka pag ako nakakita dun, matawa pa ko. humahalloween. Makikisawsaw ako ng ganto soon. haha.

  12. Poldo says:

    @all
    Bakit puro sa babaeng nakatuwad kayo nakatuon??!! hahahaha…

    nakalimutan ko nung pinapagalitan nya yun e sinipa pa nya! nagtataka ako bakit di sya inatake wahahahah..

    thanks all! final kwento soon!!

  13. gerg_gerg says:

    panalo yung babaeng nakatuwad, 2nd runner up yung naging hugis puno ng saging ung katawan..ahahhaha!🙂

  14. Sphere says:

    ahahaha nakatuwad tlga hmmm parang alam ko na kasi pag tumitig ka daw sa mga mata ng aswang ay maaaninag mo ang sarili na ung ulo na nsa ibaba pabaliktad ka daw kaya siguro nakatuwad ung babae kc nahihirapan na syang tumingin ng nakabaliktad.:-)

    at tama si gerg_gerg 2nd runner up ung katawang naging puno ng saging.🙂

    • egelyn eyas says:

      i like sa nka tuwad…. uip lain pod mog huna2 bcin naa lang na hulog nga dagom dugay lang na punit…. nia bungol wala lang nka dungog sa imoh lola”’ hehehehehehehhehheheh dom dom say;;;;;

  15. albelda says:

    matakot pala ako kaxi maraming multo at walang kasama sa bahayn

  16. jovelyn palen says:

    SIGBIN Ang tawag Sa taong nakatuwad. .

  17. fhatxie co says:

    ang ganda kaxo bitin focus kau lahat sa babaeng nakatuwad ah haha….
    may ganun ba talagang manakot ?????

  18. Clairese justin alimen says:

    Totoo ba talaga ang mga aswang?
    Cguro pag ako ma ka kita nang aswang ‘ hayy’ na ku.. !!
    Hihimatayin talaga ako
    takot ksi ako ehH ! Pumunta lang nga sa madilim natatakot nha sa aswang pa kaya !!😮

  19. pakoylevi says:

    nakatuwad grabe pokpok na aswang cguro?

  20. artehMeeeh says:

    aStig ung ba2eng nka 2wad sbh ng m0m q eh. pag bliktad ka dw sa mata ng khrap muh aswang dw un lakas breakdance

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s