Wag kang matatakot! (The Finale) – Ghost?? Demon??

Posted: October 31, 2010 in Uncategorized

Ok alam kong suyang suya na kayo sa walang kabuluhang kwento ko! kaya eto na ang panghuli!!

—————————–

Nakakaramdam na ba kayo na feeling nyo e may mga matang nakamasid sa inyo? Malamig ang hangin lalo na pag gabi kahit na kulob at tag-init ang klima. Nagigising ng biglaan dahil parang may kung anong bagay na imiikot sa paligid ng iyong tahanan.

Yan ang isa sa mga naramdaman ko nung nasa pinas pa ako.

Nung pansamantalang tumira ako kasama ng nakababata kong kapatid dun sa bahay ng pinsan ko, marami na akong narinig na kwento tungkol dun. Sinasabi nung isa kong pinsan na may mga naririnig daw silang boses ng bata duon lalo na pag gabi.

Minsan naring tumira duon ang ka-live in nung may ari ng bahay. Babae at may dalawang anak na puros babae rin. Ikinuwento sa akin yung pangyayaring may kinakausap yung isa sa mga anak na babae na tila nakikipaglaro, samantalang wala namang ibang tao dun kundi yung bata lang. Sinubukan nilang tanungin kung sino yung kalaro nya ngunit walang maimik yung bata. Kaya simula nuon ay takot nang tirhan ang bahay na yun. Ako lang at yung utol ko ang naglakas luob tumira duon. Si mama at ang dalawa ko pang utol ay nasa ibang bahay pero magkalapit lang yung bahay nila dun sa akin.

Isang gabi, magkasama kame ni girlfriend para mag movie marathon. Konting lambingan nang biglang may narinig kame isang batang babae na tumatawa.

“Babe ano yun??” tanong sakin ni GF
“wag mo nalang pansinin, baka yung mga pamangkin ko lang yun!” sagot ko..

“Hindi eh! gabi na bakit pa sila maglalaro ng ganitong oras at alam ko tulog na yung mga yun!” natatakot na sambit nya….

Di nalang ako umimik dahil sa palagay ko’y yun na nga yung batang sinasabi ng mga pinsan ko. Sinamahan ko nalang si GF umuwi at hindi na inisip yung pangyayaring yun. Ilang beses ko ring narinig yung mga tawang iyon. IniIGNORE ko nalang dahil ako lang din naman ang matatakot!!…

—————————–

Isang malalim na gabi, Nagising ako, saktong alas tres ng madaling araw yun! Sa di ininaasahang pangyayari ay may naaninag akong taong naka-itim na tila anino. Ipinikit at muling idinilat ang aking mga mata, nagbabakasakaling namalikmata lamang ako ngunit hindi!! nandun parin!! Ipinikit ko nalang ang aking mga mata at sabay nagdasal at yun nakatulog. Kinabukasan naalala ko yung MOVIE na THE EXORCISM of EMILY ROSE! naalala ko yung scene na kung saan ay nagising yung ATTORNEY at yung PARI saktong 3am din! Sinasabi rin dito na ang 3AM ay ang oras kung saan malakas ang mga demons. It was Opposite time when Jesus died.

Paminsan minsan lang naman ito nangyayari kaya it doesn’t bother me at all. Maliban lang nitong nakaraan mga araw!!!.

Opo naranasan ko nanaman yang 3AM syndrome(saket?) dito..

 

Ilang ulit din akong nagigising na palaging saktong 3am… at dalawang beses dun ay di nawawala yung aninong katulad ng nakikita ko dun sa bahay ng pinsan ko!.

 

Dalawang ulit din nangyari nagising  akoa(actually di lang ako kundi buong block namin) dahil sa di mapaliwanag na pangyayari ay nagtrigger yung FIRE ALARM SYSTEM namin at saktong 3am din!!! LUmabas ako at sumilip na baka may nasusunog o di kaya ay may naninigarilyo pero nakapagtaka dahil lahat ay tulog na at walang katao tao…

 

—————

Maaaring lahat ng di mapaliwanag na pangyayari sa ating ay dulot lamang ng malilikot na pagiisip, malawak na imahinasyon o dulot ng panonood ng mga pelikulang katatakutan.

Pero di rin natin pwedeng isawalang tabi na POSIBLENG may ganun klaseng pangyayari… POSIBLE silang nage-exist..

Nandyan lang sa tabi tabi..

Nagmamasid..

Nagbabantay..

Naghihintay…

–END–

Comments
  1. Yow says:

    Gumaganun? May paepek na ganun sa dulo? Haha. Naalala ko yung Ngniiiig date. Parang ganun, may sinasabi ding ganun. Pero alam mo ba? We have the same experience dun sa 3AM. Gusto ko ikwento sa blog eh pero pagiisipan ko pa. Haha. Mejo naiba lang ng way yung akin.

  2. drake says:

    may panakot at pambitin pa sa dulo!Parang nagbabasa ako ng aliwan komiks na medyo mahaba lang!hahahha!

    Pre happy eid holiday!

    Ingat

  3. khanto says:

    Buti at walang nagpaparamdam at nagpapakita sa akin for the last 2 months. Laging 3am kasi ang ring ng alarm ko para gumising. Ako lang ang gising sa mga time na yun.

    Siguro dahil sa net adik ko e deadma lang kung sakaling nagparamdam sila :p

  4. Traveliztera says:

    Poldo!🙂
    Una sa lahat, happy halloween!

    Nagigising din ako 3am lage before hehe! Pero ngayon hindi na kasi 3am na,gising pa rin ako ! hahaha!

    Anyway, panalo ung ending lines. Sige manakot ka pa haha!
    Pero may mga nakakasalamuha na rin akong ganyan pero buti d sila nananakot. hehe!

    • Poldo says:

      HI stephy (close??) happy Halloween! trick or treat?? hehehe

      sympre nagpaparamdam lang sila sayo dahil stunning ang beauty mo! gumaganown!!!!

      welcome back hir!

  5. 2ngawzki says:

    palagy ko kundi tumwa yung “bata” malamang san natuloy ung muvi mrathon nyo ni gf.hahaha!pinagttwnan ka nya.hahaha!!!joke….ewan ko nga ba anong meron sa haup na alas 3 ng mdaling arw e 24/7 nmn gsing ang demonyo!Hahaha…

    • Poldo says:

      putek nga yung batang yun panira ng mood! nandun na eh! wahahahaha

      uu nga.. 24/7 gising ex. si ungas!! hahaha joke lang…

      salamat DMP(alam na!)

  6. glentot says:

    Hindi malayong may mga ganyan talagang bagay sa mundo. Wala naman tayo dito noong mga unang panahon para sabihin nating hindi sila nag-eexist, kasi ang basehan lang natin eh laganap na ang technology ngayon? Sabi nga ng napanood kong movie, if there is God then there’s the Devil too!

  7. greta says:

    yadang naman..babe pa!hahaha..sayang naudlot ang lambingan nyo..tsk, spoiler pala ang mga multo!

    ako din nakaranas na ng may matang nakamasid..manyak lang pala..nagustuhan ko naman!

  8. Sphere says:

    Sabi nga hindi lng nman daw tayo ang nakatira dito sa mundo, may mga nauna na sating nakatira bago pa ginawa ni papa jesus ang earth and God made the sky, God made the fish and birds can fly, animals, flowers, trees so tall, God made everything big and small. ahahahaha

  9. Jag says:

    Di kaya ikaw talaga yung hinao-haunt ng anino na iyon? sinusundan ka? LOL……natawa yung bata kasi kung ano-ano daw ang pinagagawa nyo ni Babe hahaha…Joke!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s