My Devil-ish Boss

Posted: November 3, 2010 in Working tag

Dont worry wala nang kinalaman ito sa Halloween EK EK ko!! enjoy!

———————–

‘Ang bait ng boss ko!’

Anim na buwan na akong nagtratrabaho dito, galing sa isang buwan na bakasyon. Masasabi kong nagkaroon ako ng isang napakabait na AMO..

San ka nakakita na hinahayaan ka lang sa mga ginagawa mo kahit alam naman nyan petiks ka lang talaga. Pumapayag pang magOvertime kahit puro pagchachat lang ang inaatupag at kung minsan pa nga e nanlilibre pa ng mga juice o soda sa grupo namin. Take note sa lahat ng departamento sa kumpanya namin kame lang ang may ganun, Panalo diba??. So ideal sa mga napakatamad na empleyadong tulad ko!.

Kaso sa araw araw na ginawa ni papa lord laging ganun. Nakakasawa nang magpetiks! walang pressure! di gumagana ang mga braincells ko sa work. Nilulumot tuloy eh. Parang UNPRODUCTIVE ko nang talaga! badtrip…

Kaya narealize ko! nakakamiss din palang magkaroon ng demonyong AMO.. Opo namimiss ko yung dati kong Boss na konting revision nalang sa kanyang pagkatao e hawig na kay Lucifer. Sobrang istrikto at nakakatakot ang boses. Mangyari kasi kada lipat namin ng bagong administrasyon pero iisang kumpanya(parang bansang may bagong presidente lang) e nagbabago din ang aming AMO kaya ngayon from mala-diablo to San Pedro ang pagkatao ng mga boss ko..

 

 

Kinupit ko from his Facebook account.

Sya ang dati kong Boss Si Ki Soo Lee o mas kilala sa kanyang English name na JOCKEY LEE, oo!! alam ko na ang reaction mo! pareho tayo. Kala ko nung una e brand lang ng BRIP ang JOCKEY LEE! akalain mo yun! totoong tao pala yun at naging boss ko pa! asteeeeeg!!!

Minsan na akong nahuli ng boss ko na nanonood ng video clip sa utub!(ang bait ko noh) at oras pa ng trabaho yun kaya AWARDED ang poldo at pinagsabihan na wag na wag manonood kundi sibak ako sa pwesto!! syempre natako me! kaya NANONOOD parin ako patago nga lang. hehe

Bugnutin lalo na pagwalang tulog at pressure na pressure sa trabaho. Kahit sa simpleng pagngiti ngiti mo lang at tyempong makita ka nya… BOOM!!! bubulyawan ka ng bonggang bongga at pakiramdam mo e nalulusaw ka sa lakas ng pananalita nya!…

 

Eto pa ang iilang malademonyong gawain ng boss ko…(Joke lang sa malademonyo)

  • Kayang umubos ng 3 pack ng yosi sa isang araw.. pag ginanahan +1 mo pa!
  • Umuutot ng pagkalakas lakas in public(pag nasa opisina lang namin at walang amoy)
  • Pagnagbibiro kala mo galet! pasigaw naman kasi!
  • Nanununtok, naninipa!, namamalo ng HElmet at nanakal! ganyan sya maglambing!
  • Maikli ang pasensya!
  • Kuripot sa pagbibigay ng BONUS!!! putek sya!

Naranasan ko ring Masigawan nya nuon. Yun yung araw na namiss place yung susi ng isang equipment namin. Nangyari e kailangang kailangan yung Equipment na yun dahil made-delay ang trabaho. Halos magkanda hilo hilo na kame sa kakahanap ngunit wala. Kaya ayun minura mura ako at ako naman di nakaimik at gustong umiyak! sa pangyayaring yun talagang mangiyak ngiyak ako. Dahil Believe me or not,  ingat na ingat ko yung Susi na yun.  Nagkataon lang na ibinigay ko sa isang kasamahan ko para sya na ang magabot dun sa operator ng equipment,  e ang nangyaring wala yung pinag bigyan ko, nasa ibang area nagtratrabaho at wala syang cellphone para matawagan! bwiset talaga! Pero after naman nun nagkaayos parin kame at dun nagsimula yung father and son na turingan namin..

Kahit na ganyan ang ugali nya sa umpisa e nakilala ko ang tunay na BRIP este Jockey Lee…

  • Mapagmahal at di pabaya sa mga tao nya!
  • Dahil likas na nakakatakot ang itsura at ang dating.. takot sa kanya ang ibang department kaya. WE RULE!!
  • At marami pang iba.. nakalimutan ko lang hihi

Nagshare sya about sa kanyang personal life sakin dati… Sabi nya kung nagtagumpay lang daw yung unang pagibig nya malamang naging kaedad ko raw yung magiging anak nila… Ang sweet! LOL

Nahuli rin nya akong nagdedesign ng bahay. As in nagdra-drawing ng floor plan ng bahay. sabay nagtanong sya..

Is it your house plan in the future??
Uhmm.. No sir, I’m just practicing my CAD skills. sunod ko pero sa totoo yun talaga ang gusto kong plano sa bahay ko..
That’s not a problem! at least you have plan for the future. You just need to strive for it. Okay?? payo nya.
Yes sir! sambit ko
Goodluck!! panghuli nya…

The End…

Namimiss ko lang ang boss/Father/friend ko… Magkasundo kame kasi pareho kameng Demonyo! bwahahahahaha

Comments
  1. YanaH says:

    namimisikal naman si bossing mo sa paglalambing. iskeyriiii.. at may talent sa kababuyan.. paktori pa ng usok! nyahahahha

    unproductive ka ba the past few days?

  2. LordCM says:

    hindi ba kayo magkamukha? mag ama eh😀

    minsan sa trabaho kelangan mo ng pressure para sipagin kang magtrabaho, kapag walang pressure nakakatamad, parang ngayon lang, chat, fb, blog, forum, petiks! lolzz

    • Poldo says:

      bwahahahahahahaha…
      you naman diba sir CM we need to practicing our Englishing skills so i will replied you now in English format..
      ahhmmm..
      sige tagalog nalang! wahahaha..

      ramdam na ramdam ang walang magawa!! wahahahaha nakapagCONFE PA!!! mabuhay ang mga petiks!!

  3. khanto says:

    mukang both frenemies ang dating nia sayo. Minsan friend minsan enemy. :p ehehehe. pero atlist may spice ang work life

  4. aw..tama ka, nakakatamad ang petiks na trabaho. pinaparinggan ko ba sarili ko. gaya mo, petiks din kami dito. haaayyyy…

  5. Jepoy says:

    talking about boss binigyan mo kong nang topic sa bago kong entry. Ma swerte you dahil mabait ang bossing mo at petiks ang work mo hihihihi

    • Poldo says:

      Swerte nga kaso sa palaging petiks nakakatamad na rin minsan sir.. Yun nga unproductive tsaka nakaka-bobo hehehe..

      abangan ko nalang yung bagong topic mo sir! salamat

  6. 2ngawzki says:

    aaawww…sweet!!!Yung head naman namin inaapi api namin sa sobrang bait.ahahaha!!!

  7. karen says:

    sweeeet nyo naman…🙂 swerte nyo sa isat isa

  8. p0kw4ng says:

    naiimagine ko ang boss mo kasi may naging boss ako na ganyan dati…kung titingnan mo at kung magsalita eh supladita…pero pag trip nya akong bigyan ng pagkain eh sinusubo nya pa sa akin minsan…ahahaha

    salamat sa pagdaan sa bahay ko ha!!!

  9. Yow says:

    Wow. Akala ko puro lait sa boss ang mababasa ko. Mabait naman pala si Jockey. Close agad? Haha. Sad naman hindi mo na siya boss, ang cool pa naman ng boss na umuutot ng malakas. Haha. Dugyot.

  10. glentot says:

    Ah salamat sa post na ito natutunan ko kung paano magpalakas sa boss. HAHAHA!

  11. unni0411 says:

    tahdan hahaha haymback letche na boredom hahah….
    ai wala c mr kim bat c mr lee lang hahaha….ok payn ikaw na ang may floor plan hahaha..
    nyahhhaa goodluck sa baga ni mr jockey lee panalo ang english name cno kaya nagbgay sa knya nun haha…
    sunod namen gawn mo ng story c mr kim hahaha…

    apir sa pagiging unproductive these days~~

    hamishue~

  12. Unni says:

    letchness nakapagcomment ako gamit wordpress account ko bwahahhaa,,,,ang tanga much ko lang ,,,inaantok pa kasi,,,nagtaka namen ako bat may approval k png nalalaman haha,,,

  13. Sphere says:

    ahahaha natawa naman ako dito sa post mong ito kasi sa December 7 ibang company nako at magrereport ako sa pangalang JOHN LEE nakilala ko sya last month isa sya sa limang nakipagkwentuhan sakin during nterview, napansin kong kamay nya palang ulam na, mas maganda pa kamay nya kesa sakin ahahahaha🙂

  14. benh says:

    Yo! May award ako sayo. punta ka sa bahay ko! hehe

  15. greta says:

    parang ang sweet nyo din naman ng boss mo kahit papano?eeehh…hindi ko lang maimagine ung pagutot ng malaksa sa office..damoho..sya na!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s