Bente Kwatro!

Posted: December 20, 2010 in Uncategorized

Ang lameeeeeeeg!!!

Bente kwatro oras nung simulang lumamig ng husto dito sa kinalalagyan ko.. Kahit nasa gitna ng Disyerto to e nakakaranas parin kame ng winter noh! Tumatayo tuloy yung… yung….  BUHOK ko sa sobrang lamig! pambihira.

Wala akong masyadong maikwento lately (halata!) binabalak ko na ngang isarado tong pahina kong to, pero nagdalawang isip parin naman ako.. Sayang ang miles. Kung sakali mang ayoko nang magblog e iiwan ko nalang nakatiwangwang, lumutin to hanggang maagnas! at tuluyan nang maglaho (DRAMA!).. Nawawalan na kasi ako ng gana, For now…

Malapit na ang pasko kaya damang dama na ang lungkot at pangungulilang na nararamdaman ng mga kapwa ko Ow-ep-dabalyu dito…  Di na maalis siguro yun dahil kasama na sa kontratang pinirmahan namin, ANG pansamantalang di makaranas ng pasko. Well may option parin naman kami kung gusto talaga naming magCELEBRATE.. like gumawa ng simpleng handaan o salo salo, KOnting kantahan at sayawan, Malimutan lang pansamantala ang kalungkutang nadarama.

So far wala namang pagbabago ganun parin.. Si Ermats kakatapos lang ng kanyang surgery sa Ulo. Pasalamat narin at di na kinailangang i-chemotherapy at nakauwi na sa Bahay (Thank GOD). Next year na ule babalik nya sa hospital for another surgery, Plastic surgery para takpan yung natangal na part sa ulo nya.. Malamang nasa pinas na ako nun kaya bawas worry na..

BENTE KWATRO oras mula ngayon BIRTHDAY ko na. wahehehe.. Anong handa? WALA! simula kasi nung mapadpad ako dito e kinalimutan ko nang ipagdiwang ang kaarawan ko (OO bitter!).

At dahil naniniwala akong end of the world na sa 2012 at sa eksaktong 24months mula ngayon e magsisimula nang mabuwal ang mundo *evil laugh* unless may isasakripisyong isang dalaga! Ungaz ikaw ang isasakripays diba?? hahahahaha…

At kung itatanong mo kung ilang taon na ako…

Secret…

Walang CLue..😀

Comments
  1. LordCM says:

    Buti naman ok na si mother mo, sana dirediretso na paggaling nya🙂

    happy 35th birthday sayo poldo😀

  2. Rainbow Box says:

    24 ka na paul? kuya pala kita, 22 lang kase ako eh.. advance happy berdey kuya paul! buti nalang ok na si mama mo! =)

  3. MidNytDriver says:

    parekoy, sana ay tuluyan ng gumaling ang Ermats mo!

    At maligayang kaarawan nga pala sayo in advance…

    Kaya yung pasalubong mo para sakin, pwede ba in advance na rin. hehehe

    • Poldo says:

      Maraming salamat pare koy.. yan din ang katangi tanging hiling ko sa pasko gumaling si ermats…

      yung pasalubong ok na ba ang anghit ng pakistani? dont worry it last up to 1month kaya maibibigay ko pa sayo personally hehehehe joke lang..

      maraming salamat pare koy..

  4. khanto says:

    buti at ok ang surgery.

    hulaan ko age mo, 22?

  5. dhianz says:

    naligaw akoh ditoh galing kay glentot… like ur page napaka-readable… nd btw…happy birthday sau!!! kantahan kitah… happy birthday to u… happy birthday to u… happy birthday happy birthday… happy birthday to u… yan… huhulaan koh age moh…. 18??? lolz… nde i know nah… 24… wehe… ingatz! Godbless!

    • Poldo says:

      Ms. Dianz.. maraming salamat at nakabalik ka dito.. if im not mistaken e nakapunta ka na dito hihihihi.. maraming salamat..

      natuwa naman ako at kinatahan mo pa ako.. thank you po!

      God bless you din.. add kita sa blogroll ko..

  6. Yow says:

    Wow. Bday mo na pala bukas? Happy Birthday Polds. Good to hear na okay na Mommy mo. Napano ba siya? Nakichismis pa. Magblog ka na nga! Nangaagaw ka ng Best in Hiatus Award ko eh. Haha. God bless. Merry Chirstmas Polds.

    • Poldo says:

      Salamat YOW!!!! kahit ako nagulantang na kaarawan ko pala bukas.. J/K!….

      Si ermats e nadiagnosed na may bukol sa ulo nya.. pina-biopsy at yun yung result e something that may lead to cancer, at first sinabi nung doctor na kailangan i-chemotherapy para totally matanggal na yung cancer cells pero thank god at wala nang ganun.. tapos yun kakatapos lang nung surgery nya tapos sabi nung doctor na hindi na kailangan ng chemo.. tsk.. Thank god parin.. hay…

      At about sa best Hiatus Award.. wag kang magalala di ko maagaw yan! Nakapangalan na sayo yan permanently hahahahaha..

      Merry christmas YOW! salamat!

  7. greta says:

    happy birthday polding!lilitaw kaya yun sa fb?babatiin kita ulit dahil mabati akong peop!get well sa mudak mo at gusto ko magshare sayo ng trivia..alam mo ba na pag malamig e ung betlog mo ay mas lumalapit sa iyong katawan para hindi ginawin!oo humahalimhim ang betlog!naishare ko lang..

    • Poldo says:

      ETO naman pati ang nananahimik kong betlog e pinansin pa! pero hayaan mo oobserbahang ko yang sinabi mo.. kasi isa lang ang napapansin ko pag malamig e tumitigas yung….. daliri ko… hahahaha..

      kita mo bukas may notification ka ng bonggang bongga at ang sabi ay Birthday nung Unggoy na nagfafacebook kaya behold yourself ok??

      salamat gretalicious!!!

  8. Ungaz says:

    1. good to hear your mom’s okay…ipagdasal natin ang tuloy tuloy nyang paggaling..

    2. e belated happy birthday…condolence sa magulang mo sa paglitaw mo sa mundo.joke!!!hahahaha…seriously, happy happy birthday.nawa dumami ang blessings

    3. walanghiya ka!idinamay mo pa ko sa paggunaw ng mundo.ako iaalay mo, mabibilis lalo ang pag gunaw.tsk tsk!hahahahaha….

  9. Jag says:

    Wooohhh 43 k n eh lol…makabati n nga lng…hapei beyertdey Poldo! Grabe kung hndi maxadong mainit jan ay masyado nmng malamig…nakakabuang hahaha…

    • Poldo says:

      Utut!!! sa ayaw mot sa hindi 22 este 24 palang ako! hahaha…
      OO tama ka.. sala sa init sala sa lamig tong lugar na toh.. kakaiba….

      Maraming salamat pare koy….

  10. Glentot says:

    Yes! May kasama akong naniniwala at umaasa na magugunaw na ang mundo! It’s about time!!!

    • Poldo says:

      Tama! its about time! gusto ko ring mangyari yun! bwahaha kaso ayoko yung katulad sa Movie may natira paring madlang pips.. mas maganda walang matitira wahahaha

  11. sikoletlover says:

    gagaling na si mama mo. i believe ^_^

    obvious na obvious nga yung clue sa edad mo e. 42 ka na! (baligtarin natin ang 24 na binanggit mo ng 3 beses. oha!)

    advance heypi bertdei polding!

  12. gagaling si mama mo, at yun ang magandang pamasko sa kanya ni papa jesus.

    kamusta parekoy?

  13. drake says:

    UTOT MONG BLUE…. Beinte kwatro daw??!!

    Malamig din dito sa Saudi, at ako lang ang HOT!! hahahha!

    Hays ayokong ngumawa sa saturday, A-YO-KO!!!

    ingat brod

    • Poldo says:

      Ayaw pa kasing maniwala na mas matanda ka sa akin noh! hahahahaha..

      so ikaw pala ang dahil at nagbibigay init sa mga arabo dyan? hahaha dibale sir drake ganun talaga… Chat chat lang ang sagot dyan sa pag ngawa hehehe..

      merry Christmas sir!

  14. The Pope says:

    Malligayang kaarawan, nananalangin sa maagang paggaling ng iyong ina at maligayang Pasko sa iyo at sa buong pamilya.

  15. NoBenta says:

    hapi beerday parekoy!! bakit hindi ka nanghingi ng nauusong pektyur greeting? hehehe

    nice to know na ok na si mama mo. let’s continue praying for her recovery. naks, umeenglis!

    blogenroll \m/

    • Poldo says:

      maraming salamat bossing!!! di na ako humingi kasi nakakahiya tsaka dagdag lang sa Christmas hassle yun hahahaha..

      Continuous lang yung recovery ni ermats pero now ok na rin naman.. maraming salamat po! Merry Christmas!!

      \m/BlogeNROll!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s