Pangyayari at pasasalamat nitong Tu-U-ten

Posted: December 29, 2010 in Kahit anong ka-poldo-han, Makapagblog lang :)

Yeeeeeaaaaaaaaabaaa! Ilang tulog nalang kasabay ng pagpapalit ng brip ni poldo e magpapalit narin ang taon (Taunan lang talaga magpalit ng brip).

Ang saya saya!!!!!……….. nyo! Grabe! kame ganun parin. Normal lang. Walang ingay. walang Putukan as in payrkrakers!!! hmf! LOL. Pero kahit ganun e masaya parin dahil natapos ang taon na puno ng pagpapala galing kay papa lord (religious!).

Ang daming nangyari nitong taong to. Maraming problema, Stress at kung ano ano pang shit na nagpapahirap sa aking murang isipan.  Natural lang naman ang ganun, yung tipong susubok sa katatagan mo. Mapa-pisikal, emosyon o pati narin sa espiritwal. Pero kahit ganun mayroon paring mga bagay na nagbibigay saya at inspirasyon sa akin dito para magpatuloy (CHESSY!). O diba? like what they’ve said “Buhay ay parang gulong kulay itim” iconnect nyo nalang sa life ha?? LOL

Anu ano nga ba ang mga pangyayari sa akin nitong Twenty-Ten?.. Lets try to overview it again. Roll VTR Please.

  • Bakasyon 2010– Umuwi ako nung March 17 para magbakasyon. FIRST TIME ko yun kaya super heksayted ako!. Di ako pinatulog buong gabi bago yung flight ko at di rin ako nakatulog sa eroplano. Kaya pagdating sa bahay. LUPAYPAY. hahaha MOnth long vacation yun at sulit na sulit talaga, pahirapan lang ang pagbalik pambihira.
  • Graduation nila UTOL – Sakto  nung vacation ko e graduation rin ni utol. Sarap ng pakiramdam na may napagtapos ka sa pamilya mo at ang pinakamasaya dun e nakapasa pa ng board exam for nursing si utol o diba? nadagdagan nanaman ang mga volunteer nurse sa pinas? woohooo hehehehe. Isa pang grumaduate ay yung utol kong sumunod sa akin (Nursing din PAK!!! LOL) Next year ang board exam nya sana makapasa rin.. hehehe
  • Utay utayin ang mga pangarap- lagi ko nang nababanggit dito sa blog ko yung tungkol sa bahay na binabayaran namin. Napakasaya dahil magkakaroon na kame ng sariling bahay!! after a couple of years e ngayon lang magkakaroon ng sariling bahay. Ang saya saya! hhehe..
  • Blogging- Op kors!! makakalimutan ko pa ba itong aking bahay? 2010 ako nagsimulang magblog at magFEELING Writer. Yun na! hehe
  • Year-end PRoblem- Eto na ang sinasabi ko. Hindi sa lahat ng pagkakataon e masaya. Si problema nandyan na!.
    • Nagkaroon ng bukol si Ermats sa ulo. Pina-biopsy namin at yun kung papabayaan e pwedeng maging CANCER. Initial finding/suggestion ng doctor e surgery at i-chemotherapy si mama.  Puta! di ko alam ang gagawin at sobrang pagaalala ko dito. Nung nalaman ko yung kalagayan ni mama e di ko maiwasang umiyak, kahit dito sa opisina pinipilit kong wag ngumawa pero di ko talaga mapigilan hay.
    • Patapos ang project. Isa rin tong pinoproblema ko, baka umuwi na ako ng pinas ng alanganin. Tapos na ang trabaho namin at malamang sa alamang e sisipain ako ng company ko pabalik ng lupang sinilangan! waaaaaaaaaaaaaaa..
  • YEAR-END Blessing- Di parin ako pinapabayaan ni papa jesus. Nandyan parin sya at sumusuporta sa akin. Napakasaya dahil..
    • Naging successful yung surgery ni Ermats at di na kailangang mag-chemo ek ek na yan. Dahil sa totally tinanggalan ng laman at balat yung affected portion sa ulo ni mama e kailangan i-plastic surgery para takpan yung open wound or else kita yung bungo ni mama. Schedule for surgery — next year na.
    • Nitong nakaraang araw lang e pinapaalis na talaga ako T_T pero may lilipatang bago! at take note 10 YEARS project pa! FU@*&( Pang retiro na yun! hahahaha.. Bale uuwi na ako next year/month(sana) for one month vacation at balik ko dito para starts the new project! ang saya! hahahahaha..

Yan lahat ang pinaka-summary ng nangyari sa aking buhay nitong 2010. Year ko pa pala ito (year of the tiger) swerte talaga hehehe..

Sa 2011 kaya.

Magkaka-BABY na kaya.

Kasal?

AYOKO PA!!!!! HAHAHAHA

Have a BLESSED NEW YEAR EVERYONE!!!!! enjoy! ^_^

Comments
  1. Ungaz says:

    Buti ka pa mdaming blessings.bitter?hahahaha!Nakng!magpapamilya na si Poldo…wooohhhhooo..kunyari pang ayw!Itira na yan ng makarami…hahaha!God bless.:)

    • Poldo says:

      Napaka buti kasi ng aking kalooban kaya daming gift sakin ni god kaya ikaw magpakabait ka na para dumami rin gift sayo! LOL

      Ayoko pa nga! di pa ready testicles ko noh! hahahahaha

  2. Marco Paolo says:

    Ang saya saya!

    Daming nangyari sa buhay mo.

    Di talaga tayo pababayaan ni Lord kahit anong mangyari, andyan Siya!

    Happy New Year!

  3. Yow says:

    Wow naman. Angdami achievements. Parang yung problema mo na pangalawa eh nasolusyunan din naman pala agad. Haha. Di ka na masisipa pabalik dito sa Pilipinas. Haha. Good to hear na ayos na ang Mommy mo. Prevention is better than cure kaya ayus yan na napigilan na bago pa mag-metastasize. You’re truly blessed Polds. At nagupdate ka na rin ha? Haha. Gaya gaya.

    • Poldo says:

      natyempo lang noh! hahaha kailangan bago magtapos ang taon e kailangan may goodbye 2010 para bongga hihihi..

      Dasal lang yung nagawa ko at yun talagang nakatulong.. hindi na masyadong nagwoworry kay ermats hehehe..

      salamat yow! happy new year!

  4. jepoy says:

    INdeed everything is a blessing! I’m glad that your mom is okay now.

    Pag uwi mo ung pabango kong pangako mo ha. Naikintal na yun sa memory ko ahahhaa

    May you have a prosperous new year!!!!

    God Bless…

    • Poldo says:

      Sinubukan kong hanapin yung mga request mo isa lang yung nakita ko.. puro limited edition ata yun pambihira.. LOL

      Happy New Year din sa’yo and sa family mo boss jepoy!🙂

  5. Diamond R says:

    kita mo yon. kahit may challenge ang taong ito.madaming magandang nangyari sa buhay mo. Natawa ako sa parting words mo. Magkakababy na kaya. kasal. AYOKO KO PA. sabay tawa. ayaw mo pa nga magasawa sigi magpakayaman ka muna. darating din yan.

    • Poldo says:

      ayoko pa talaga kasi sir.. gusto ko ready ang lahat.. tsaka di pa talaga ako ready sa fatherly thingy.. hahahaha..

      maraming salamat sir/.. happy new year!

  6. khanto says:

    sa 2011, baka malay mo, sabay ang kasal at baby :p Magiging lola na mom mo.😀

    • NoBenta says:

      ika nga nila parekoy, hindi araw-araw ay pasko! pero sa totoo lang, ‘di tayo bibigyan ni Bro ng mga pagsubok na ‘di natin kakayanin.

      maglibag sa pasko at maligo sa bagong taon!! wishing you all the best this coming year!

      blogenroll \m/

      • Poldo says:

        tAMA! sinusubok lang naman tayo ni lord kung kakayanin natin pero sa huli nanydan parin sya tutulong! marmaing salamat at happy new year si jayson! teka kelan uwi mo? baka magkasabay tayo! hahaha

    • Poldo says:

      hehehe gustuhin ko mang bigyan ng apo si ermats di pa talaga ako handa…
      anyway happy new year Gelo AKA khanto hehehe

      • NoBenta says:

        sa January 10 ang uwi ko. one month ang bakasyon ko. kontakin mo ako kung magkakasabay tayo para makalagok tayo ng sanmig light!

  7. drake says:

    PArekoy pareho pala tayong may kapatid na nurse at yung isa nakatapos na rin at nakapasa sa board exam then yung isa next year din!Galing ah! pati lipatan ng company ganun ganun din!Naks

    sana maging maganda rin ang susunod mong taon.

    Ingat palagi brod!

    • Poldo says:

      Mukhang iisa lang ang landas na tinatahak natin ah.. pero ikaw dapat magpakasal na! ang tanda mo na noh! jowk hahahaha

      Next month uwi ko sir mukhang hindi tayo magkakasabay sa paguwi.. sayang….

      happy new year!

  8. karen says:

    parehas na parehas pala kayo ni kuya drake. nababasa ko din sa blog nya. kambal? hehe

    ang swerte mo sa lahat ng bagay. sana magtuluy tuloy yan hanggang 2011. baka malay natin magkababy poldy na next year. haha. ang saya siguro nun🙂

    • Poldo says:

      uu nga eh.. para tuloy na-plagiarize ko yung buhay nya hahahahaha… well di ako naniniwala sa goodluck or badluck nasa tao parin at paniniwala kay god.. BLESSINGS tawag ko dun hehehe…

      waaaaaaaaaaa ayoko pang magkababy.. pro-RH bill ako.. yoko pang dagdagan population sa pinas heheheh

  9. greta says:

    kasarap siguro sa feeling nung may napagtapos ka?congrats sa achievementssss.ang dami eh!pwede bang pagaralin mo din ako, hrm lang naman course ko baka kaya mo na itaguyod?azucarera de papa?hahah

    kung gusto mo na magasawa next year, buong puso ko ng ipinamimgay sayo si ungaz para maging kabiyak at baby momma!kami na sagot sa lahat basta matuloy lang!!!!!

    • Poldo says:

      talagang binenta ang kapatid??

      maghunus-dili ka greta! ano nalang magiging kapalaran ng anak namin na magiging
      pamangkin mo kung matuloy yan! jusko hahahahahaha…

      tsaka di pa nga ready yung betlog kong maglabas ng isang matinding semilya para makabuhay ng baby noh! saka na! LOL

      happy new year sa pamilya pineda!

  10. Glentot says:

    HOY POLDINGGEDING napepredict ko na marami ka pang kagaguhang ihahatid sa blogosphere sa 2011 so hihintayin ko yan.

  11. myfilthyroom says:

    shet, may roll VTR pa. haha🙂 pers taym ko dito.

  12. Keko says:

    haha. utay-utayin. Grabe naman nakakaliit ng utak yan ha.
    Happy new year! hehe.

  13. benh says:

    Tsong happy new year sayo! Wish we have a blessed new year ahead of us.. hindi puro kamalasan! hahaha!

  14. taribong says:

    God bless you and your family always…and may your mom truly get healed fast! Happy new year!! Tagay na!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s