Christmas Wish….

Posted: December 4, 2010 in Uncategorized

Yuhuu!!

hello!

I’m still alive you know! hehehe. Kamusta naman mga kakwentuhan.. Medyo matagal tagal din akong di nakapagpost ng walang kwentang mga kwento. Sa kadahilanang tinatamad na ako (joke!) may mga pangyayari sa aking buhay na talagang susubok sa katatagan ko ngayon.. Kung ano yun e saka nalang paghanda na ako(arte!).

Malapit na ang pasko, don’t worry this is not the same post na puro kabitter-an lang ang nilalaman. Tinigil ko na yun pero kahit ganun BITTER parin ako noh! bwahahahaha..

Nauso na rin ngayon ang mga wishlist this Christmas, may mga iilan ang gusto e mga bagong gadget, damit o iba pang material things na magsasatisfy sa kanilang luho.. Marami ring mga humihiling na hindi lang para sa sariling kapakanan. Kumbaga e sa pinakagasgas na wish e WORLD PEACE!.

Christmas na Christmas na talaga

Sa Real World pati narin sa BLOGworld…

Dito sa amin, Yung mga kasamahan kong pinoy dito e nagpapaDOWNLOAD na sa akin ng mga Christmas song na kahit na nasa Muslim country kame e dapat feel parin ang presence ng Christmas.

Listening, Singing and dancing to the tune of  “Last Christmas i gave you my heart”. Oo korni na! hehe pero masaya at ang sarap pakinggan diba?..

Well ano nga ba ang wish ko for this Christmas??

Pwede bang Umapila na rin for my Birthday Wish??

Total e ilang days nalang naman after ng birthday ko e Christmas na…

Isa lang naman yun…

Sana..

Gumaling ka na Mama😦

Comments
  1. khanto says:

    Base.

    Sana gumaling na ang mama mo.

    At sana, di ka na bitter. hehehehehehehehe :p

  2. sikoletlover says:

    i hate the feeling when one of my loved ones is sick😦

    i’ll include her fast recovery in my prayers. Godbless poldo…

    • Poldo says:

      Maraming salamat bossing!
      tama ka di ko alam ang pakiramdam ko nung na diagnosed yung sakit ni ermat.. well sinasabi nya pa sa akin na wag akong magalala kaya nya raw ang sarili nya.. hay…

      maraming salamat sikolet.. Merry Christmas

  3. Diamond R says:

    Gagaling na ang mama mo. na touch naman ako sa wish mo. merry christmas to you diyan sa kabundukan ng ruwais.

    • Poldo says:

      Maraming salamat sir Rommel..

      merry Christmas din dyan sa Mussafah.. sana nga gumaling si mama this monday operation na nya.. hay..

      thank you sir!

  4. yuukitot says:

    i hope na gumaling na mader mo..

    yan din ang kahilinGan ng lahat ang good health at magkakasama ang buong pamilya or should i say buong angkan nalang this coming x-mas…hahaha (funny)

    MERRY X-MAS SA LAHAT!

  5. NoBenta says:

    nalungkot naman ako bigla sa post mo parekoy. close ka na sakin eh kaya nakakalungkot na malaman kong may sakit mama mo. sama ko sya sa prayers ko. wag ka mag-alala parekoy, di sya papabayaan ni Bro!

    • Poldo says:

      Maraming salamat po bossing jayson.. mahirap talagang isipin na may nararamdaman ang mahal mo sa buhay lalo na kung nasa malayo ka.. hay.. maraming salamat sa prayers..

      yan na siguro ang pinaka malaking gift na naibigay nyo sa akin sir! maraming salamat po ule..

  6. drake_kula says:

    brod bat di mo isali ito sa raffle ni Salbehe?

    Nalulungkot ako para sa mama ko, at wish ko ang paggaling nya!

    Heto nga pala yung wish list ko rin, at ito rin ang sinali ko sa pakontes ni Salbehe!hehehe (may promotion, lols)

    http://utakhangin.blogspot.com/2010/11/simple-kong-hiling-ngayong-pasko.html

    Ingat

    • Poldo says:

      Maraming salamat sir… kahit yun lang ang tuparin sa wishlist mo ok na hehehe.. nabasa ko na yung wishlist mo at totally emoness hehehe..

      maraming salamat sir!

  7. Unni says:

    poldy~~~~~~~hugs*********************
    basta alam mo na ang gusto kong sabhin diba….
    ingat k lng lagi at pakatatag ka ha~~~

  8. Ungaz says:

    What happened to your mom?I hope she gets better….:)

  9. Pong says:

    I’ll include your mom sa mga prayers ko po.
    Be blessed

  10. taribong says:

    Sana gumaling na nga ang mama mo. Ngayon din!!😀
    Merry Christmas!!! Happy Birthday!!!
    Happy New Year!!!! :d

    • Poldo says:

      Thanks sir…

      sana nga mag-ala-IDA nalang tayo parang kay shaider na.. sabihing gumaling ka mama Ngayon din hehehe..

      maraming salamat merry Christmas po!

  11. Yow says:

    Awww.. Ang sweet. What happened to your Mom? Is she okay now? Get well soon to her. Kapag ganyang malayo ka at walang magawa sa sitwasyon, walang ibang dapat gawin kundi mag-PRAY. God Bless you.

    • Poldo says:

      She actually saying na ok lang sya.. wala syang nararamdamang masakit or something.. ayaw nya lang kameng magalala dito.. hay..

      maraming salamat brod!

  12. YanaH says:

    alam mo na.. youre mother’s always included in my prayers.. alam mo naman yun diba?

    yun lang.. wala na ko masabi… 😀

    *hugs-hugs* poldy… amisyu ng tri ports!

  13. glentot says:

    Isang maligayang Pasko sayo Poldo!

  14. p0kw4ng says:

    cheer up kahit na sa akala mo eh may mabigat kang dinadala…dahil yan ang makakapag palakas ng faith at pagkatao mo!!=)

    sana gumaling na si Mama mo! be strong sa mga ganitong pagkakataon=)

  15. gerg_gerg says:

    mahirap pag may nagkasakit sa pamilya ng ofw.. isip ka ng isip😦 get well soon to her soon.

  16. Jag says:

    Count my prayers for your mom…merry xmas!

  17. Rainbow Box says:

    paul anung update kay mama? hope she’s fine. you and your family are in my prayers. ☺

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s