30 days test kaya pa???

Posted: March 16, 2011 in Kahit anong ka-poldo-han, Makapagblog lang :)

Haluuuuu!!!

Bukas ay magiisang buwan narin pala akong nagtratrabaho dito sa bagong management/project pero sa iisang Company parin. Back to the old habit nanaman ang lolo nyo pero this time medyo mahirap ang situation, Dahil bukod sa bago ang work environment, although nasa UAE parin ako e bagong mga katrabaho at BAGONG BOSS na kailangang pakisamahan.

Same as anybody, kasagsagan ngayon ng adjustment ko lalong lalo na dito sa kupal kong Boss. Medyo marami raming trabaho ngayon ang ginagawa ko dahil narin sa naguupisa palang ang project at ang mga trabahong dapat ay gawin ng Kupal kong boss ay sakin narin pinapagawa. Feeling ko napakatalino at mataas ang managerial skills ko dahil ako mismo ang nikikipagmeeting at nakikipag colaborate mula UAE hanggang KOREA dahil wala na ngang ginagawa ang KUpal kong boss. Wala naman akong magagawa dahil isa lamang akong trabahante ng isang kupal na boss.

Sumasagi rin paminsan minsan ang pagreresign dito sa aming kompanya. Parang gusto ko nalang manatili at maghanap ng trabaho sa pinas. Gusto ko ulet maranasan ang maipit sa traffic pero wag naman palagi ha! tsaka makipagsiksikan sa MRT lalo na pag rush hour. Tapos pag payday na, automatic magkakaroon ng konting inuman kasama ang barkada tapos bibigay mismo kay mama yung kalahati ng sahod ko. Pero pag sumasagi sa isip ko ang mga priorities and mga plans ko parang nagdadalawang isip ako kasi bukod sa di ko matutupad ang mga goals ko e maliit lang kung ikukumpara ko yung kinikita ko dito, kung sa pinas lang ako magtratrabaho. tsk!

Isa pang dagdag sa alalahanin ang kasalukuyang pangyayari sa mundo. Unang una ang kaguluhan dito sa Midol Ist (Middle East). Nauna na ang EGYPT, nagtagumpay at napababa nila ang kanilang leader, Sumunod naman ang kalapit bansa na Libya, Yemen at Bahrain. Napabalita rin na nagkakaroon din ng konting gulo sa Saudi Arabia. Hay Hiling ko lang kay Papa Lord na sana ay humupa na ang tensyon na nangyayari. Baka magkaroon pa ng dominoes effect at bigla nalang makaroon din ng aberya dito sa UAE. Wag naman Lord Please!!. Ok sana kung ang mga pinagtatalunan nila e pagpapabango sa mga AMOY PAANG LAHI. Kaso hindi eh.. tsk.

Pangalawa ang Earthquake/Tsunami/ Nuclear explosion na kasalukuyang nararanasan sa Japan. Maraming Hapon at pati narin mga pinoy na nagtratrabaho sa land of the rising sun ang nasalanta ng Earthquake at tsunami. At dahil sa NUCLEAR POWER PLANT ang project namin dito sa UAE, wag naman sanang magbago ang isip ng Gobyerno ng UAE  at ipatigil ang pagpapatayo nito dahil baka magaya sa nangyaring explosion sa Japan.. Mawawalan kame ng work… Lord Please don’t make that happen!. Please!!

Pero sana kahit ganun ang nangyayari e pasalamat parin tayo dahil nandyan parin si Lord para sa atin at di tayo pinapabayaan. Nagpapasalamat din ako dahil sa mga biyaya at gabay sa family ko. Alam kong kahit napaka naugthy ko e di mo ko nakakalimutan. Salamat po Papa jesus!

Sa 2.5 na reader ng blog na ito… Maraming salamat sa inyo dahil kahit na nilulumot at walang kakwenta kwenta tong blog ko e napapabisita kayo….

Isang malaking TENCHU at Kiss with tongue lang ang maibibigay ko sa inyo! Muah!!!

Yun lang po muna! bye!

Comments
  1. YanaH says:

    gusto ko lang sabihin na 4x mo namention na kupal ang boss mo in one paragraph
    hihihihi
    bleh!

    hang in there poldy!

    wui namimiss na namin ni unning ung ating madalas na threesome! lol

    • Poldo says:

      at kailangang bilangin kung ilang beses binangit ang walang yang boss ko ha? LOL…
      Tiis tiis nalang talaga. tsk.. ako rin talo pagnagkataon kaya no choice.. kiss ass talaga ginagawa ko dito.. pambihira!.. tsk…

      salamat yanahbanana.. miss ko na rin yun.. LOL

  2. Diamond r says:

    Ayon! nagkatao din ang bahay na ito.Welcome back. madalas kong bisitahin ito baka may mawala.Bantay ba.

    • Poldo says:

      nakow! maraming salamat sir! nakakahiya naman pero salamat parin at inaagiw agiwan nyo tong bahay ko hahaha… wala po bang nawala? ayos! LOL

      salamat sir!

  3. khanto says:

    tagal mo nawala polds. Comment ako later pag idle na. Biglang may call :p

  4. khanto says:

    hayan, nabasa ko na. wakokokokokk. busy ka pala sa new work mo kaya medyo madalang ka lang makapag post. Tiis na lang muna sa koopa-troopa boss mo.😀

  5. hello. aliw po ang stats na 2.5 readers. haha, parang number of children sa western countries.😀

    • Poldo says:

      haluuu Doon po sa amin… teka ano nga ba meron sa inyo? LOL… salamat sa pagbisita.. naway ienjoy mo ang sapot ng gagamba, amag, kumag at iba pa dito sa walang kwentang blog na ito hihihi…

      salamat..

  6. MidNytDriver says:

    Yun naman eh.. salamat sa kiss with tongue ha.. masyado kong ninamnam.. hehe..

    party party!

    • Poldo says:

      Punyeta ka! kaya pala halos malunod ako masyado mong nilasap yung pasasalamat ko! LOL…

      salamat pare koy.. i miss you na! hahahahaha.. partey partey next time!

  7. Michael says:

    Hindi mo ba alam, polds, na ang dami-daming pilipino dito sa Pilipinas na hirap na hirap maghanap ng trabaho, isama mo na ako doon, tapos gusto mo lang mag-resign?!?!

    Magdasal-dasal ka lang diyan sa MIDOL IST, kasi tumataas nga ang tension diyan, sunud-sunod silang nagwewelga. Mga echuserang froggilets lang sila, tayo ang unang nag-people power!! Tayo!! LOLOLOLOL.😀

    • Poldo says:

      hahaha.. adik adikan! iniisip ko di ako magreresign as long as di niya ako iteterminate.. But I’ll do my best para di mangyari yun. Dahil sabi mo nga hirap maghanap ng trabaho.. ayoko rin matengga eh.. hihihi\

      salamat pare koy!

  8. Unni says:

    poldy~~~~~~~~~~~`
    pali pali jokes
    ingat jan lagi ha..hamishue ng marami jusko ang busy ko kunyare haha..
    paki sabi kay mr kanta phonepal kami may internet phone sa opis :-” hahaa
    asa akong makakagamit dba haha

    • Poldo says:

      Jusko unnicorn.. wag na si Mr. kanta.. latak to sa lahat ng korean.. Mabaho sa lahat ng mabaho.. gunggong sa lahat ng gunggong… love na love ko boss ko noh? di ko sinisiraan? LOL…

      hamishue big unnicorn!

  9. NoBenta says:

    ang tagal nating nawala. ang tagal nating di nagkita sa blogosphere! nasa iang kumpanya ka na pala! hayaan mo, di ka pababayaan ni Lord. alam Niya ang tama para sayo. Good luck parekoy! \m/

    • Poldo says:

      bossing iisang company parin ako ibang project nga lang at ibang boss.. yun…

      so far nakikipagtagisang lakas ako sa boss ko at dahil sya ang boss talo me… tsk..

  10. Glentot says:

    We have a lot to be thankful for talaga..

    Hmm sino kaya yung .5 na reader haha

    • Poldo says:

      Ayokong sabihin na ikaw yun! joke… hahaha.. Alam naman natin na kaya naman nangyayari lahat ng bagay sa buhay natin dahil may enough reason at blessed from above.. kaya thankful nalang kahit minsan e di nating gusto yung nangyari… *nagexplain??? LOL

      salamat glentot!

  11. Yow says:

    Shet. Ayoko na magcomment dahil sa kiss. Nakakasuya. Haha.

    You’re blessed nga kaya be thankful. Kakabasa ko lang nito na nasa bago mong trabaho samantalang sabi mo sa Pesbook at Twitter eh iteterminate ka na. Haha. Pambihira naman oo.

    • Poldo says:

      pwet! este pwes late mo nang nabasa tong post ko na toh.. dahil yun ang latest.. (natural) Di ko alam basta kung anong darating sa dako pa roon e tatangapin ng maluwag sa nguso este sa puso..

      tenk yow!

  12. p0ks says:

    ang daming dapat ipag pasalamat! hihihi…hayaan mo na sila basta may work ka tapos..walang resign resign,hehehe

    • Poldo says:

      Ate powkie!!! namiss din kita! hug with mamasamasang kiss.. muahx! LOL… nagtitimpi nalang ako dito ate.. at silang bahala kung iteterminate nila ako.. wapakels LOL..

      salamat powz…

  13. karen says:

    miss u lang, ginoong poldo. yun lang gusto kong sabihin.😛

  14. diamond R says:

    Magupadate ka naman. iwanan mo muna yang boss mong * mo.Inaagiw na ang bahay mo.
    pinapasayalan ka lang

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s