Uwian na! uwian na! uwian na.

Posted: January 20, 2011 in Kahit anong ka-poldo-han, Makapagblog lang :)

January 17, Martes

Habang busy busy-han (kunu!) ang Poldo sa kanyang pagtrabaho ng biglang nakareceive ng tawag mula sa kataas taasang impyerno (Administration office) na kung pwede ay sumandali lang pumunta duon pagkat may importanteng bagay daw sasabihin sa akin si LUCIFER(ADMIN manager).

Kinabahan pa ako nung mga sandaling iyon, baka nahuli na nila akong nanonood o nag-dodownload ng PORN MOVIEs/Games. Di ko alam ang gagawin ko. Gulong gulo ang aking isip na baka patalsikin ako at sipa sipain pauwi ng pinas! AYM SKEYRD!!!! (arte lang).

Seriously sinabihan ako nung krung2 admin maneyger(sleng) namin dito na ready na ba akong magtransfer sa kabilang project. Since tapos na kasi ang project dito at wala na akong inatupag kundi manood ng movie o tumambay sa pantry, napagdesisyunan nilang PAUWIIN na ako ng pinas. Tinanong pa ako ng ungas kung gusto ko pa ba daw magtrabaho.. ABA syempre noh.. pera rin yan! kaya di na ako nagdalawang isip pa! UMU-o kagad at umalis sa kanyang opisina. Mahirap na baka magbago pa ang isip ng mokong na yun.

Sinabi nyang after 7 days o bago mag JANUARY 25 ay dapat mag-alsa balutan na ako at ibigay sa isa kong kasamahan ang yung mga remaining job dahil ako ngay aalis na. KERI Lang simulat sapul naman wala akong ginagawa noh JOKE! so ginawa ko nga ang sinabi nya. Itinuro ko dun sa isa kong kasamahan yung mga dapat gawin at yung mga records na kailangan pang iupdate… blaah blah blaah blahh.

Kung tatanungin nyo na kung excited ako.. hmmmmmmm Hindi naman masyado.. COOL lang… kung tutuusin ayoko pa sanang umuwi pero no choice kailangan na rin. at mas mukhang excited pa ang mga nasa pinas! kanya kanyang hiling na pasalubong.. mga walang ya! JOKE lang…

But for now ayoko pang isipin yun. Mahirap dahil alam ko ang pakiramdam na habang lumalapit yung araw ng paguwi sa pinas e MAHIRAP MAKATULOG!!!!!!!.. tae talaga.. Kaya KEBS muna sa banga, ipagpatuloy ang panonood ng PORN MOVIES.

At sya nga pala makikipagMEET ako sa isang napaka glamorosang nilalang na kini-claim nya na sya ang DYOSA ng mga ANGHIT este ng UAE.. walang IBA kundi si MOMMY AYIEEEEEE!!! weeeeeeee.. First time in history of blogworld na magkakaroon ng bloggers meet up sa MIDOL IST! haym so heksayted!! LOL.. Dalawa lang naman kame! hahahaha….. Ibibigay nya yung mga gifts para sa mga kapwa blogger. (Sakto! di ko na kailangang bumili ng pasalubong sa kanila bwahahahahaha! joke lang mommy ayie! bukas ha! libre mo kong isang order ng bulalo! yummehh! hihi)

P.S.

oo nga pala bukas narin ang alis ng pinakamamahal nating si Po!(KUNG FU PANDA) este si BOSSING Jepoy! papuntang SG!! Dun maguumpisa ang Buhay ng isang ganap na OWWW EPPP DABALYU! ingat sir! yung pabango mo promise gagamitin ko nalang muna. Bilhan nalang kita ule pag magkikita tayo okies??? mwah!(may MWAH?? hahaha) God bless you! sir!

Have a nice weekend! pwends!!!!!! Mwah!

Comments
  1. dlittlegirl says:

    ingat sila sayo paul! LOL!

    pasalubong ha? power hugs!!!!😀

  2. Jepoy says:

    Polding na touch ako sa pag goodluck mo. Alam mo namang emosyonal ako sa mga panahong ito. Salamat sa pag take nang time na bilhan ako ng pasalubong, sapat na yun para matouch ang makeso at makolesterol kong puso. *SMack* ahhahaha

    Hayaan mo’t pag napadpad ka ng SG sagot ko ang universal studios tix mo! Go!

  3. yeeeeyyy..uuwi ka na..alam mo na move.. 33, 9 and M.

    hehehe.. ingat parekoy!

  4. khanto says:

    bukas na pala flight ni sir jepoy.

    at may eb ka dyan sa mid-east.. susyal.

    tnx pala sa pag-accept ng friend request sa fb😀 ehehehe

  5. abou says:

    hapi trip. ay hapi ka na pala.

  6. glentot says:

    Yippiee imimeet mo si Ayie it means may something for me!!! Hahaha joke lang Peeps.

  7. Banjo says:

    1st time ko dito sir, tumambay at nagiwan ng bakas na din… naki epal ng konti.. lapit na pala kayo umuwi.. happy trip sir…🙂

  8. YanaH says:

    sino ang heksaytment dito sa pinas?
    sinooooooooooooooooooo?

    magbibidyoke ka daw sbi ni rusmari?
    bat wala akogn alam?
    bakit?????????????????
    lol

    happy trip nekswik poldy..

    amisyu ng wan hul

  9. sikoletlover says:

    have a safe trip polding🙂

  10. p0ks says:

    huwaw pauwi na sa lupang hinirang!! sayang hindi ako makakasalubong ng amoy saudi,hihihi

    salamat sa comment mo Polds..tats ako!!

  11. Diamond R says:

    ang saya naman niyan. Ingat na lang sa biyahe.

  12. Yow says:

    Eh kailan ba ang uwi mo? Naguluhan ako sa kwento. Haha. Makakauwi ka na din. Ulitin mo na lang ang pasko at new year pagdating mo. Haha. At pahingi ako ng picgreet ha? [tsaka vans na kulay pula size 11].🙂

  13. drake says:

    so babalik ka p rin ba dyan sa middle east? Hindi ko gaanong naintindihan eh?sensya na slow lang!

    Eh ihalik mo na lang ako sa lupa sa pinas!heheh ako uwi ako ng MAY! YEHEYYYYY

    So nameet mo na pala si Ayie, sabi ko sa iyo kamukha nya si Angelu de leon, yung kapatid ni Joey de leon!hahaha

    ingat polds, at maghasik ka na ng lagim sa atin!

  14. Ungaz says:

    PASALUBONG!!!!yon lang.hahahahahahaha!!!!Joke.Have a safe trip home at enjoy sa bakasyon mo.:)

  15. NoBenta says:

    ayus parekoy! San ka ba dito sa pinas? sana ay makapagkita tayo at makalagok ng ilang bote ng san mig lights! \m/

  16. karen says:

    hindi raw excited umuwi pero homesick na homesick na. hehe!nangangamoy chocolate na?hihihi

  17. Jag says:

    happy trip! ingat!

  18. Ayie says:

    Polds, ingat ka. Sorry. Mwah.

    **Hindi ko pa pala kaya. Hindi ko pa kayang palitan yung masasayang ala-ala namin ni Glentot ng isa pang Blogger EB—bwahahahaha!!!!!

    Oist, pagbalik mo, game na tayo. =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s