Remit

Posted: August 6, 2011 in Family matters, Working tag

Kahapon schedule ng sahod namin. Oh wag nang humirit ng libre, kung keri mong pumunta rito, Sige pa-rine at lilibre kita ng roasted hita ng camel gow!.

So yun nagrequest kame ng masasakyan para maka-luwas ng bayan upang makapagwithdraw at sabay narin ang padala. Kung baga e trinansfer sa amin ng company para itransfer lang din sa family. Nagtrabaho ng 11hours sa loob ng 26 days, na-withdraw  ng 15mins at pinadala ng 1 min. Ang bilis! ganun talaga kailangan ng pamilya eh. emo? 

Anyway para saan pa diba?, Ganyan kadalasan ang buhay ng isang OFW. Naks! feel na feel! pero uu nga. Padating sa Remittance center, Exchange rate kagad ang bungad namin. Minsan masagwa ang reaction bukod kasi sa umaalingasaw ang amoy ng mga patan (pakistani) at itik (indian) e pababa ng pababa yung Palitang ng dollar.

Sa katulad kong Per dollar ang rate, malaking epekto sa akin yung pagbaba nito kontra piso. Sa loob ng isang buwan halos isang libong piso rin ang nababawas. Biruin mo, ilang Pan de coco at coke sakto rin ang mabibili nun!. Mabuti kung bumaba rin ang bilihin kaso hindi naman.. Haist.

Pero kahit ganun iba parin yung may naitutulong ka sa iyong pamilya. Nakikita mong may pinupuntahan din naman kahit papano yung pinagpawisan ng kilikili mo. Tsaka sinong hindi gagaan ang pakiramdam pag sinabihan ka ng magulang mo na…..

Salamat anak! ingat dyan ha, love you!

O diba? ayos na ang Buto buto!

Yun lang!

Salamat!.🙂

Comments
  1. Ayie Marcos says:

    Gumaganon ka pa. Tinamaan ka ba ng dramatitis? Wag mo ng ipaalala dahil tulad ngayon, wala kaming Ramadan timing. hahaha! Di bale, marunong ng magbasa ang anak ko–sulit na rin ang 26 days, 11 hours at 15 mins lang padala na. =)

    • Poldo says:

      Aba’t umaaktib aktiban ka mommy ayieeeeee! hahahaha..
      naks! sulit na sulit lalo yan! marunong nang magbasa si chikiting! gow pabisitahin na sa blog ni glentot! mas marami pa syang mapupulot na aral! ahahaha

      jowk lang idol wickedmouth..

      Salamat powz sexy mommy!

  2. sikoletlover says:

    gusto kong makatikim ng roasted hita ng camel🙂

    ayos talaga. minsan nga nanay ko kinikilig pa pag nakapagremit nako😀 Godbless ginoong poldo🙂

  3. ungaz says:

    Nakz!Bait lang…amubunan mo naman kami ng grasya!!!!hahahaha….

    Wala talagang katumbas ang simpleng “thank you”….:)

  4. khantoo says:

    kung gusto mo, for a change, sa mga friends ka naman mag-padala. joke. hehehe.

    oks lang yan, basta family nakikinabang ay ayos naman.

  5. NoBenta says:

    parekoy! well, ganyan tlaga ang buhay nating mga OFWs. pero masarap talaga ang feeling kapag alam mong napadala mo na ang perang pinaghirapan mo sa loob ng isang buwan \m/

  6. EmPi says:

    huy! libreng pan de coco at sakto naman dyan. Lol

  7. Michael says:

    Wahihihihi … Libre! LOL. Makikiangkas lang ako sa buntot ng eroplano para makarating diyan at makatikim ng roasted camel … Ikaw na!😀

  8. Yow says:

    Aww.. Sweet. Tama! Eh para naman talaga sa kanila bakit ka nagpupumiglas sa pagtrabaho dyan. Kaya kebs lang, masaya sa feeling ang makatulong. Haha

  9. 11 hours a day hangwork moh?… hanglufet… nd yah… tama kah… halos isang bwan na kayod nd dumaan lang sa palad hangsweldo… kaya nga kahanga hanga kaung mga OFW… not easy… pero yeah like sabi moh… worth it naman lahat nang hirap kc para naman sa mga mahal moh ‘un sa buhay…. napadaan lang po.. ingatz nd Godbless!

  10. UnniBenteNwebe says:

    paur paur paur~~~~~~~~
    penge ng pan de coco nlng kkk
    tama letcheng bagsak value yan
    sakin 2 k kaya ang nawawala buwan buwan wahhh
    namiss kita paur~~~~~~~

  11. duking says:

    napaka-positive, kaya nga laging inspirasyon ang kwento ng sakripisyo ng lahat halos ng OFW. mabuhay po kayo.

  12. peach black says:

    ha ha ha buti ka pa nakakatanggap ng ganyan. ako pagkatapos kong ma-remit at lahat wala ka na ring maririnig sa kanila unless mangailangan ulit sila or tumawag ka para mangumusta. pero sanay na ako kaya walang kaso. I love your blog. Sana ganito ako kasipag.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s