Money Money Many Money

Posted: March 31, 2011 in Kahit anong ka-poldo-han, Makapagblog lang :)

Pera!
Puro nalang pera. Bakit nga ba nauso pa ang pera?
Samantalang Dati ay tanging pagkakalakal o pagpapalitan lamang ng paninda yung “IN” noon. Barter ika nga nila. Kaya nakapagtataka kung bakit kailangan pa ng PERA!

*Ating Alamin insert here

Ayon kay Manong gugel na laging nililink kay miss Wiki, Ang mga Lydians *kung sino man sila ay di ko rin alam* daw ang sinasabing nagumpisang gumamit ng baryang Ginto at Pilak na base sa mga henyo, itoy nagsimula around 600-650 BC nung time na bored na bored sila at wala na silang alam na pwedeng gawin sa mga ginto at pilak nila. At simula nun ay lumawak ng lumawak hanggang sa kasalukuyan. Ito na ang isa sa mga naging BASIC NEED of HUMAN LIFE.

*ating alamin ends Here*

Pero bakit nga ba napaka importante ng pera?.

Napakalawak at napakadaming dahilan. Sa sobrang lawak at dami ay nagkanda lito lito na kung ano ba talaga ang pera sa buhay ng tao.

“MONEY is the Root of EVIL”

Ayan nanaman! kung baga sa P*kP*k gasgas na at madami nang kalyo dahil sa gamit na gamit na!. E ang kaso kahit halos lahat e alam ang wikain na yan, bakit madami parin ang GAHAMAN at Mapagsamantala sa pera? siguro gusto nilang maging evil?? Ewan!

Katulad nalang ng kakilala kong Magasawa Laging nagaaway dahil sa walang pera. Si manong, Walang trabaho, Palamunin, tamad at mabisyo. Si manang naman talak ng talak kay manong, napapabayaan ang mga anak. Sa mga ganitong klaseng pangyayari 100% sure hiwalayan ang tuloy nyan. Ang mga anak? Ayun sa kalye pariwara… tsk..

Isa pa tong tropa ko nung High School, Pinoproblema nya dahil wala na syang Pera. Pinoproblema nya kung pano muling makapagbakasyon sa palawan. Pano na ang mga luho? Paano na ang pang-chicks at ang mas malala paano ang perang pang tustos sa pag-AAPPLY ng trabaho para matustusan ang kanyang mga luho? mukanggagulang.. Joke!..

Pero syempre meron ding mga pinalad na mabiyayaan ng limpak limpak na kaperahan. Sila yung mga taong kinasangkapan ang kanilang lakas ng pangangatawan, kaisipan at mga kanya kanyang galing para makamtan ang ginhawa sa kasalukuyan.

Nangyayari rin na kung sinu pa ang mayaman sila rin ang mas makapangyarihan at inaabuso para mas lalong yumaman.. Hindi na bago yan! kaya nga diba may nangyayaring impeachment? merong nagwewelga? merong nakasuhan ng graft and corruption?? duhr!

Pero pano nga kaya ano? kung yung di nauso ang Pera at hanggang ngayon e gumagamit parin tayo ng Barter system para makipagpalitanan ng kalakal.

Sa tingin nyo, Pabor kaya sa atin yun?…

.

..

“Ipagpapalit ko ang isang daang pares ng bahag, kapalit ng Ipad 2” -_-

 

 

P.S.

Puro kaututan lang yan. Naisip ko sahod ngayon ng mga nagtatrabaho sa pinas… Dito cut-off at malapit narin kameng sumahod yahooo.. un lang bow!

Comments
  1. YanaH says:

    ipagpapalit ko ang katinuan ko para sa isang matinong lablayp.

    oooooooops! sawreeeeeeee mali..

    erase. erase. erase. hahahahahahaha

    amisyuuuuu poldy…

  2. khanto says:

    itratrade ko ang aking body fats para sa mga skinnies na gustong magkalaman :p

    kung materyal na bagay, pede na psp😀

    naka-base si yanah

  3. Michael says:

    In my opinion, ang “love of money” is the root of all evil. Iyon lang. Ipagpapalit ko ang puri’t kaluluwa ko kapalit ng IPad 2.. LOLOLOLOL.😀

  4. dlittlegirl says:

    igi-give up ko ang mala-caterpillar kong body para sa sexy dress! rawr! hahahahahaha!

    igi-give up ko ang ipad 2… makasama ko lang ang mga mahal ko. =)

    i miss u poldy!

  5. Diamond r says:

    Ayon, sana bumalik ang panahon na ang asin ipinapangswesweldo. Dahil marami ako nyan. bibigayan kita ng kahit ilang sako poldo.

  6. Ungaz says:

    Hay!Lintek na pera yan…hahahahaha!!! Wala kasing kasiyahan ang tao….Di marunong makuntento.

  7. Jag says:

    HIndi katanggap tanggap ang katagang “money is the root of all evil” pag nabasa mo ang librong “rich dad, poor dad” hehehe…try mo parekoy!🙂

  8. Glentot says:

    Kahit siguro hindi naimbento ang pera, hahanap at hahanap pa rin ang tao ng dahilan para mag-away-away hehehe

  9. glenn says:

    LACK OF MONEY is root of evil kuya. hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s