Katapusan mo na!

Posted: February 6, 2011 in experience

Hindi ako takot mamatay. Kahit sa multo, white lady, shokoy, bata sa ilalim ng aking kama na punong puno ng dugo at kung ano ano pang karaniwang kinakatakutan ng nakakararami. siguro mas kinakatakutan ko pa at maging dahilan pa ng kamatayan ko ang pagpulupot ng AHAS sa akin. Ewan ko ba ang weird LOL.

Pero recently lang napatunayan ko meron pa akong isang kinakatakutan bukod sa Ahas, yun e Ang mga NEAR DEATH o DEATH WANNA BE EXPERIENCE.  yung tipong hinihiwalay ang internal organs mo sa katawan mo ng buhay ka pa without any anesthesia. YUN!

Let me give you some example of what I’m saying…..

DEATH WANNA BE EXPERIENCE:

  • Nung Sumakay kame ng SPACE SHUTTLE sa Enchanted Kingdom nung early college year. Nung time na yun e sariwang sariwa pa sa akin ang pelikulang Final Destination na kung saan nagcollapse ang buong ROLLER COASTER RIDE dahil sa isang pasaway na nagdala ng video camera para bosohan ang dalawang sexy chick. Nalaglag ang video camera at nasagasaan ng ride at dun nagsimula ang walang haggang aksidente.  (BACK to reality). Kabadong kabado at halos di ko maidilat ang dalawang mata ko habang hinihila paitaas yung shuttle. Pinapakiramdaman ko rin na baka may tarantadong nagdala ng camera o kahit anong things na pwedeng magcause ng accident buti nalang at wala. So nakarating sa dulo ang shuttle at walang patumanggang nirelease ng machine at nagstart mag Joy ride ang shuttle. Ang poldo? Todo kapit sa safety seat at pikit kung pikit ang drama! Di ko kinaya yung biglang bulusok nung ride pababa parang pansamantalang tinanggalan kame ng baga for 10seconds at binalik din after. Tapos na ang rides at pikit na pikit parin ako nun at mangiyak ngiyak! (ako na ang duwag!) pero inulet din namin. NagEnjoy e bakit ba? LOL..
  • Isa pang pinakaayokong pakiramdam e yung pagsakay sa eroplano!. OO parang Final destination din pero parang hindi rin kasi eto experience na isheshare ko e nakapagtake off na ang plane hindi magtetake off palang noh.. pmft!… So yun nga isa sa pinaka ayokong karanasan sa loob ng eroplano e yung magkakaroon ng avalanche turbulence sa kasagsagan ng travel! jusko feel na feel ang pagyugyog ng eroplano na kung minsan pa e namamatay matay pa ang ilaw! Feel na feel kong katapusan na ng napakakulay kong buhay. Pakiramdam ko na yung isang engine ng airplain sasabog dahil magkakaroon ng bara dahil sa sobrang polluted ng Air (huh? parang ilog pasig? LOL) Pero thank GOD parin dahil hindi nangyayari at wag mo nang ipagdasal! walang ya ka! joke
  • Ang last at ang pinaka latest e ang pagsakay sakay sa mga public Utility vehicle like bus, taxi, jeep etc. Ako lang ata ang paranoid at medyo nakasanayan na wala yun sa bansang pinagtratrabahuan ko pero sobra naman ata. Just like nung BLOGGERS meet up namin nila Yanah & Unni, 3 kameng nakasakay sa CAB (sosyal to boy!) si Midnight Driver si yanah and ang pinakacute sa lahat (ehem) joke!. Ang nangyari kasi si MD e todo entertain kay manong driver (magkapareho kasing driver LOL) kaya di namamalayan ni manong na halos pumasok na yung sinasakyan naming taxi sa ilalim ng 12 wheeler truck. Napasigaw ako that time at gusto ko nang tadyakan si manong.. pero dahil sa mabait ako di nalang at binigyan ko pa ng 1 Dirham oha…  Isa pa ay yung papuntang BONI STATION with YANAH, EMPI, AXL and Khantotantra. Nasa bus kame at ako ay todo hawak sa steel handle ng upuan. Jusko feeling ko konting konti nalang magse-say HELLO na ako kay kamatayan at ipapakilala ako sa long lost father ko na si lucifer.. Pero naging safe naman at walang ganung scenariong nangyari. At ang last ay ang NOVA BUS TRIP ni GF.. Kinuwento ko kasi yung isang post ni wickedmouth about NOVA bus at ang kanyang experience dun. Nagkataong palagi syang dun sumasakay. Napa OMG!!! nalang ako dahil pinilit nyang dun kame sumakay papunta sa kanyang DUTY sa east AVE. Walang nagawa! natupad ang hangarin at napasakay kame sa NOVA BUS! taena talaga. Katapusan ko na ba? sinabihan ko nalang si GF na next time wag na dun sumakay mahirap na.. (naks concern)..

at yan ang aking world wild adventure sa mga Death wanna be experience.

Yun lang po.. Ganadong magPOST?? hahahaha

ingat!!! muah!

Comments
  1. dlittlegirl says:

    ang sarap sa space shuttle!! parang naiiwan ang soul sa body, and yes, uminglish ako. :))
    anu namang nakakatakot sa nova bus?

  2. khanto says:

    wahahah. yung ordinary bus ba yung tinutukoy mo na akala mo nasa blower ka kasi sobra ang tulin ng takbo at hampas ng hangin sa loob. katakot yung bus na yun. waheheh. feeling ko baka tumambling yun. :p

  3. MPoy says:

    oo nga.. sino ba gustong sumakay doon sa bus na yon at doon tayo sumakay… tsk!

  4. jay says:

    ay same here poldo…

    di ko kaya space shuttle…para akong ibinabaon sa hukay,,:))

    nakidaan at nakikoment :))

  5. LordCM says:

    dapat pre dala ka ng Nova kapag sakay ka ng Nova Bus😀 kung di mo alam ung nova bahala ka! lolzz

  6. rainbow box says:

    pwedeng ayusin yung comment na walang sense?

    ang sarap sa space shuttle!! parang *humihiwalay* ang soul sa body, and yes, uminglish ako.😀
    anu namang nakakatakot sa nova bus?

  7. Ungaz says:

    One word: PRANING!!!!Panay kasi nood ng Final Destination…tsk tsk.Kung oras mo na oras mo na. Malay mo simpleng talisod mo nauwi sa pagkabagok at pagkamtay.ganon lang!!LOL

  8. Michael says:

    Kapraningan talaga o!

    Tanong ko lang, hindi ba ang term na ginagamit sa eroplano kapag may atmospheric disturbance ay turbulence?? Ang alam ko, avalanche, parang pagbulusok ng nyebe mula sa tuktok ng bundok. LOL. Sorry naman, napansin ko lang talaga.. Peace tayo.. :D:D:D:D:D:D

  9. Diamond R says:

    ganadong -ganado. sa lahat ng near death experience mo yong muntikan ng pumasok sa ilalim ng truck ang ayaw na ayaw ko. nangyari na kasi yan sa akin. Enjoy your vacation . kailan ka ba babalik dito.

  10. glentot says:

    haha buti na lang hindi ako nagkaphobia nang dahil sa final destination…

  11. Yow says:

    Buwis-buhay! Aylabet! Haha. Paborito ko yung space shuttle at da best pa na space shuttle max na siya ngayon. Haha. Kahit ilang beses, kebs lang. Masyado lang magaling sa visual effects ang kano. Di ako mapagpaniwala dun. Haha. Bute naman buhay ka pa, at nakapagsend ka pa ng picture greeting na umiihi. Pambihira! Haha.

  12. Jag says:

    takot ako sa gagamba…sa ahas nmn so-so lng basta ba may hawak akong payong na panghambalos dun ok lng haha…

    trip ko nmn yung lumilipad sa ere kya nga pinaka dream ko tlga ay ang mkpagsky dive hehehe…sana may mnglibre sa akin nun mhal ksi huhuhu…

    pero ito lng tandaan ntin kung time na talaga nating mag diffuse sa world, wala n tayong mgagawa dun hehehe…

    kung d p ako dumalaw dito d ko mlalamang may posts k n…😦

  13. rennie says:

    LOL nakakatawa naman ang kapraningan mo! nyahahaha… sa susunod wag na manood ng mga mala final destination na movies. hehe joke

  14. sendo says:

    ay naku buti na lang di ako sumama nun..kung andun ako baka mangyayari yun..may lahing malas ako..charot..bwaha..baka may final destination 5…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s