Pressure much

Posted: November 22, 2010 in Family matters

Bibihira lang ako tumawag sa pinas.. Sa totoo, kahit na magkanda homesick homesick pa ako e di ko nakasanayang tumawag kela mama. Usually once a week lang at every friday lang ako tumatawag dahil mababa lang ang call rate pag friday. Kung tatawag man ako ng hindi papatak ng araw ng biyernes, malamang may problema o may kailangan akong itanong sa kanila..

like kanina..

May problema kasi dito sa opisina tungkol dun sa kasamahan ko na nagkataong kapitbahay ko pa, na malaki ang pinagkakautangan dahil sa kanyang pambababae.. Since kapitbahay ko nga, ako tuloy ang pinagtatanungan ng kanyang pinagkakautangan. Sinabi ko nalang kay mama na umiwas dun sa kapit bahay namin para wala nang gulo.

Kinumpirma ko rin yung tungkol sa bahay na binabayaran ko. Ayun baka after Christmas e pwede nang lipatan…

So anong catch ng Story ko?? At anong nakakapressure?? wala naman Jowk.

Here are the rest of our conversation kanina ni mama..

Mama: Anak ok na yung house na binili natin after pasko pwede nang lumipat para sakto sa New year e dun na kame sa bagong bahay natin..


Ako: Well that’s great (PUta english!), Anong sabi ni papa??


Mama: Nagkausap kami kanina, Ok naman daw , At gusto narin ng mga kapatid mo. May sinabi si papa mo sa akin… Gusto ka na nyang PAGASAWAHIN..

nagulantang ang aking isipan, nagkaroon ako ng pansamantalang tachycardia (based sa kilala kong NURSE ) bumilis ang pintig ng pulso at walang naimik….

Mama: E sabi ko ayoko pa.. di pa nga tayo tapos sa pagbabayad sa bahay eh..

Ako: O_o

Mama: Tsaka kailangan pang tumulong ni GF sa pamilya nya

Ako: o_O

Mama: Sabi ko nga gusto ko lang magka APO pero ayoko pang mag ASAWA ka..

Ako: O_O(WTF!!)

Mama: Kaya dapat paguwi mo Gawa ka kagad! sinabihan ko na rin si *insert GF name Magpataba.. masyado na syang subsob sa trabaho paano na kung uuwi ka… kelan ba uwi mo anak??

Ako-_- o sige na Ma may ginagawa na ako.. bye Love you.. miss you…

Toooottt tooott..

Napaka-conservative at walang kabahid bahid ng kawalangyaan ang pagkatao ni Ermats! Isa syang tunay na larawan ng DALAGANG FILIPINA…. SYA nA!

Comments
  1. Jepoy says:

    ano pang hinihintay mo ipusnin mo na ang similya, para pag uwi mo isang banatan lang shoot kagad. Juk!

  2. MidnytDriver says:

    hahaha.. natawa naman ako sa banat ng ermats mo, Apo lang ang gusto.

    At ikaw na.. Ikaw na ang nakabili ng bahay.. HONGYOMON!

    • Poldo says:

      hindi lang naman ako yun noh.. xempre may tulong rin ni erpats.. kaya di lang ako ang may contribution hehehe… saka na ang apo di pa handa hahaha di katulad mo ikakasal na woohooo!!

  3. khanto says:

    huwaw. rich kiddies!

    may house na!

    Pede ka na magka-baby. :p

  4. greta says:

    woo alayket!umuwi ka na sa new year at sabayan nyo na ang putukan!congrats..maaga dapat?

    • Poldo says:

      Ayoko Ayoko AYoko! *galet?? hahaha di pa handa yung mga protein sa loob ng yagballs ko para makabuo ng bagong tao.. tsaka PRO-RH Bill ako! hahaha Lusot!

  5. taribong says:

    yari na! magkakayarian na! yari na talaga! hehehe tagay parekoy

  6. Ungaz says:

    Uy may natutunan sakin…hahaha!!!Ayon o may bahay na siya e bumuo ka na ng tatao sa bahay niyo.hahaha!!itira na yan.watcha waitin for!!!!

  7. YanaH says:

    di na ko masyadong magreak at kahapon ko pa nalaman toh.. pero tuwang-tuwa ako sa mudir mo very very much talaga hahahaahhaa
    walang pag aalinlangang mag-ina kayo hahaha..
    i love your mother na! premises hahaha
    hmmm ask mo pa rin sa mudrakz mo un sinabi kong “temporary” hahahahahaa

    • Poldo says:

      Syempre kanino pa ba magmamana ang poldo kundi galing din sa sinapupunan ng kanyang ina bwahahahaha…

      teka tanong ko muna.. pero tingin ko baka magustuhan yung “temporary” at maging permanent dahil ka-cute nila hahaha

  8. Unni says:

    agree ako kay yaning love ko na rin c mader mo ..she’s cool huh hehehe..
    ayun oh c mder gusto na ng apo bwahhhaa…ang saya saya..gora gawa na ayan ha di ka na tigang pag uwi mo bwahaha tae ang ingay ko,,,,haller haller poldy~~ahihi

  9. Yow says:

    Yun naman pala eh. Pwede ka mag-anak bawal lang mag-asawa. Eh di game. Itira na yan. Haha. Pag ganyang tigangness ka kasabay ng disyerto eh sa malamang pag-uwi mo dito, atomic bomb ang mangyayari. Haha. Tatay ka na! BWAHAHAHAHAHA.

  10. NoBenta says:

    kasalan na ito!! parekoy, huwag mo akong kalimutang imbitahin sa long table niyo ha! ang lufet ni mama mo. ano ba ang hinihintay mo?

    blogenroll \m/

    • Poldo says:

      Patay tayo dyan bossing… di pa handa at ayaw pa ni ermats ng kasalan gusto e APO lang hahahaha.. dont worry sir imbitado ka pag ako e isasakal na este ikakasal!

      \m/Blogenroll !!!

  11. Diamond R says:

    ok si father mo talagang gusto ka ng pagasawahin.si mother naman apo lang ang gusto.pwede naman.
    pero the best ang nabiling house na pwede ng lipatan kaya segurado masaya ang pasko ng lahat.

    • Poldo says:

      ok sa kanila kaso di pa ako handa sir.. saka nalang siguro hehehe.. yung sa house talagang gusto ko na silang palipatin mahirap nang maulet yung ONdoy.. tsk tsk..

  12. glentot says:

    Hahahaha shiiiit parang nanay ko lang pasimpleng parinig…

  13. sikoletlover says:

    ahahahaha natawa naman ako kay mader dearest mo😛 parang nanay ko lang. nagpakasal na ako at lahat ayaw pa rin akong lubayan hanggat hindi ako nabubuntis. wala pa kasing apo sa side namin kaya excited na excited😀

    ikaw na may nabiling bahay. richness!🙂

    • Poldo says:

      Hindi lang naman sa akin yun.. sa buong family ko hihihihi… tsaka ayoko pang magkaanak.. Wala pa sa plano ko ang magdagdag sa population ng pinas hihihi..

      Gow ikaw na dapat ang magkababy hehehe

  14. LordCM says:

    Hehehe😀 Yun iba kasal muna bago anak, kakaiba si mama mo lolzz

  15. ang dali lang naman pala at simple ang gusto ng ermats mo. APO! di ka ba pinagpawisan ng plema nyan?

  16. Jag says:

    hahaha I like your mom hahaha…go go go! lols

  17. tim says:

    Sarap nga may nanay anu.. hehehehe.. Nice naman Poldo, mebahay ka na..

  18. Drake says:

    ikaw na ang may bagong bahay! Ikaw na ang may mabait na nanay! ikaw na ang may seksing GF! Ikaw na! Ikaw na ang ANAK NG DYOSSSSSS!!!!

    Ingget lang!hahahha!

    Ingat pre

  19. karen says:

    nakakatuwa namana ermat mo haha!ano pang hinihintay gawa agad!:) haha

    btw, ikaw na mayaman na may bagong bahay🙂

  20. p0kw4ng says:

    sabihin mo kay mama mo na kung maiipun lang ba sa bote yang semilya na yan eh di naipadala na kay GF at may apo kaagad sila kahit wala ka don,hihihi

    ayos si mama ah!! cool!

  21. EssaPayoyo says:

    madali lang naman magbigay ng anak diba? hahahahaha

  22. baka bumanat yong mama mo ng ganon dahil ayaw sa gf mo? a parent would always want naman siguro na may mag-aalaga sa kanilang anak. kaya apo lang gusto kasi yon lang ang gusto.. package na dapat yon diba hehehehe LOL (pinag-isip ka lang poldo lol)

  23. Rainbow Box says:

    at least honest si mommy! liberated nga lang!!!! sama ako sa blessing ng bagong bahaaaaaaaaaaay!😛

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s