Sino ang superhero mo?

Posted: August 10, 2011 in Kahit anong ka-poldo-han, Makapagblog lang :)

Madami nang mga Superhero movies ang mga naipapalabas sa mga sinehan. Mula kay Incredible hulk hanggang sa fantastic four. Sa labas na brief nila batman at superman hanggang sa pinakabago at macho-gwapitong si Capt. America.

Ilan sa kanila’y In-born na talaga ang kanilang superpowers kung baga cutie-babies palang may extra-ordinary na sa kanilang katawan. Meron din yung mga superheroes by accident na kung mapapansin mo ay puros science experiment failures. Kaya dapat tanggalin na sa Curriculum ang science eh bad sa human life! Jowk lang! i lurve science kaya!

Anyway, Idagdag pa yung dating mga superheroes, yung mga galing japan. Katulad nalang  ni Masked Rider Black at ang kanyang wonderful rider kick. Si Machineman at ang kanyang plastic cover-cape. Si shaider at ang panty ni annie at Lahat ng group heroes na nagtatapos sa -man (like Jetman, Fiveman, Maskuman). Sinong makakalimot sa mga Astigin fighting scene at pagdating din sa istorya ay di rin pahuhuli db?. Tsaka Nakakamiss din pala yung Themesong ni Puma-le-ar na kadalasang nakaka-LSS. May LSS  na pala dati.. LOL

Sige, since superheroes narin naman ang pinaguusapan syempre di pahuhuli ang mga pinoy dyan!. Meron din tayong pinoy superheroes. Mula sa pinaka-badass na sina Kumander bawang, Panday at Pedro Penduko, Hanggang sa Filipino version superheroes na sina Capt. Barbel (superman), Darna (Wonderwoman), Gagamboy (spiderman) at  boy paniki (batman). Lahat sila’y pumukaw sa ating murang pagiisip at dinala tayo ng ating imahinasyon sa kanilang mundo.

Pero pano kaya kung isang araw noh, meron kang nakasalubong na isang ermitanyo (tae! parang pinoy movies lang!) tapos dahil sa napakadalisay ng iyong kalooban kahit wala sa pagmumukha e binigyan ka ng chance para magkaroon ng super powers. Tatanggapin mo kaya?? e Pano kung yung super powers na yun e merong side effect o di kaya may kailangan kang gawin para magtrigger yung powers na yun.

Kuha mo ba? o sige bigyan kita ng sample.

  • Binigyan ka ng Abilities ni Superman kaso de-battery ka after 1 hour kailangan mong magrecharge.
  • May X-ray vision na gumagana lamang sa mga taong may edad 65 pataas.
  • Para sa mga kalalakihan. May Kakayahang lumaki at lumakas na parang Increadible hulk kaso kailangan munang pitpitin ang Betlog para magtransform ng ganun.
  • Para sa mga kababaihan. Invisibility pero kailangan munang sundutin ang puki!, Joke! Hanggang sa loob lang bahay gagana ang invisility nyo! tse!… Lol..
  • Power ni darna, tapos bato ng tawas na kasing laki ng kamao ang lulunukin.
  • Kakayahan ni spiderman, Meron kang spider ability at ang sapot lumalabas kagaya din ng spider, Sa pwet.
siguro…
Napakapeaceful at napakasaya ng earth.
Peaceful Kasi Merong superhero na pwedeng katakutan ang mga masasamang tao.
Napakasaya kasi literal na matatawa ka sa mga abilities nila.
Ikaw anong klaseng superheroes ability gusto mo?
Wag kang mamburaot! kailangan may side effect yan!
yown lang, salamat ^^
Comments
  1. Yow says:

    Abe magtatanong ka na nga lang, may required pang side effect. Hahaha. Ako gusto kong power yung kay Son Goku (tama ba spelling?). Yung tuturo sa noo gamit ang dalawang daliri tapos iisipin kung saan pupuntang lugar tapos mapupunta na dun. Nalimot ko ang tawag eh. Hahaha. Ang side effect, magiging kamukha ko si Tom Cruise. Pwede na yun! Di naman ako choosy. Hahaha.

    • Poldo says:

      OIst yow! natutulog ka pa ba? online sa umaga hanggang madaling araw??

      at dahil sa mabait ka naman matutupad yang kapangyarihan at magiging kamukha mo rin si tom cruise kaso permanente na yang pagiging makakalimutin mo, makakalimutan mo naring maligo poreber! tse!

      salamat yow..

  2. Michael says:

    Gusto ko iyong sexy jutsu ni Naruto, kaso imbis na hubad na babae ang pag-transform ko, magiging kamukha ko lang si Jake Gyllenhaal na may abs ni Derek Ramsay, tapos biceps lang ni Vin Diesel, tapos ang masama pa diyan, permanente na ang jutsu na iyon … Hindi na ako makakabalik sa dati kong mukha’t katawan! Oh, woe is me! :D:D:D:D:D:D:D:D:D:D:D:D

    • Poldo says:

      isa ka pa!

      O sige magtatransform ka ng mga sinabi mong artista at dahil dun magiging 2 1/2 inches nalng ang putotoy mo poreber! tse! hahaha..

      salamat michael aka mareklamong bata..

  3. Rainbow Box says:

    kung ano anong pinagsasabi mo mren, lumuwas ka ng sa city ng hindi ka nakakaisip ng mga kung ano anong mga kapangyari-kapangyarihan jan.

    Ako gusto ko yung nagteteleport teleport. Tas ang side effect nya, forever na sakin yung powers na yon. Kumbaga, irreversible. Astig.

    • Poldo says:

      eeee kasi mren! you know naman diba? inaaliw ko nalang ang sarili ko, wag ka nang kumontra howkei?!

      at dyan sa power mong teleport, poreber na sya kaso kada teleport mo sa ibang lugar nagsasara lahat ng may butas sa katawan mo.. gow!

      Meshyu rusmareh!

  4. MD says:

    Kainaman ka.. mga napagiisip mo.. hehehe

    pwede na sakin yung abilities ni superman na debaterya. kahusay lang! hehe

    • Poldo says:

      boss EmDi, pwede bang ako nalang ang pipili ng superpowers mo?, Tingin ko nababagay sayo yung powers ni incredible hulk, Pitpit betlog.. bwahahah

      cheers pare koy!

  5. taenang pitpitin talga ang betlog puhaha,,,
    adik k poldy
    epekto n ba yan ng pagkabusy mo???
    paki sabi kay mr kanta bgyan k ng break…
    summer vacay ngaun dba
    ibaon mo muna sarili mo sa desyerto puhaha

  6. jr. says:

    kailan kaya mag pa killala si super tae sa mga taong bayan poldo? kc lahat ng tao takot sa tae kahit kanilang tae pa. dba?

  7. duking says:

    eh kung nakikita mo yung future kaso laging 2 seconds ahead lang lagi. hahaha. parang wala din.

    alam mong may uutot pero hindi ka na makakatakas.

  8. Glentot says:

    Ikaw sana maging superhero ka yung kaya mong maging invisible pero labas ang mukha at bayag. Palakad lakad kang ganun ahahahahaha lavet.

  9. Traveliztera says:

    hahah natawa ako! panira o: May X-ray vision na gumagana lamang sa mga taong may edad 65 pataas. hahahhahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s